Chapter 1

4 0 0
                                    

Chapter One

Anna Karina Bautista Flores

Naramdaman mo na bang buhay ka pa, pero hindi ka talaga nabubuhay? Na parang ang katawan mo ay isa lamang walang laman na sisidlan na naglalayag na walang patutunguhan? Na parang kang sinasakal pero nakahinga ka naman ng maayos?

Kahit minsan okay ka lang pero sa kabilang banda ay malungkot ka pa din. Na ang gusto mo lang ay ang may makausap at makaramay. Pero pakiramdaman mo na naiinis sila sayo kaya mananatili ka na lang na tahimik sa isang tabi?

Palagi mo na lang bang iniinda ang sakit na nararamdaman mo sa likod ng iyong magandang ngiti? Dahil ginagawa ko...lahat ng oras sa bawat araw ng buhay ko.

Simula sa pagkabata ko ay kontrolado ng mga magulang ko ang aking mga kilos pati na rin sa pananalita. Ang aking ama ay isang kilalang business man at mahilig sa politics na si Jun Flores. At ang aking ina naman ay si Eloisa Bautista Flores ay isang kilalang modelo at lagi nakasuporta sa aking ama.

Tatlo kaming magkakapatid. Panganay ay si Kathrina Flores Pascual, siya ay isang chef sa isa naming hotel sa Manila. May asawa't anak na si ate pero hindi siya nawawalan ng quality time na dalawin sila mama at papa sa bahay. Yong pangalawa ko naman na kapatid ay si Jay-ar Flores, isang business man na sumunod sa yapak ng aming magulang. At ako ang bunso, loner at weird sa pamilya.

"Karen! Sinasabi ko sa'yo huwag na huwag kang tumonganga sa hapag kainan!" Sigaw ng daddy ko na para bang kulog sa lakas.

Nagulat ako at mabilis pa alas-kwatro ang pag-upo ko ng tuwid dahil sa nakakatakot niyang boses. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at kung nakakasugat lang ang mga mata ay kanina pa ako duguan.

"I-I'm sorry, dad." Bahagyang nanginig ang boses ko nang sagutin ko si daddy.

Tumingin ako sa mommy ko. Handang humingi ng saklolo pero wala man lang akong nakitang emotion sa kanya. Ang tanging nandoon ay sisi dahil sa kawalan ko ng presensiya habang nasa hapag-kainan.

Mabuti na nga lang at nasanay na ako. Kahit malaki ang epekto sa akin ng mga pinapakita nilang emotion.  Too bad, I can't change the way i am.

"You're so thin and barely touch the food! You know, how many people that are hungry and craving for a  food. Ang iba ay nagpapakahirap para lang magkaroon ng laman ang tiyan nila? Don't be so unthankful.
Have some respect." May diin ang bawat salita niyang pagalit sa akin.

"Karen, ayusin mo ang ugali mo. You're not a kid anymore so better learn to act like your age." Pinigilan kong mapangiwi ng marinig kong pagsegunda ni mommy kay daddy.

"I'm sorry Mom, dad." I said while feeling lost , unloved and also unwanted.

"You better be." She answered. "Now, eat and stop stressing us out."

Kinalma ko ang sarili at pilit itinuon ang atensyon sa pagkaing nasa harapan. Walang imik kong nginuya ang laman ng bawat subo ko. Inubos ko ang lahat at wala akong itinira kahit isang butil sa pinggan ko. There, I finished my food.

"I am sorry po." Saad ko ulit sa kanila.

"Ten minutes, Paulo will be here. Get ready to go to school. He will drive you there." Sambit ni mommy na muntik ko nang makalimutan.

"Yes, mom." I answered and then walk towards our grand staircase going to my room.

It's my first day bieng a college student. I should be excited? Ganon  dapat ang maramadam ko tulad ng iba. Sabi nga nila we can enjoy life, party dito, party doon, all things like in a movies because college means exploration time.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking bibig matapos kong isuka ang kinain ko. Pagkatapos maghilamos ay sinuklay ko na ang buhok kong mahaba. Inayos ko pa ang aking damit at sinukat ang aking braso ng paulit ulit. I groaned when I still feel fat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Affair Of The HeartWhere stories live. Discover now