⚜️ Alia ⚜️
Masyadong hectic yung ganap sa E.R ngayon kaya heto ako kakain palang ng lunch mag-aalas tres na ng hapon.
Puro lang ako kape simula kanina para hindi antukin. Ang dami daming pasyente galing road aksidente. At sobrang pagod na ako kakaikot sa mga pasyente sa E.R.
Habang kumakain ako sa hospital canteen narinig kong nag uusap sa kabilang table yung mga kasama kong nurse din sa E.R department.
*Alam niyo ba, hangang ngayon di padin pumapasok si Nurse Van. Galit na galit na nga si Doc Aden sa kanya eh. *
* Narinig ko nga din hinahanap ulit siya kanina umaga nung patient endorsement. Ang sabi nga ni Doc pwede na siyang matangal sa trabaho *
* Bigla kasing no show eh, alam mo yun walang explanation. Nasaan kaya ngayon si Nurse Van. * usapan pa nila.
Agad kong kinuha yung cp ko para tawagan si Nurse Van. Kagaya ng dati out of coverage pa din.
Nasaan ka ba Van, bigla bigla ka nalang nawawala di ka man lang nagsasabi kong saan ka pupunta.
Huling usap namin the day before mag medical mission. Ilang weeks na din siyang missing in action at hindi matawagan.
Pero thankful na din ako na hindi siya nakasama saamin sa medical mission that day. Nakaligtas siya sa kapahamakan dinanas namin dun.
Masyado lang akong occupied kay Bella kaya diko masyado naiisip na nawawala pala yung isang kaibigan ko.
Pero knowing Van siguro nag bakasyon lang yun or may nangyari sa kanila kaya di siya nakabalik agad sa trabaho.
Pero kase nagsasabi naman yun sakin kong may gagawin siya or aalis. Ngayon lang nangyari na bigla siyang nawala at hindi ko alam kong nasaan siya.
* Nasaan ka na ba Van, kailangan ka namin ngayon sa E.R *
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST
RomancePROLOUGE: Do you know what the most terrifying aspect of life is? Ito yun katotohan sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat. Pwedeng masaya ka ngayon pero bukas hindi na. Pwede din buhay ka ngayon pero bukas pinaglalamayan kana. What are you scare...