Warning Content: Spg
Naagaw lang ang pagiisip niya na may tatlong sunod sunod na katok mula sa labas ng pintuan ng kuwarto niya ngayon.
"N-Nay Tiring, busog pa po ako! Sigaw na niya mula sa loob ng silid niya ngayon. Katatapos lang kasi nitong magdala sa kaniya ng hapunan kanina. Na tulad ng dati ay hindi niya rin naman pinagkaabalahan ginalaw o tinapunan man lang saglit ng tingin ang mga iyon.
"Ate Trixcia, si Ana po ito. May ibibigay lang po ako sainyo, mahalagang bagay. Na tiyak ko po ay ikakatuwa niyo ng husto! Rinig niyang sabi na nito mula sa labas ng silid niya ngayon.
Sa sinabi nito ay mabilis naman siya napatayo sa kama niya at mahihinang hakbang na tinungona nhayon ang pintuan at binuksan iyon ng maliit lang. Sakto para makita niya ito.
"Ano iyon, Ana? Bungad niya kaagad dito, nang pagbuksan niya na ito ng pintuan ngayon. Nakita niyang kinusot pa nito ng makailang ulit ang mga mata nito bago nag salita muli. Sa inakto nito. Ay napatawa na lang siya ng mapait sa sarili sa nakitang ginawa nito sa harapan niya. Marahil ay nakita na nito ang hitsura niyang, walang kabuhay buhay. Idagdag mo pa ang mga mata niyang namumugto dahil sa magdamag na pagiyak niya. At paghihilamos man lang at pagsuklay ng kaniyang sariling buhok ay hindi niya nagawa.
"Ku-Kuwan Ate, may nagpapabigay po sa inyo, isang bungkos ng bulaklak at isang kahon ng shokolate po. Sabi nito at inumang na sa kaniyang harapan ang dala nitong isang kahon ng shokolate at isang kompol ng bulaklak. Walang kabuhay buhay na naman niyang tiningnan lang ang mga iyon. Saka nagsalita.
"Kanino raw ba galing? tanong na niya rito ng sipat sipatin na muli ang dala nito ngayon.
"Hindi po pinapasabi ,eh, pero pinapasabi raw po sa taong nagpapabigay kay manong guard na peace offering daw po ito para sa inyo, Ate. Nakangiti ng sagot naman nito sa tanong niya rito.
"Peace offering? Um--Itapon mo. Blangkong ang mukhang utos na niya rito ngayon. Nang makita ang bulaklak na hawak nito. May halong sunflower iyon ang dala nito. Hindi siya mahilig sa bulaklak na sunflower. Dahil may allergic siya sa may mga maraming pollen na bulaklak. Kaya simulat sapol noong nabubuhay pa ang kaniyang mommy niya. Ay orkidyas at rosas lang ang pinapayagan nitong itanim ng mga tauhan nito sa bakuran ng bahay nila. Naiba lang ng maging boyfriend niya si Mathew. Kadalasan kasi ang binibigay nitong mga bulaklak ay sunflower O kundi kaya ay baby's breath na bulaklak na kalaunan naman ay naging paborito niya na lang din sa huli. Hindi naman na siya makatanggi pa, dahil baka isipin nito na masyado na siyang mapili sa mga ibinibigay nito. Kaya para maiwasan ang mangyare ang mga bagay na iyon ay palagi siyang may dala dalang gamot na pangallergy lage sa bag niya, kahit saan man siya magpunta.
"H-Ho?! Gulat naman ang rumerehistro sa mukhang tanong naman nito sa kaniya ngayon.
"A-Ang ibig kung sabihin po. A-Ay sayang naman po ito kung itatapon lang. Sabi na nito ng makabawi sa unang inakto nito sa harapan niya ngayon. At napayuko rin sa huli ng mapagtanto ang sinabi. Napangiti naman siya sa sinabi nito. Tama nga ito sayang nga pagitatapon lang ang mga bulaklak, lalong laopuwa't pansin niyang mukhang kapipitas lang nito. Dahil sa maliliit na patak na tubig sa dahon na makikita niya rito ngayon. Hindi katulad niya parang lantay gulay na, dahil sa ayos niya ngayon.
"Sige saiyo na lang iyan mga iyan. Tukoy niya sa bulaklak at shokolate na hawak nito. Sanhi para mapaangat naman ngayon ang mukha nito sa ikinagulat ng nakatingin na ito sa kaniya ngayon.
"Talaga ho? Hindi makapaniwalang panimulang tanong na nito sa kaniya ngayon.
Tikom ang bibig na tinaguan lang naman niya ito bilang tugon.
"Naku salamat po, maam! Nakangiti ng sabi nito sa kaniya at dali dali ng binuksan ang kahon ng shokolateng hawak na nito. At akmang babalatan na nito ang hawak na isang piraso ng shokolate. Nang biglang mapatigil din ito sa huli ng mapansin ang ginawa nito sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
The Beast Stealing || Unedited
Ficción GeneralWARNING: MATURED CONTENT | RATED 18 He love to tease other people Start:3/ 30/2023 End: 8/3/2024