Chapter 33: Break Up
Written By BlackRavenInk16Gabriel's POV...
"ANO? Wala pa ba si Rio sa gate?" tanong ni Leandro kay Enrique dahil ito ang nakaabang sa pinto.
Kanina pa silang nangangalay magtago sa mga kinaroroonan nila. Nakapatay kasi ang lahat ng ilaw dahil may plano silang surprise birthday party para kay Rio. Nakapag-order at luto na rin sila at ready na ang hawak ni Leandro na party popper pero wala pa ring Rio na dumarating.
4PM ang uwian nito sa school pero 7pm na ay wala pa rin ito.
"Tawagan mo na kaya, Leandro? Baka napaano na iyon? Naiinip na ako maghintay baka lumamig na ang mga pagkain," sabi ni Enrique na binuksan na lang ang ilaw sa sala.
"Kanina ko pang ginagawa pero naka off ang cellphone niya. Baka lowbatt na," sabi nito.
"I think it's better kung hanapin na nga natin siya, siguro naman malapit lang siya sa school," sabi naman niya.
"But what if bigla siyang dumating? E 'di sayang naman ang hinanda natin para sa kanya. Baka wala siyang maabutan dito," sabi naman ni Enrique.
"Ako na lang hahanap kay Rio. Dito na lang kayong dalawa para may tao rito sa bahay kapag dumating siya."
Akmang tatayo na sana si Leandro para umalis na pero biglang tumunog ang cellphone ni Gabriel.
"Wait, Leandro--" sabi ni Gabriel saka binasa ang text.
"It's her father's doctor. Ang sabi niya, nagkaroon na raw ng malay si Mang Rodel. Ang papa ni Rio," sabi nito.
"That may be the reason why Rio is still not here until now."
"Yeah, nandoon nga raw si Rio," sabi ni Gabriel.
"Then what are we waiting for? Let's go find our princess--" akmang lalabas na si Enrique pero pinigilan din niya ito.
"Her mother is also there. Are you ready to face her now?"
Natigilan si Enrique saka biglang naalala kung paano nito sigaw-sigawan at pagtawanan ang nanay ni Rio noon.
"You too, Leandro. Handa ka na rin bang magsorry sa nanay ni Rio?"
"D*mn! I never said sorry or bow down to anyone. Lalo na sa isang maid lang!" inis na sabi ni Leandro.
"She's not just a maid, she's our future mother in law. Sa tingin n'yo ba, magagawa kayong tanggapin ng mama ni Rio pagkatapos ng mga masasakit na salitang binitawan n'yo sa kanya?"
"Bakit kasi kailangang ang matanda pa na iyon ang maging nanay ni Rio of all people? I can't believe na ang maid na sinisigaw-sigawan ko lang noon ay nanay pala ng babaeng mahal ko. D*mn, this is hard!" sabi ni Enrique.
"Why? Enrique? Mahirap bang lunukin ang pride para sa babaeng mahal mo? Besides, hindi lang naman purket dahil siya ang Nanay ni Rio, you should also know how to respect elders in the first place, even if she's just a maid."
"Easy for you to say dahil kasundo mo ang mama ni Rio. At tinutulungan mo pa ang daddy niya sa hospital bills but how about us? Umpisa pa lang, turn off na sa amin ang mga iyon. Paano kung ilayo nila sa atin si Rio?" natatakot na sabi ni Enrique.
"Kung naging mabuting tao ka lang sana sa umpisa pa lang, wala ka sanang problema ngayon."
"I'm going to say sorry..." Biglang sabi ni Leandro.
Napalingon silang dalawa ni Enrique dito at tiningnan naman sila nito ng diretso sa mga mata nila.
"Kung kinakailangan kong lumuhod, I will do it as long as it's for Rio. Handa akong itapon ang pride ko, huwag lang siyang mawala sa atin. Gagawin ko ang lahat para matanggap nila tayo bilang son in law nila."
BINABASA MO ANG
Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.
Romance3 brothers, fell in love with one innocent girl. Makakaya bang tanggapin ng pride nila na umibig sa isang katulong? At kalahati pa ng edad nila!