chapter 25

319 11 6
                                    

25:

3rd person's POV

pagkatapos ng nangyari, mabilis na kumalat sa buong school ang balita tungkol kay Zero. at ang nangyaring insidente sa loob ng classroom nila.

dahil riot angbuong school, pinagpaliban muna ng mga guro ang kanikanilang klase.. hindi na kasi nila kaya pang i-handle ang mga estudyante..

lahat ay nagchichismisan, ang topic ay kung hindi si Zero, si Hayse.

"naku, napakaswerte ng babaeng yun! kaasar ha!" sabi ng isang babae kasama ang iba pa niyang mga kaibigan.

"yah right. ano kayang kinakain nun at ganun ang nabiktima niya."

"si Zeke pa talaga. sus, di hamak namang mas maganda ako sa Hayse na yun!"

mas dumami ang haters ni Hayse pero wala naman silang magagawa kundi ang magchismisan. takot lang nila kay Zero.

sa di kalayuan. may isang pusong nalulungkot, nasasaktan at nawawasak.

mahirap. mahirap ang kanyang pinagdadaanan. ayaw niya ng ganitong pakiramdam.

mas masakit pa sa pambubugbog ng kanyang kapatid ang kanyang nararamdaman ngayon.

tahimik lang siyang umiiyak..

"kung hindi lang sana ako umalis." sabi niya sa kanyang isip.

sinisisi niya ang mga nangyari sa kanyang sarili.

"eh di sana. ako yung nagtanggol sa kanya. edi sana, hindi siya nasaktan." patuloy niya.

"eh di sana, hindi hahantong sa ganitong sitwasyon."

"kung maaga lang sana akong nakabalik."

ganyan lang ang takbo ng kanyang isipan. puro pagsisisi.

maya maya, dumating si Hero at tumabi sa kanya.

"pare." sabi ni Hero.

naaawa siya sa kanyang kaibigan. ngayon lang niya nakitang ganito ito.

parang lantang gulay, wasted, tulala at hindi umiimik.

"pare naman. wag kang ganyan!" niyugyog niya ang kanyang kaibigan. pero, parang hindi naman natinag si Drake.

tumayo si Hero at galit na galit.

"walanya talagang Zeke yan oh!! nilinlang niya tayo!" Sinuntok niya ang punong malapit sa kanya.

"may binabalak na naman yan! ang sama sama talaga!" patuloy niya.

nagulat siya ng may humawak sa dulo ng kanyang pantalon. kaya napatingin siya kay Drake.

"pabayaan mo siya. wala tayong magagawa." pinahid ni Drake ang mga luhang patuloy na umaagos sa kanyang mga mata.

"pare!! papabayaan mo nalang si Yuki sa kamay ng hinayupak na yun? if I know, gagamitin lang niya si Yuki para masaktan ka!" hinampas ni Hero ang likod ni Drake.

nagalit si Drake.

"wala tayong magagawa! Halata namang mahal nila ang isa't isa!! pabayaan nalang natin sila!" sigaw niya. halos matumba si Drake sa mga pinagsasasabi niya. nakakawala ng lakas.

"anong pabayaan!! AT BAKIT MO PINAGKAKATIWALA SI YUKI SA DEMONYONG YON HA!" tinulak niya si Drake, nagagalit siya sa kabobohan ng kanyang kaibigan.

"babe--"

"pare seryoso tayo." sinamaan ng tingin ni Hero si Drake. nagcocomedy na naman eh.

"mukha namang nagbago na si Zero. apat na taon na natin siyang kasama. kaibigan na ang turing ko sa kanya. oo, nagalit ako ng konti kasi siya pala si Zeke. pero bumalik lahat sa isipan ko. si Zero to at hindi si Zeke. u know what I mean?"

MY GAY-BESTFRIEND IS IN LOVE??? WAIT?? SA BABAE??(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon