Ang Puso <3

67 0 0
                                    

Yung akala mo okay na ang lahat.

Na kuntento ka nang patago mong minamahal ang bestfriend mo. Dahil alam mong mas mapoprotektahan mo siya dahil hindi magkakaroon ng ilangan?

Pero dapat bang itago talaga ang nararamdaman sa isang taong pagbubuwisan mo ng buhay kahit anong mangyari? Yan si Alex lahat gagawin para sa bestfriend niyang si Sarina. Mahal ni Alex si Sarina kahit na may mahal na si Sarina,at si Inigo un. 

Sa university napansin ni Sarina na iba ang kinikilos ni Alex,halatang kabado at ninenerbyos kaya nilapitan niya si Alex at tinanong kung ayos lang ba siya. Sa puntong iyon inamin ni Alex kay Sarina ang kanyang nararamdaman at sinabing sumama sa kanya at lumayo.

Naguguluhan si Sarina dahil sa mga nangyayari. Tumanggi siya dahil biglaan at may Inigo na siya.

Saktong dumating si Inigo at niyaya na umalis si Sarina. Hinawakan ni Alex ang braso ni Sarina at sinabing wag na sumama. Ngunit tinanggal ni Sarina ang pagkakahawak ni Alex sa braso niya at sumama kay Inigo.

Habang naglalakad silang papalayo sumulyap si Inigo kay Alex at tumawa na parang may balak. Napaluha nalang si Alex. 

Dinala ni Inigo si Sarina sa isang abandonadong lugar at nagtaka si Sarina. 

May 10 lalaki ang nagsilabasan at pinalibutan si Sarina. Biglang dumating si Alex at tumakbo ng mabilis papunta kay Sarina ngunit hinarangan siya ng 2 lalaki at hinawakan si Alex. Sinigaw ni Alex ang pangalan ang pangalan ni Sarina at nagpupumiglas dahil sinuntok ng isang lalaki si Sarina sa sitmura hanggang sa mapaupo siya at sumigaw ng tulong kay Alex. Napaluha si Alex dahil wala siyang magawa habang binubugbog ng mga lalaki si Sarina at sumisigaw kay Inigo ng "Bakit?". 

Nang naubusan na ng lakas si Sarina nakaalis si Alex sa pagkakahawk ng 2 lalaki at tumakbo kay Sarina,binuhat ni alex ang ulo ni Sarina at tinapik-tapik ang mukha nito para magising pero hinila siya ng mga lalaki papalayo kay Sarina at binugbog siya.

Akma namang babarilin ni Inigo si Sarina na pumipilit tumayo nagsisigaw si Alex pero wala siyang nagawa. Sa puso siya natamaan ng bala. Humagulgol si Alex at napaluhod dahil sa nangyari kay Sarina. Nakaalis ulit si Alex sa pagkakahawak ng mga lalaki sa kanya at dahan dahang lumapit kay Sarina at niyakap ito. Hinayaan na lamang nina Inigo at mga kasama niyang lalaki dahil nagawa na nila ang dapat nilang gawin.

Nagising na lang sa ospital si Sarina at ang unang hinanap si Alex.

...

...

...

Pero hindi niya nakita ito. 

 Dumating ang mama niya sa kwarto at sinabi na kaya nagawa ni Inigo un ay dahil gusto niyang gumanti,gusto niyang gumanti sa ginawa ng tatay ni Sarina na pumatay sa kapatid niya na ikinabaliw ng papa niya. At dahil nga matagal ng patay ang tatay niya kay Sarina siya gumanti. Naliwanagan si Sarina,na pinalapit niya lang ang loob niya para mas madali siyang mapatay.

Sumangayon ang mama niya. Napaisip si Sarina "kaya pala sinasama niya akong lumayo", nainis siya sa kanyang sarili dahil hindi siya sumama sa kanya na alam naman niya sa sarili niyang simula't sapul may nararamdaman na siya para kay Alex.

Hindi na tinanong ni Sarina ang kalagayan ni Alex dahil alam niya sa sarili niyang ligtas siya. Tinanong ni Sarina kung pano siya nakaligtas, dahil nga naalala niyang nabaril siya sa may puso. Napatungo ang kanyang ina at naging malungkot. Nagtaka si Sarina dahil dapat nga matuwa siya dahil nabuhay siya. "May nagdonate ng puso para sayo para maisagawa ang heart transplant dahil nga gumagana parin ang mga nerves sa katawan mo" Natuwa si Sarina. "Talaga ho? Dapat nating pasalamatan yung taong yun. Sino nga po ba ang nagdonate?" Napatungo muli ang kanyang ina. "Ma. Sino po ang nagdonate?"

...........Tumunghay ang kanyang ina "Si.....

..........

..........

 Alex"

Napatigil si Sarina at bahagyang tumawa kahit may tumutulong luha sa kanyang mata. "Ang bestfriend ko talaga nag-abala pa " Umiyak siya ng umiyak hanggang sa may inabot na papel ang kanyang ina. Binuklat niya ito at binasa.

"Bestfriend,

Alagaan mo ang puso ko ha? :) Malakas yan at hindi agad bibigay. Pansin mo naman kung pano kita minahal ;) Ang hina kasi ng sayo eh kaya binigay ko na lang ung akin sayo. Malakas ka sakin eh ;) Ikaw pa. Alagaan mo ang sarili mo ha at maging matatag ka dahil wala nang magbabantay sayo. Pero kahit wala man ako sa tabi mo. Aalagaan pa rin kita. Magkikita pa naman tayo eh. Tandaan mo,hihintayin kita.

Puso mo,

Alex Pogi.

Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon