Shea's POV
"Guys you wouldn't believe what I just saw in Jasmine's room." Sabi ni Lorraine habang gulat ang ekspresyon pero parang may iba rin sa ngiti niya. Nandito kaming magkakaibigan sa may hardin except kay Adrian and Zsofia nasa kusina.
"Ano iyon?" Crenton asked.
"Natutulog siya with someone." Sagot nito.
"Baka pinsan lang niya, masyado kang ma-issue. Sabagay diyan ka magaling." Sagot ko sa kaniya.
"Umagang showbiz news mula kay Lorraine." Sabi ni Crenton at humigop sa kape niya.
"I am not ma-issue and dzuh! She's sleeping with Mr. Hawty Professor." Pagkatapos kong marinig iyon ay napatayo ako habang si Crenton ay nasamid sa iniinom buti nga.
"You got to be kidding me." I said in shock.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Sarkastikong sabi ni Lorraine.
"Palagi naman." Sabat ni Crenton.
"Then come with me para makita niyo." Sagot niya at sumunod kami ni Crenton.
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita kong mahimbing na natutulog si Jasmine habang nakayakap mula sa likuran niya si Mr. Hawty.
"Nandito pala kayo mga hija at hijo." Rinig kong boses ni tito mula sa labas, ako kasi ay nakapasok sa kwarto habang sila Lorraine at Crenton ay nasa may pintuan.
"T-tito?" Rinig kong medyo nagulat na boses ni Lorraine.Napatingin ako kay Crenton at sinenyasan akong gisingin si Jasmine. Napatingin naman ako kay Jamsine na unti-unting minulat ang mata at gulat na napatingin sa amin.
"Ayos ka lang ba hija?" Boses ni tito na tinatanong si Shea. Pinanlakihan ko ng mata si Jasmine at nagmamadaling napatingin kay Mr. Hawty mahimbing pa rin ang tulog.
"Oo naman po tito. Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Shea.
"Gigisingin ko sana si Jasmine kasi may naghahanap sa kaniya." Sagot ni tito.
"Ay ganon po ba? Kami nalang gigising sa kaniya tito." Singit ni Crenton sa usapan.
"Ayos lang naman na ako na dahil may sasabihin din ako sa kaniya." Sabi ni tito. Nakita kong nagising na si Mr. Hawty ng bigla siyang sipain ni Jasmine kaya nahulog sa kabilang side kasabay non ay ang biglaang pagbukas ng pintuan. Aray ko po ako ang nasaktan sa kaniya, kakagising palang niya eh.
"Dad!" Bati ni Jasmine.
"Gising ka na pala at nandito ka pala sa loob Shea." Rinig kong boses ni tito mula sa likuran ko.
"Hello po tito." Bati ko saka yumuko ng kaunti.
"Hija pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ng kaniyang ama.
"Maiwan po muna namin kayo." Paalam ko at hinila ang dalawa saka sinarado ang pintuan pero ang totoo niyan ay nilapit namin ang aming tainga sa pintuan. Umagang kay chismosa at chismoso namin sa umagang chika chismis.
Jasmine's POV
Nabigla ako ng makita ko sila Shea sa may pintuan at narinig ang boses ni dad. Pinanlakihan ako ng mata ni Shea kaya napatingin ako kay Sir Kiglen at inalog siya kaya iminulat niya ang kaniyang mga mata. He looked at me and at the front.
"Ayos lang naman na ako na dahil may sasabihin din ako sa kaniya." Rinig kong boses ni dad at narinig ko ang yabag niya. Napatingin ako kay Sir Kiglen at bumulong ng "sorry" pagkatapos ay sinipa siya kaya nahulog sa kama.
"Dad!" Bati ko kay dad pagkalingon ko sa pintuan dahil pumasok siya. It seems like he is looking for someone.
Umalis na rin ang tatlo kaya naiwan kami ni dad sa kwarto at si Sir Kiglen na nahulog este nasipa ko paalis sa kama.
YOU ARE READING
Operation Series 1: In The Professor's Shadow
ActionJasmine Ellis Verlice is a student who is working under an agency together with her friends. The agency promised to give justice to her mom's death in exchange of doing a mission given to her. She was given a mission wherein she needs to get close a...