Shot
Tinali nila Leon ang mga binti ng lalaki sa isang kadena at binitin ito patiwarik. Sa tuwing nag-pupumiglas ang bihag, marahas na suntok sa panga ang sinusukli ni Leon.
Inurong ng dalawang kasama namin ang isang malaking drum na puno ng maruming tubig sa ilalim ng nakatiwarik na bihag. Pumwesto na rin si Leon sa hawakan ng kadena.
Lumapit ako sa bihag at kumurap-kurap siya habang nakatingin sakin.
"Miss! Miss! Patigilin mo sila, parang awa mo na! Alisin niyo ko dito miss! Maawa ka sakin!" Halos umiyak na ang lalaki pero hindi ako nagpaapekto.
"Makukuha mo lang ang awa ko kapag sinagot mo ang mga tanong ko." Tinapik ko ang kanyang pisngi. "Yung mga babaeng kinukuha niyo? San niyo dinadala?" Malumanay kong tanong.
"A-Anong mga babae? Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Singhal nito sakin.
Tiningnan ko si Leon, agad niyang binaba ang kadena. Lumubog ang ulo ng lalaki sa maruming tubig at nanginig ang katawan niya sa pag-pupumiglas.
Hirap na hirap siyang umubo nang muli siyang iangat ni Leon.
"Nag-bibigay ang mga boss namin ng babae kapalit ng serbisyo namin sa kanila! Pero matagal nang natigil 'yon dahil wala na ang base namin. Hindi ko alam kung san sila napupunta pag-katapos!" Singhal niya habang bumabawi sa pag-hinga.
"Si Cloud ba ang nag-bibigay sa inyo ng mga babae?" Mariin kong tanong.
Tila natigilan ang lalaki nang banggitin ko ang pangalan ng amo niya.
Nang hindi siya sumagot ay tiningnan ko si Leon. Tinapik niya ang balikat ng kasama namin para hawakan nito ang kadena. Lumapit si Leon sa bihag at binigyan ito ng sapak sa magkabilang pisngi. Uminda ito sa sakit. Sumenyas si Leon sa kasama namin at ilang sandali lang ay nakalublob na ulit ang ulo ng lalaki sa tubig. Mas matagal nilang nilublob iyon bago muling inangat.
"Sumagot ka." Paalala ni Leon bago sinuntok ang tiyan ng lalaki. Uminda ito habang bumabawi ng pag-hinga.
"M-May tauhan na naatasan para sa mga babae. S-Si Tres.. Pero si b-boss Cloud...espesyal ang mga babae n-na binibigay sa kanya. Mahilig lang sa babae si boss Cloud."
Nag-igting ang panga ko sa narinig. Ibig sabihin ay talagang pang personal na babae ni Cloud si Yuki noong panahon na iyon. Pero kailangan ko pa ring makasiguro.
Hindi ko tinuloy ang dapat na sasabihin ko dahil nag-salita ulit ang lalaki.
"P-Pero minsan kapag tapos na si Boss Cloud, pumapayag y-yung ibang babae na mag-serbisyo samin."
Napasinghap ako at hindi makapaniwala siyang tiningnan. Narinig iyon ni Leon kaya agad niyang sinuntok ang lalaki sa tiyan.
"Serbisyo?" Tanong ko sa naiinis na tono.
"O-Oo! Bayad naman sila ah?! At hindi sila pinilit!" Singhal niya pabalik na tila wala siyang ginawang masama. Tumulo na ang dugo mula sa kanyang bibig papunta sa kanyang pisngi at mga mata.
Lumapit ako at mariin siyang hinawakan sa kanyang buhok para ipaharap sakin.
"May kasama bang babae na ang pangalan ay Yuki sa mga nag-serbisyo sa inyo? Umamin ka!" Singhal ko ngunit agad siyang umiling.
"H-Hindi ko maalala."
Marahas ko siyang binitawan.
Nang tingnan ko ang kasamahan namin ay mabilis niyang binaba ang kadena sa tubig. Habang nakalublob ang ulo nito ay ilang beses sinuntok ni Leon ang tiyan ng lalaki.
Halos malunod siya sa ginawa sa kanya. Sabay na pag-ubo, pag-singhap at pag-inda ang ginawa niya nang maiangat siyang muli.
"Ano? Naaalala mo na ba?" Tanong ko. Ngayon ay mas maraming dugo na ang lumalabas sa kanyang bibig pati sa ilong.
BINABASA MO ANG
Played to Love You
AcciónShe's a silent assassin, she plays with other people's lives. He's a hot gambling crackerjack, he plays with money. But when life starts to play, it will never be easy. She's paid to kill him but he's not yet done playing. All of a sudden, both o...