yes! hawak ko na ngayon sa kamay ko yung ID bilang mag aaral ng medisina. may kasama ako, pero hindi ko maaninag itsura nya. pero pareho kaming masaya. una, syempre pangarap ko maging doktor balang araw. pangalawa, yung tao na kasama ko ngayon marahil ay kasintahan ko. hind ko alam. hindi ko talaga makita istura nya
lumakad na kame palabas ng silid na yun na masaya, na may ngiti sa aming mga labi. naalala ko, kulay blue yung lace, na may naka kintal na medicine. sobrang nakaka proud
pag labas namen ng establisyementong iyon, may isang lalake sa tapat ng gusaleng iyon sa kabilang kalsada na nag lalakad. pamilyar sya saken. si Khalid! -- ang guapo nya sa suot nya. na miss ko sya bigla. tuloy-tuloy ang pag lakad namin ng kasama ko palabas.
dumiritso kase sa pag lakad tapos kumanan kame. pero yung tingen ko kay khalid na nasa kabilang kalsada ay hindi ko parin inaalis. pag kanan namin bigla sya nawala sa paningin ko. nalungkot ako bigla. ewan ba. na miss ko talaga sya. kaso parang hindi kami ang para sa isa't isa.
pagkatapos namin kumanan, umakyat kami sa isang gusali at pumasok. nagulat ako nandoon si khalid. sya nag bukas ng pinto para sa akin. ang weird talaga ng panaginip kase noong mga sandaling iyon, guard naman sya bigla. at ang gwapo nya. pakiramdam ko ang swerte-swerte ko kasi halos lahat ng nakapaligid nang mga oras na yon napatingin sa amin.
"ang gwapo nya, sino yun? kilala mo?" tanong sa akin ng kasama ko pag lampas namin sa entrance kung saan naroroon parin si khalid.
tango lamang ang naging tugon ko. hindi parin naalis mga ngiti sa labi ko. parang naiwan yung imahe ni khalid sa diwa ko. yung itsura nya na naka ngiti tapos nakatingin saken habang pinagbuksan nya ako ng pinto. Grabe! ang gwapo nya. kinilig talaga ako. sshhhhh!
pero kasunod din nun, biglang dumalaw yung lungkot sa puso ko. for sure yun na huli naming pagkikita. dahil kailanman. hindi na kami magkikita pa. pero kahit sa sandali lang na yon. masaya ako kasi kahit sa panaginip lang, nakita ko sya.