12: Follow
“Oy are you okay?” Napalingon ako kay Scarlett. Tapos na pala sila bumili ng milk tea. Hindi na kasi ako sumama at tumambay lang ako dito sa student lounge. Pagod kasi ako at nalulutang pa sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.
Magkakaroon na ba ako ng love life? Not to delude myself but she was really sweet last night. Soft spoken.
“Yeah oo naman bakit?” tanong ko at tinanggap ang black sugar milk tea ko. “Thank you.”
“May mga topics na ba kayo for our research?” tanong ni Elodia.
May mga mas dapat pala akong unahing isipin. Pero okay naman na ako ngayon dahil magaling na siya.
“Sinisipon ka ba? tapos your drinking colds?” Napatingin ako kay Scarlett. Oo nga pala nakailang tissue na pala ako. Flu season siguro ngayon.
“Sipon lang naman,” sagot ko.
“Ubo na ‘yan soon,” sabi ni Elodia.
“Hmm ito mga topics na naisip ko guys, free to share yours,” sabi ni Scarlett. Mabuti nalang kami pa rin ang magkakasama sa research. Hindi ko kasi talaga kaya kung iba.
“How about amm research about how we can make affordable housing?” tanong ni Scarlett. Siya kasi madalas maraming naiisip basta mga ganito.
“Maganda rin, pwede rin itong rehabilitation…pero kahit ano naman mahihirapan pa rin tayo,” sabi ni Elodia at napakamot pa sa ulo niya..
“Amm how about architecture as a creative profession,” sabi ko.
“Reusing abandoned buildings?” tanong ni Elodia at agad kaming umiling.
“Nakakatakot na kaya!” sabi ni Scarlett.
“Hmmm as adaptive reuse,” sagot ni Elodia.
“Topic palang yan ah at kapag may title na tayo we’ll have proposal pa,” sabi ko.
“True. Ayoko na. Anyway may damit na ba kayo this coming acquaintance party?” change topic si Elodia.
“Hmm ano pala ang theme?” tanong ko.
“Nakapost na sa SoCiant. It will be black and white ball theme,” sagot ni Scarlett.
“So we’ll wear something black or white?” tanong ko.
“Malamang,” sagot ni Elodia at nagtawanan lang kami tapos nagkulitan.
We attended our one morning class, site planning. Then we went to the library with our research mentor.
“Bili lang ako ng pagkain guys, kayo?” tanong ko nang magutom ako at nakaalis na ang research mentor namin.
“Saan?” tanong ni Scarlett.
“Sa labas lang sa vending machine.”
“Ah enjoy,” sabi ni Elodia at napanguso lang ako. Ang layo kaya ng canteen kung pumunta pa ako don.
Habang naglalakad ako papuntang elevator dahil nasa 3rd floor kami ay hinahanap ng mata ko si Casey dahil sabi niya kakain kami sabay for lunch.
Dinala ko ang phone ko kaya napastalk ako sa kanya.
Casey Rea
25k followers 200 following.Ang daming followers ah. Bakit dumami nalang bigla followers niya? Grabe talaga abg kasikatan nila ng best friend niyang si Kirsten? Well her friend went viral for it's picture. Siya anak naman ng may-ari.
I wonder If I follow her she'll follow me back? asa na naman ako.
Tsaka ayoko namang i-message siya about sa lunch date namin dahil nahihiya ako. Ako pa ang mauuna? baka ano pa isipin niya sa akin.
