CHAPTER 9 (BAD DAY)

7 0 0
                                    

"Tita wala po ata si Racquel?" tanong ko kinabukasan nang pumasok ako.

"Hindi ko alam kung na saan siya, Shann. I-text mo nga at kung hindi siya papasok ay papapasukin ko si Anne para may katulong ka sa kitchen." saad ni tita Stacey na nasa counter. Nagwawalis na kami ni Berlin sa loob ng resto, naghahanda sa pagbubukas. 

Kunot noo kong kinuha ang cellphone ko.

im_shann: Hindi ka ba pupunta dito sa resto?

im_racquel is typing....

im racquel: May sakit ako eh, baka hindi.

im_shann: okay pagaling ka:))))

Agad kong sinabi kay tita Stacey na hindi makakapasok si Racquel dahil may sakit ito. Kaya nung araw na iyon ay iba ang kasama ko sa kitchen. Si Anne mas bata lang sa akin ng isang taon, BSHM ang kinukuha niyang course kaya maalam rin siya sa kusina. Pamangkin daw siya ng asawa ni tita Stacey.

"Wala pa rin po ba si Racquel?" tanong ko kay tita sumunod na araw. 

Ilang araw pa ang lumipas, lagi niyang sinasabi na may sakit pa siya. Medyo nag-alala na nga ako eh, parang ilang araw na siyang may sakit. Dumaan ako sa kanila pagkatapos ko magtrabaho, para sana dalhan siya ng mga prutas. Pero wala siya sa bahay nila nung araw na 'yon. Iniwan ko nalang ang prutas sa kanila at umuwi na rin.

"Tita, wala pa rin po ba si Racquel?" tanong ko pagpasok ko ng trabaho. Sa susunod na araw ay paalis na ako kasama si Dwayne, hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang tungkol doon. Hindi niya rin kasi ako nir'replyan sa Insta, pakiramdam ko ay may mali na. 

"Ay hindi ko alam Shann, baka na sa bahay nila. Hindi ka na ata niya sinasamahan dito? Anong nangyari?" kahit si tita Stacey ay nagtataka na rin. Pangako niya kasi sa akin na sasamahan niya ako dito hanggang matapos ang bakasyon. Tapos bigla na lang siyang nawala. Iyong mga ilang araw na wala siya ay naiintindihan ko, pero mag-iisang linggo na siyang walang paramdam. 

"Hindi ko rin po alam tita eh, try ko pong puntahan sa kanila pagtapos ng work." saad ko habang sinusuot ang apron  ko. Napabuntong hininga ako., nalulungkot ako na wala siya dito. Madalas kaming magkulitan sa kitchen, kaya ngayon na wala siya ay parang malungkot ang atmosphere ng kitchen.

"Aray!" napangiwi ako nang mahiwa ang daliri ko ng kutsilyo habang naghihiwa ng bawang para sa sauce na niluluto ko. Agad akong tumakbo sa sink para hugasan ang dugong tumutulo sa daliri ko.

"Shann, okay na ba 'yong chicken! May magr'refill sa table eight at one!" sumigaw na iyong manager namin na nasa counter.

Dali dali kong pinunasan ang  hintuturo ko ng tissue. Hindi ko na iyon nagawang gamutin pa. D-um-eretso na ako sa fryer dahil may nakasalang na mga manok doon.  Dahil dalawa lang kami sa kitchen ng kasama ko ay pagod na pagod kami pagkasarado ng resto. Bagsak ang dalawang balikat ko habang tinutulungan ko si Anne na maghugas ng mga utensils at gamit sa pagluluto. Panay paso man ang kamay ko dahil sa pagluluto ng mga sauce at manok ay hindi ko na ito magawang indahin dahil iniisip kong kailangan ko nang matapos ang trabaho ko para madalaw ko na si Racquel. Madalas si Racquel ang nagluluto ng sauce, dahil magaling talaga siyang magluto.

im_shann: Punta ako d'yan Racquel, may sasabihin ako sayo hehe:)

Seen by im_racquel

Akala ko ay magr'reply siya pero hindi. Napabuntong hininga ako, iniisip ko tuloy kung may nagawa ba akong mali.

Bumili ako ng ice cream sa department store, hilig namin ito ni Racquel. Naka bike lang ako, madalas ay motor kami pauwi ni Racquel. Iyong motor niya ang gamit namin, pero wala siya ngayon kaya dinala ko na lang ang bike ko. Sa bayan lang naman iyong resto. Medyo natatakot lang ako dahil madilim na.

Touching The Sun (8ternity_)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon