CHAPTER 12

5 1 0
                                    

chapter 12: hot chocolate at the beach

CLARA'S POINT OF VIEW

after a week na wala kaming magawa na tama ni Clyde ay natapos na din ang cleaning week kaya naman ay maaari ko na makita ulit ang mga kaibigan ko pati na din si kuya, nararamdaman ko na ang pagaalala sa akin non hangang naalala ko na naman sila mommy, iniisip ko ang kalagayan nila, kung okay ba sila? kung hinahanap ba nila kami? ang tanda na nila ni daddy tapos ipag-papaalala pa namin sila, sana ay mapabilis ang panahon at makita na ni kuya sila mommy para mapagaan na ni kuya ang loob nila.

by the way, nagaayos ako ngayon dahil magpapasama ako kay Clyde na pupunta sa kwarto ng mga ayah kung saan kwarto nila kuya at mga kaibigan ko, tapos na ang 12 hours nila sa pagttrabaho sana naman ay andoon na sila sa kwarto nila.

pagkalabas ko ay agad ako sinalubong ng tingin ni Clyde na akala mo naman ay manghang-mangha sa ganda ko "asa ka" bigkas nito ni mr. masungit sa akin "binabasa mo na naman ba ang isip ko? huh?" pagtingin ko sa kaniya ng masama.

"and if yes? ano ang gagawin mo?" tumayo ito sa kinauupuan niya at sumenyas na sumunod na ako sa kaniya, sumunod naman ako agad dito kay mr. masungit na ang hilig hilig basahin ang thoughts ko.

"ang daya mo kaya! binabasa mo ang thoughts ko!" pag-away ko sa kaniya "Its not madaya, this is one of my power, naririnig ko ang npaka-ingay mo na thoughts which are useless" inirapan ko nga siya habang nakatalikod at naglalakad.

"magandang hapon prinsipe Clyde at prinsesa Clara" yumuko ang demonyong babae na ito sa amin habang kami ay naglalakad, naglalakad kami dito at pansin namin ang pagtingin sa amin ng mga demonyo na ito, ano na naman ba ang problema nila? parang mga tao lang din kung magbulungan at tumitig, kakairita.

naramdaman ko nga ang pagbagal ng paglalakad ni Clyde na tila ay inaantay ako maka-abot sa kaniya, nang makahabol ako dito ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at pinagpatuloy namin ang paglalakad na may nadadaan na mga demonyo na patuloy pa rin ang pagbubulungan kahit na ay nagbibigay galang sa amin ang mga ito.

pagdating namin ng harapan ng kwarto nila kuya ay agad akong kumatok, binuksan nga ako nito ni Lauren na agad naman ay sinalubong ako ng ngiti, hawak ko pa din ang kamay ni Clyde at hihilahin ko na sana ito papasok ng bigla niyang binitawan ang kamay ko na agad naman ay napatingin ako sa kaniya.

"hindi ka sasama sa loob?" tanong ko sa kaniya na ikinailing niya bilang hindi "dito na lang ako, aantayin na lang kita hangang sa matapos kayo" wika niya "sure ka ba? tara na kaya? mamaya sabihin nila inaalipin ko yung soon na hari nila." natatawang bangit ko sa kaniya ng pabulong, naglabas lang ito ng ngiti sa mukha niya at sinenyasan na ako na pumasok sa loob, tumango ako sa kaniya at pumasok na.

nakita ko agad na nagpapahinga sa sofa nito ay sila Lauren, Sabrina, Claire, at Gavin "saan si kuya at Bri?" tanong ko sa kanila sabay upo sa tabi ni Claire "nagpapahinga si Bri, ganoon din ata si kuya mo?" sagot ni Gavin.

"ano ngyare? okay ka lang ba? sinabi sa amin ni ayah Glor yung ngyare sa iyo, nagtanong din siya sa amin ng tungkol sa incident sa condo mo." tumango lang ako "ewan ko din, feel ko talaga may ng trip sa atin na dalhin tayo sa place na ito" tingin ko sa kanila habang bakas sa mga mukha namin ang pag-aalala at ang pagiisip sa mangyayari at nangyari.

"sino naman? at lalong bakit tayo?" wika ni Claire "ayon din ang inaalam pa namin, sa ngayon si Clyde na ang bahala daw, willing naman siya na tulungan tayo sa ngyari." pagtapos nila marinig ang sinabi ko ay parang nabunutan ng tinik ang mga ito.

"pagod na pagod ba talaga si Bri?" tanong ko sa kanila, nagulat ako ng biglang lumapit si Sabrina sa akin "ewan ko nga, ang weird niya nga, lagi niya kami hindi kinakausap tapos parang may kinakatakutan siya lagi" napatingin ako ng masinsin kay Sabrina "I mean, takot naman kami lahat sa ngyayari pero iba talaga yung kay Bri parang may iniiwasan siya lagi" napatingin ako kay Gavin na nakatingin sa akin.

CLYDE, THE NEXT PRINCE OF HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon