Chapter 36 (Official)

1.8K 41 2
                                    

Chapter 36

Official

"Smile," sigaw ng pinsan kong si kuya Mike habang kinukuhanan niya kami ng litrato ng kanyang anak.

Itinodo ko ang aking ngiti.Iyong talagang mahahalatang masaya at nag-eenjoy ako.Pati ang cellphone ko ay napuno ng selfies ko.May iba namang kasama ko ang aking mga pinsan at mga pamangkin.

Ipopost ko 'to sa FB.I'll caption it ' Single and happy'. Isip-isip ko habang tinitignan ang aking kuha na nakatayo malapit sa cottage namin habang sa likod ko naman ay ang blue na blue na tubig ng dagat at ang inaapakan ko ay maputing buhangin ng isa sa mga beach resorts ng Matabungkay.I was wearing a floral spaghetti strapped midriff blouse paired with white high-waisted short shorts.Gusto kong makita ng mga friends ko na masaya ako.Lalong-lalo na siya.Gusto kong makita niya na masaya ako.

In-enjoy ang buong stay namin sa beach.Nagpakasaya ako.Kahit pinipigilan ako ni mommy ay hindi ako nagpapigil na subukan ang Banana boat doon.Sumakay din kami sa isang de-motor na bangka at nagsightseeing kami sa gitna ng dagat.Hindi pa kami nakuntento ng mga pinsan ko.Nagrenta pa kami nung parang cab na pinipedal.Hindi ko na tinanong kung anong pangalan.

Ako at si kuya Mike ang nagpepedal papunta sa malalim na parte ng dagat habang panay naman ang sigaw ni ate Trish,ang kanyang asawa na huwag kaming pumunta doon.Natatawa na kami ni ate Maya,ang pinsan kong nakatatandang kapatid ni kuya Mike.Sa huli ay sinunod rin namin sa ate Trish.Baka mag-away pa sila ng todo.

"Parang di naman 'to iyong dinaanan natin kanina ah," puna ko habang nakatingin sa mga halamang dagat na naaninag mula sa ilalim ng dagat.

"Ayan.Sabi ko naman kasi sa inyo," paghihisterya ni ate Trish.Paulit-ulit na siya ng litanya habang ang anak naman nila na si Sophie ay tulala lang.

"Hindi na tayo gumagalaw," natatawa naming turan ni ate Maya.Sa parte ko,ang mastuck sa parteng iyon ng dagat ay thrilling.Isang adventure.My life has been very adverse these past days.Itong pagkakasabit namin sa mga halamang dagat na lang ang nakakapagpaexcite.

Naghihisterya na talaga si ate Trish.Isang pitik na lang sa kanya ay parang ngangawa na siya ng iyak samantalang todo pigil kami ni ate Maya sa pagtawa. "Chill.Easy,easy," kantiyaw pa ni ate Maya.

Napatingin kami ng biglang tumalon si kuya Mike sa dagat."Ipedal mo,Rhum,itutulak---- ouch," aniya na nagpakaba sa amin.

"Anong nangyari?," tanong ni ate Trish kay kuya Mike na distorted na ang mukha.

"Matinik pala 'tong mga halaman," aniya.Napahinga ako nang maluwag.Natinik lang pala.Ang iniisip ko kasi ay kinagat na sita ng kung ano.

Saglit kaming naglag habang hinihintay na makaporma si kuya Mike dahil mukhang nasaktan ito sa pagkakatinik niya sa halaman.

"Mama,mamamatay na ba tayo?," lahat kami ay tumawa nang bigla iyong itinanong ni Sophie.Tahimik siya kanina pa at nang nagsalita ay iyon pa ang sinabi.

Hangga't sa nakaalis kami sa lugar na 'yon at nakabalik kami sa cottage ay natatawa pa din kami sa itinanong ni Sophie.She's too adorable.

Dapat ay kinabukasan pa ang birthday ni mommy ngunit dahil gusto nila ng ling celebration ay nagswimming na kami a day before.

Alas-sais nang naisipan na naming umuwi.Alas-diyes naman nang nakarating kami sa bahay ng tito Conrad ko,ang daddy nila kuya Mike.Hyper na hyper pa silang mga matatanda samantalang kami ng mga pinsan ko ay latang-lata na sa sobrang pagod.

Hindi ko naman pinagsisihan iyon.Ang mahalaga,kahit konting panahon ay nakalimutan ko si Seth.Well,sabihin na nating not totally but atleast I was given a break from all the hurt.

Naglaro pa ng tong-its sila mommy.Iyon 'yung pinakabonding nila ng tita at tito ko,mga kapatid ni daddy, sa tuwing magkikita-kita sila.Alas diyes na ay naglaro pa sila.

Mas pinili kong magpahinga na.Tuwing pumupunta kami kina tito Conrad,sa kwarto ni ate Maya ay natutulog.She was fast asleep habang ako ay nagpapaantok pa lang.From the fun,I was returned to reality.

Nanatili lang ako nakatitig sa kisame.Thinking what kind of fool I am.Asking myself questions I know I never want to know the answers.

Tumunog ang aking cellphone tanda ng pagpasok ng isang mensahe.Nakita kong galing iyon kay Seth.Hindi ko binasa.In-exit ko iyon at inilagay ang cellphone sa aking dibdib.Limang text na ang kanina ko pa natatanggap mula kay Seth pero ni isa ay wala akong binasa.GM na naman kasi 'yun.Malamang.Kapag binuksan ko ang message niya,paulit-ulit ko labg ding sasaktan ang aking sarili.Dahil paulit-ulit niya ring inilalagay sa GM niya kung gaano kaespesyal si Scarlette sa kanya.

Alam kong may Facebook account iyong babae.Ngunit di ko tinignan.Para saan pa? Seeing her face will change nothing.Mainam na 'yung di ko siya nakita.Baka mainsecure lang ako.

Paano pala kung sexy siya? Paano pala kung maganda siya? Paano pala kung lamang na lamang siya sa akin? Atleast kapag di ko siya nakita,walang comparison na magaganap sa utak ko.Kahit 1% langy ayokong dagdagan ang bigat na nadarama ko.

Nakatulugan ko na ang aking pagdadrama.Nalaman ko 'yun nang nagising ako ng mga yugyog ni mommy.

"Gising na,anak.Uwi na tayo," sabi ni mommy sa akin pagkagising ko.Hindi na niya ako hinintay pang makasagot.Nang nasiguro niyang gising na nga ako ay agad na siyang lumabas ng kwarto ni ate Maya.

Kinapa ko ang aking cellphone sa kama at nang nahanap ko iyon ay tinignan ko kung anong oras na.Inakala kong umaga na ngunit alas-dose pa lang pala.Birthday na ni mommy.

Nakita ko ring ang lima ay naging sampung message na.I checked the sender at nakita kong ang pito nun ay galing kay Seth at tig-isa mula kay Gellie,Nohlan at Rich.Inuna kong basahin ang kina Rich.

Rich: Okay ka lang?

Nohlan : Huwag kang iiyak.Andito lang kami.

Gellie: Bakit siya ganoon?

Nangunot ang aking noo sa mga text nila.Sandali kong binalewala ang pagtataka at huminga ng malalim.Oras na siguro para basahin ko ang mga text ni Seth.Though I know that he's sending GM to all of us,there was still a part of me hoping it message just for me.

The first five messages were as what I thought,group message.I opened the fifth one and my heart twitched.

Seth : Maghihintay ako sayo,Scar.Unofficially.

Akala ko wrong sent siya kundi ko lang nakita ang GM na nakalagay sa dulo.Mabuti pa iyong babae,hihintayin niya.Bakit hindi ako?

Iwinaksi ko ang tanong sa aking isipan na nagdudulot ng pagkirot ng aking puso.Binasa ko ang huli at latest niyang message.Na sana ay binura ko na lang imbes na basahin.

Seth: Whooo!!! Scar,salamat.Tayo na rin sa wakas.I love you,Scar.We're officially together.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon