PROLOGUE

1 0 0
                                    


Nakatayo ako ngayon sa gitna ng maraming tao, hawak ang Ticket sa barko at isang Sling bag na kasya ang anim na pares ng damit at panloob. Isang libo lang ang hawak kong pera, kumakalam na ang aking sikmura at iniisip na mamaya na lang bibili ng pagkain. Kailangan kong tipirin ang perang dala dahil malayo pa ang aking pupuntahan at maari pang kulangin to.
“O hindi pa umaalis yan si Vera?” sumigaw si Tito Delfin galing sa bakuran, Mainit ang ulo sapagkat natalo na naman sa sugal.
“ Pasensya ka na at eto lang ang maiibibigay ko sayong pera, tandaan mo pagdating mo doon, dumeretso ka na sa Address na nasa papel na to, kailangan mo lang mahanap ang mama mo, Ver, Sigurado akong maaalala ka niya.” Tumango ako at tinanggap ang Papel at limang daang piso.
“May ipon naman po ako tiya, kakayanin naman po siguro.”
“Pasensya ka na anak at wala akong magawa, kung buhay pa ang kuya siguradong hindi siya papayag na paalisin kita ng ganito, ayoko naman na sinasaktan ka ng Tiyuhin mo. At kailangan mo nang mahanap ang iyong mama sa maynila.”
Alam kong naging mabuting pangalawang magulang si Tiya Lucia sa akin at ang maisip na iiwan ko siya mag isa dito sa kamay ng tiyuhin kong nagmamalupit sa kanya, nasasaktan ako para sa kanya.
“ Tiya sumama na lang po kayo sa akin.” Agad siyang lumapit sa akin at aaktong bubulong.
“ shhh, wag kang maingay at baka marinig ka ng iyong Tiyo, hindi ko siya pwedeng iwan, mahal ko ang tiyo mo, alam kong nasasaktan niya ako pero hindi ko siya maiiwan.”
Nalulungkot man, ganito talaga ang pagmamahal. Kahit nasasaktan tayo pag mahal natin, mahirap iwan. Siguro ganun na lang yung pagmamahal ni papa sa akin at hindi niya ako iniwan kay Mama, bata palang ako nagkakasakitan na silang dalawa. May kaya ang pamilya ng aking papa at Tiya Lucia. Nang mawala ang papa, sa akin inihabilin ang lahat ng kanyang Yaman, ang kay Tiya Lucia naman unti-unting naubos ni Tiyo Delfin sa sugal. Hindi ko pa maaring makuha ang pera dahil ako'y 16 pa lamang, at kailangan kong tumuntong ng 21 bago ko iyon makuha. Ilang araw pa lang na mamatay si Papa, halos bumaligtad na ang mundo ko.
Umihip ang malakas na hangin at humarang ito sa aking mukha, inayos ko ang buhok ko at tinitigan ang buong paligid. Iiiwan ko ang lugar na aking kinalakihan. Pinagmasdan ko ang paglubog ng haring araw sa malawak na karagatan.
“Aalis na ang Barko! Sumakay na ang lahat!”
Pinalis ko ang luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak at nagsimula ng maglakad papasok ng Barko, nang makapasok, umakyat na ako agad para masilayang muli ang lugar na aking kkinalakiha.
Habang pinagmamasdan ko ang buong isla  at ang patuloy nitong pagliit sa aking  paningin dahil sa paglayo ng barko, may bumangga sa akin at natapunan ako ng Juice.
“Ay Sorry Miss, pasensya na sa kapatid ko, may dala ka bang pamalit or what basang basa ka na.” sabi ng babaeng kasama ng batang nakatapon sa aking juice.
“ Ah meron naman.” Luminga linga ako para maghanap ng pwedeng pag palitan.
“Samahan ka na namin pasensya na ha” Mukha naman silang mabait ng kapatid niya kaya sinamahan na nila ako sa pibnakamalapit na CR,
Pagpasok sa loob nagpalit na agad ako at lumabas naabutan ko silang magkapatid at sinusubukan nung ate punasan ng tissue ang kapatid niyang natapunan din ng Juice.
“Pwede bang iwan ko muna yung kapatid ko sayo saglit? Kailangan ko kasi siyang ibili ng panibago, Iiwan ko din yung ibang gamit namin. Pero babalik ako promise.”
Umalis ang babae at umupo muna kami ng bata sa bench sa labas ng CR.
“Ate, wala ka pong kasama?”
“Wala eh. Pupuntahan ko lang mama ko.” Ngumiti ako sa kanya at inayos ang damit niyang medyo nagusot sa pagkakaupo.
Lumabas sa balita ang isang pamilyar na mukha, Si tito Delfin!

“Kasalukuyang hinahanap ng mga Owtoridad and lalaking nagngangalang Delfin Manuel dahil sa hinihinalang pagpatay nito sa kanyang asawa na si Lucia Delgado- Manuel at ang Mayor ng lalawigan na si Mayor Juanito Ferreras.”
Napatayo ako sa nakita sa maliit na screen na malapit, Kinuha ko ang cellphone at sinubukang tawagan ang telepono ni Tiya Lucia.
“Hello, Tiya Lucia?!” Sigaw ko, nanginginig ang buong katawan sa kaba.
“Hello, Vera!”si Tiyo, “Nakarating ka na ba sa mama mo? Ano nakahingi ka ng pera!?”
“Tiyo ano ho iyong napanuod ko sa TV?!? Ano hong ginawa niyo kay Tiya?!!” nabasag ang boses ko.
“Wala kang pakealam, kailangan ko ng pera, bigyan mo ako ng pera!! Hahanapin kita at ikaw ang isusunod ko?!” natakot ako sa narinig, hindi ko alam ang nagyayari sa aking tiyuhin, bali-balitang siya ang gumagamit ng pinagbabawal na gamot, pero hindi naman naniniwala si Tiya Lucia, kaya ganun din ako pero sa mga nangyayari ito pakiramdam ko maniniwala na ako.
“Kasama sa pinaghahanap ay ang Pamangkin ni Delfin na si Maria Vera Delgado, dahil kasalukuyan itong nawawala at maaring nadamay o may kinalaman sa krimen na naganap.”
Nanginig ang buong katawan ko sa narinig, wala akong kasalanan, pero bakit iniisip nila na maaring may kinalaman ako sa kaso?!?
Tumayo ako para hanapin ang ate ng batang kasama ko ngayon, pero nagulat ako nang biglang magtakbuhan ang mga tao sa paligid. Nag umpisang umiyak ang bata.
“Ate, ate?!”
“NASIRA DAW ANG ISANG PARTE NG BARKO?!?” sigaw ng isang lalaking tumatakbo para makakuha ng salbabida. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinubukan maghanap na din at isuot sa akin at sa batang kasama. Sinubukan naming hanapin ang babae kanina, pero dahil nagkakagulo na ang mga tao, mas lalo kaming nahirapan, kumuha ako ng jacket sa aking bag at sinubukang itali sa aking katawan ang bata, may sumabog sa kung saan at biglang nagdilim at wala na akong makita, niyakap kong maigi ang bata hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng ulirat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Painfull Battles Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon