Kabanata V: Si Leon

221 7 0
                                    

Pagpapatuloy~

Dali daling nakapunta ng hospital sila Kenneth at ang kanyang mga kasamahan kasama si Leon na wala paring malay dahil sa nangyari. Agad agad siyang ipinasok sa isang kuwarto ipang gamutin at tahiin ang mga sugat na natamo nito.

Kenneth: Doc! Kayo na po ang bahala sa kanya!

Doktor: Sige anak gagawin naming ang aming makakaya.

Napag- isip isip ni Kenneth na bakit si Leon ang ginawan ng ganoong bagay ng mahiwagang babae sa halip sa siya. Inalam ni Kenneth kung bakit siya ang pakay ng babae.

Kinabukasan ay pinuntahan ni Kenneth at ni Carlo ang mga kamaganak ni Leon upang magtanong kung sino ba talaga si Leon. Nakausap ni Kenneth at ni Carlo ang tiyahin nito at itinanong ang mga bagay tungkol kay Leon.

Kenneth: Maari po bang malaman naming kung sino at ano ba ang pagkatao ni Leon.

Tiyahin: Si Leon ay isa sa pinaka bunsong anak ng pamilya Trinidad at sinasabing si Leon din ang nakakaalam ng mga bagay bagay kung paano pinapatakbo ang kanilang negosyo. Si Leon ang pinaka mabait at pinakatahimik sa kanilang magkakapatid. Apat silang magkakapatid at ito ay sina Erika ang pinaka matanda sakanila at si Ryan na pinaka masama ang ugali sakanila dahil sa mga pinaggagagawa nito. Si Daisy ang isa pa ring ubod ng talino ngunit maaga itong nakapag asawa. At si Leon.

Carlo: Negosyo? Anong negosyo ang pinapatakbo ng kanilang pamilya?

Tiyahin: Maraming negosyo ang pamilya Trinidad katulad ng pag gawa ng asukal, pulbura, paputok at iba pa. Nababalitang nakasosyo nila ang pamilyang Chavez sa negosyo ng pulbura. Sinasabing si Renan ay magaling din sa negosyo at ito rin ang Matalik na kaibigan ng ama ni Leon.

Kenneth: Kasosyo ang pamilya Chavez? Pero..........

Tiyahin: Oo.... Nag iba ang si Renan dahil nga nag karoon ng alitan sa pamamahala ng negosyo. Hindi nagkasundo ang Ama ni Leon at si Renan at nabalitaan ko na nga lang na ito ay gumagamit na nang ipinagbabawal na gamot.

Carlo: Kaano ano po ba nila ang pamilya Chavez?

Tiyahin: Kaibigan lamang nila ang pamilyang Chavez. Noong unang makita ni Leon si Renan ay bigla itong nagalit. Pakiramdam ni Leon na si Renan ang magiging dahilan ng pagbagsak ng kanilang negosyo at ito ay nagkatotoo. Dahil na nga napabalita ang tungkol sa paggamit ni Renan ng ipinagbabawal na gamot. At isa pa doon ay ang napabalitang pagpaslang niya sa kanyang pamilya.

Carlo: Pero bakit ganoon ang naramdaman ni Leon? Sa tingin ninyo bakit siya nagalit?

Tiyahin: Sinasabi ni Leon sa akin ayaw niya sa pamilya Chavez. Bata pa lamang si Leon ay naririnig na niya na ang magiging kasosyo nila sa negosyo ang lalaking kinaiinggitan niya dahil mas may panahon pa ang kanyang Ama kay Renan kaysa sakanya. Ginalingan ni Leon sa lahat ng larangan lalo na sa pagnenegosyo huwag lamang nila makasosyo ang pamilyang iyon.Ngunit wala paring nangyari at nakasosyo parin nila ito.

Kenneth: Ano naman po ang relasyon ni Leon kay Liezel Chavez?

Tiyahin: Si Liezel Chavez ay ang dating asawa nang kanyang Ama. Iniwan siya ni Liezel dahil naghihirap na ang Ama ni Leon dati. At noong binisita ni Liezel ang kanyang ama upang kamustahin alam na ni Leon ang mga pangyayari kaya ganun na lamang ang galit niya kay Liezel.

Kenneth: Maraming salamat po sa inyo. Malaki po ang naitulong ninyo saamin.

Umalis na sina Kenneth at Carlo at agad na nagtungo sa Hospital upang tignan si Leon. Habang nakasakay sila, Bigla na lamang may naisip si Carlo.

"INIISIP NI CARLO" *

" Sapat na kayang dahilan iyon?........ Bakit parang kulang young impormasyon na nalaman namin....... Siguro dapat maghanap pa ako ng iba pang dahilan kung bakit ginagawa saamin lalo na kay Leon ang mga bagay na ito. Pero ang pinakamabisa siguro ay umalis na sa Hotel na iyon.

Malakas ang kutob ni Carlo na hindi pa sapat ang mga sinabi ng Tiyahin ni Leon sakanila. Napilitang gumawa ng iba pang hakbang si Carlo para maging mas maliwanag ang lahat sakanila.

Pagkadating nila sa Hospital ay pinuntahan na nila ang Kuwarto ni Leon. Nakita nila na nagamot na ang mga sugat nito ang sila ay nakahinga na nang maluwag.

Carlo: Anong nangyari? 

Kenneth: Ayos lang ba ang lahat?

Jasmine: Wala naman maayos na ang kondisyon ni Leon.

Si Khate naman ay nakatulog sa upuan sa tabi ni Leon. Binuhat ni Kenneth si Khate at silang apat ay bumalik na sa kanilang kuwarto.

Ginulat sila ng....................................

Abangan sa Susunod na Kabanata......... Read, Vote, Spread, Comment and Follow Me :)

Hotel Room 666*Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon