"Pwede na nating bisitahin si Dave."
After less than a week, Dave was discharged out of the ICU. Inilipat na siya sa isang private room kaya nabibisita na siya nang maayos ng mga kaibigan niya. Linggo ng umaga noong napagdesisyunan namin ni Clary na dumalaw sa ospital. Wala siyang pasok noon kaya sumama siya.
Ngunit kumunot ang noo ko nang makitang may mga bodyguard sa tapat ng pinto at pinigilan kaming pumasok noong isa.
"Bawal po," sambit niya sa amin.
"Tangina, sino kayo para pagbawal-bawalan ang mga bisita niya?" Umakyat agad ang dugo ko sa ulo. Clary lightly pulled my arm, scared.
Nalaglag ang panga ko nang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas doon si Senator Conrad at si Ruth. Parang may pumitik na kung ano sa loob ko. Ang lahat ng galit ko sa ginawa nila ay bumalik sa akin.
Kung paano nila sinira ang buhay ni Dave. Kung paano sinira ni Conrad ang pamilya ko.
"Pat, umalis na tayo," bulong ni Clary habang hinihila ang braso ko. Hindi ako nagpaawat sa kanya.
"Ang kapal ng mukha niyong pumunta rito!" I spat, not threatened by them or their bodyguards. Wala na akong pakialam sa kaligtasan ko.
"Hey, watch your words, hija," pagalit na sabi ni Ruth. "Magulang pa rin kami ni Dave-"
"Magulang? Kahit kailan, hindi kayo naging magulang kay Dave kaya ano'ng karapatan niyong magpakita rito?!"
Kumunot ang noo ni Conrad, nagulat sa inasta ko. "Patricia-"
"Hayop kayo! Paano niyo nagagawang bisitahin siya rito na parang wala kayong ginawang masama?!"
"Tama na, Ma'am." Hinatak na ako ng isang bodyguard. Si Clary ay nakatayo sa gilid, hindi alam ang gagawin.
"Huwag mo akong hawakan!" Binawi ko ang mga braso ko at dinuro-duro si Conrad. "Hayop ka, Conrad! Hindi habangbuhay kaya kang protektahan ng kapangyarihan mo! Kapag napatunayan namin na may kinalaman ka talaga sa pagkamatay ng nanay ko, pagbabayaran mo ang ginawa mo! May araw ka rin!"
Wala na akong nagawa kung 'di umiyak nang tuluyan na akong hatakin ng guard paalis. Dere-deretso akong lumabas ng ospital. Sinundan ako ni Clary at hinimas-himas ang balikat ko.
I broke down in the middle of the lobby. Napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak. Clary wrapped her arms around me, her tears beginning to fall.
Pinalipas ko muna ang galit ko. Napagpasyahan namin na bumalik na lang sa ibang araw. Mag-isa akong bumisita kinabukasan. I just wanted to see Dave as soon as possible.
Natutulog siya noong dinatnan ko. Wala na siyang breathing tube at IV drip na lang ang nakakabit sa katawan niya. Puno pa rin ng pasa ang mga braso at mukha niya.
I didn't leave his side for the next few hours. Hinintay ko lang na magising siya. Hinila ko ang isang upuan palapit sa kama niya at umupo roon. Isinubsob ko ang mukha ko sa kama niya. Hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
Nagising lang ako noong maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Inangat ko ang ulo ko at nakitang gising na si Davian. Tahimik siyang lumuluha habang tinitingnan ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko.
"Dave..."
Agad akong tumayo para yakapin siya. Hindi ko masyadong hinigpitan iyon dahil baka sumakit ang katawan niya. Umiyak lang ako nang umiyak sa harapan niya.
He was silently crying the whole time. It pained me so much to watch him.
"I'm sorry you had to see me like this..." bulong niya.
BINABASA MO ANG
A Chance on Serendipity
RomansaLife hasn't always been easy on Patricia. Abandoned at birth, she left her hometown to pursue her dream course. Now 20, this fierce and independent Nursing student juggles classes and a part-time job, determined to achieve the future she was never p...