Chapter 38

126 5 0
                                    

"Wait, he's your new next-door neighbor?!"

Gulat na gulat si Jolene sa kwento ko habang magkausap kami sa video call. Nasa headquarters ako noon at naka-standby habang naghihintay ng emergency call. Siya naman ay nagpapahinga lang saglit at hindi pa rin tapos ang shift niya.

"Nakakainis! Hindi nakakatulong na palagi kaming nagkikita!" Sinipa-sipa ko pa ang ere sa inis.

Kapag tuloy lumalabas ako sa condo, kailangan ko pang sumilip muna sa pinto para tingnan kung wala siya sa hallway. Para akong tangang may pinagtataguan!

"What a coincidence! Sa tingin mo pangitain 'yan?" Napaisip tuloy si Jolene.

Umirap ako. "Oo, masamang pangitain."

Natapos din ang pag-uusap namin nang pinatawag kami para i-deploy sa isang fire emergency. Inalis ko na lang sa isip ko si Dave at umaktong normal lang ang lahat. Isa pa, we're working professionals already. I should be mature enough to handle these kinds of situations, right?

Pero kung palagi niyang sinusubok ang pasensya ko, kasalanan ko pa ba 'yon?

"Okay, let's conduct an interview to gain her insights first. I'll coordinate with her so we could check her schedule."

Natigilan ako nang pumasok din si Dave sa elevator. Umusog ako para lang layuan siya dahil dalawa lang kaming nasa loob. May kausap siya sa phone. Pareho kaming kauuwi lang galing sa trabaho.

"Yes, yes. When is the tentative date for the exhibit again?" There was a short pause before he spoke again. "Okay. I'll inform you after the meeting with Miss Del Bianco. Thanks."

Tumaas ang isa kong kilay. Miss Del Bianco?

"Si Clary?"

Ibinaba ni Dave ang tawag at gulat na napalingon sa akin. Na-estatwa ako nang mapagtantong narinig niya pala ako.

Napakurap ako at hindi nakaimik. Tumunog ang elevator at nauna siyang lumabas. Akala ko ay hindi niya ako papansinin pero tumigil siya sa gitna ng hallway.

"You really like tailing me, don't you?"

I gasped. "Excuse me, masyado ka naman atang assuming! Hindi kita sinusundan! For the record, dito ako nakatira!"

Dave pulled up a playful smirk. Mukhang tuwang-tuwa pa siyang naiinis ako!

"Why were you listening to me? Curious ka?" tanong na naman niya.

"Hindi ah! Alam mo, kung ayaw mo akong makita, lumipat ka ng condo!"

Nilagpasan ko siya at nauna na akong maglakad papunta sa unit ko. Bago ko pa makuha ang susi ko, nagsalita na naman siya.

"For the record, I like seeing you."

My eyes widened a fraction. Tama ba ang pagkakarinig ko? Nang lumingon ako ay hindi na siya inabutan ng paningin ko dahil pumasok na siya sa unit niya at sinarado ang pinto.

Sa pagod ko araw-araw sa trabaho, minsan na lang ako makapagluto ng hapunan. Kapag tinatamad akong magluto, bumibili na lang ako ng ulam sa kalapit na karinderya. Madalas pa akong makita ni Dave roon. Minsan ay bumibili rin siya. Ewan ko ba kung bakit pareho pa ang oras ng pag-uwi namin! Madalas tuloy kaming magpang-abot kahit anong iwas ko.

Teka, bakit ba kasi ako umiiwas? May ginawa ba akong masama?!

Good thing I had a day-off to unwind. Pagkatapos mag-gym sa umaga, nanonood lang ako ng series o naglilinis ng condo buong araw. Kapag sinipag akong lumabas, gumagala ako kasama ng mga kaibigan ko, at minsan, lumalabas ako mag-isa.

Dahil kararating lang ng sahod ko, pumunta ako sa SM Manila para mamili ng toiletries at iba pang gamit. Wala naman akong ibang sinusuportahan kung 'di ang sarili ko kaya nabibili ko ang mga gusto ko.

A Chance on SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon