Chapter 10
"I love you."
"And I love you, too."
Matagal bago rumehistro ang huling sinabi niya sa akin.
What?
Did I hear it right?
Nagha-hallucinate lang ba ako? I blinked my eyes before the words sink in to my head.
"Y-you love me?" Di pa rin makapaniwalang tanong ko.
Nakangiting tumango siya. Saka ko lang na-absorb ng mabuti ang lahat ng halikan niya ako sa labi.
Yes! He loves me, too!
Tumawa ako ng malakas at pinupog siya ng halik sa kanyang mukha. Natatawang niyakap niya na lang ako. Siniil ko siya ng halik para iparamdam sa kanya na ganun din ang nraramdaman ko.
"I love you, too." Anas ko.
"Really?" Parang ito naman ang hindi makapaniwala. Tumango ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Oh, you made me happy, baby. I love you."
I pecked his lips again and asked, "When did you start loving me?"
"The very first time I saw you."
"Ows, talaga lang ha?" Kunwa'y di ako naniniwala.
"Ah, ganun?" Napatili ako ng bigla niya akong kilitiin sa baywang. Halos mamilipit ako kakaiwas sa mga kamay niya.
"Hahaha!...tama na haha..tama na...naniniwala na ako." Pulang na pula na ang mukha ko kaya tumigil na siya. Kapagkuwa'y hinalikan niya ako sa noo, sa ilong, sa labi bago niya ako niyakap ng mahigpit.
Maya-maya ay tumayo na siya kasama ako. Kumapit ako sa kanya ng buhatin niya ako papuntang bathroom. Nakalock ang dalawang binti ko sa baywang niya.
"Let's take a shower na." Sabi nito. Nilapag niya muna ako sa sink saka niya in-adjust ang temperature ng shower. Gusto ko kasi maligamgam ang tubig.
Pinaliguan namin ang isa't isa. Habang sinasabon ko ang katawan niya ay sina-shampuhan niya naman ang buhok ko and vice versa.
Pasado alas-sais na ng lumabas kami ng banyo. Hindi ko namalayang gabi na pala. Kaninang 2pm pa ako dumating dito.
Pagkatapos magbihis ay tinour niya ako sa condo niya. Halos puti at cream color naman ang nangingibabaw na kulay nito hindi tulad sa isa niyang bahay. May glass ito na floor to ceiling. Simple lang pero elegante para sa akin. May malaking flat-screen tv itong nakakabit sa dingding. Napangiti ako ng makita ko ang carpet. Medyo magulo na ito at nakausog na ang center table nito kaya inayos ko muna bago ako naupo sa sofa.
Tumabi si Christian sa akin. Sumandal siya sa armrest at hinila niya ako palapit sa kanya. Pinaupo niya ako sa pagitan ng mga hita niya habang yakap-yakap niya ako.
"Christian, kaninong bahay yung isa, yung una kong napuntahan?" Tanong ko sa kanya.
"That's my real house. I go there whenever I don't have work or I just want to relax. I still have to go to work for one week then I'm going to resign. That's why I'm staying here right now." Sagot niya habang hinahaplos-haplos ang braso ko.
"Bakit ka magre-resign?" Sayang naman kung magreresign siya. Sinabi na niya kasi noon sa akin na malaki ang sinasahod niya sa trabaho niya.
Bumuntong-hininga muna ito. "My dad wants me to run his business."
"Yun naman pala eh. Ayaw mo nun, ikaw na ang boss?" Nilingon ko siya. Halata sa mukha niya ang pagka-disgusto.
"I really don't want to, but I guess, I have no choice now dahil may sakit siya."
Tuluyan na akong humarap sa kanya. "Well, just give it a try. Wala namang mawawala kung susubukan mo eh."
Kumibit-balikat na lang siya.
Hinaplos ko ang pisngi niya. Hinuli niya ang kamay ko at kinintalan ng halik ang palad ko. Ngumiti ako sa kanya at binigyan siya ng matunog na halik. Natawa ito.
Tumalikod uli ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
I can't believe that we are official now.
Pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng insecurity.
Ako si Sabrina Mirasol, na laging confident at mataas ang self esteem, ay nakakaramdam ng insecurity ngayon. Hindi ko alam kung anong nakita sa akin ni Christian para mahalin din niya ako.
Hindi kaya nagagalingan lang din siya sa akin katulad ng ibang customer ko?
Hindi ko kailanman naisip na may magseseryoso sa isang tulad ko, ang magmahal pa kaya?
Paano kung hindi kami mag-work out?
Paano kung may marealize niya na hindi pala ako karapat-dapat sa kanya?
Matatanggap kaya ako ng pamilya niya?
Pa'no kung pagtawanan siya ng mga kaibigan niya o kaya ng mga kakilala niya? Parang hindi ko maaatim na mapahiya siya ng ibang tao dahil sa akin.
Maraming "perpektong couple" na nauuwi din sa hiwalayan. And I'm not even sure if we are a perfect one. Sila pa yung almost perfect sa buhay pero they end up falling out of love.
How about us?
I know I am far, far from perfect, makakatagpo kaya ako ng perpektong pag-ibig?
Wala akong alam pagdating sa pag-ibig dahil ang iniintindi ko lang noon ay kung paano ako kikita. Sinarado ko na rin ang isip ko noon na hindi ko kailangan ng lalaki para maging masaya, until I met Christian.
Are we going to click? Are we a good combination?
Geek + Whore = ?
Hindi ko alam.
Hayy, saka ko na nga isipin yun. I'll just cross the bridge when I get there. Ang mahalaga ay ang ngayon. Susulitin ko na lang ang mga panahong magkakasama kami.
Kumulo ang tiyan ko.
Hmp, 'emo bomber' naman 'tong sikmura ko.
Narinig kong tumawa si Christian kaya pabiro ko itong hinampas.
Tumayo na siya at nilahad ang palad sa akin. Inabot ko iyon at parang batang nagpahila sa kanya.
He's being bold now, hindi na siya ang dating shy guy. He still wears the same but I have no problem with that. I'm not going to change him if he's comfortable with that. He accepted me for who I am and I'll do the same with him.
"Come let's eat dinner then after that, we'll do something 'memorable' in our room." Kumindat pa ito sa akin.
Humagikgik ako.
Oh , I'm looking forward to it.
Hmmm.
***
A/N:
I'm having slight fever now :(
Anyways, what do you think about this chap?Please do me a favour by clicking that pretty little star. It will be my medicine hehe
Votes are truly, truly appreciated :)
Graciously yours, miss_gracci
BINABASA MO ANG
The Geek's Whore [Completed]
Ficción General"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Charles Dickens Pero iba ang sitwasyon nila. He was lucky for he was her last love and she was luckier for she was his first love. Si Sabrina, i...