Chapter 18

23 2 0
                                    

Kristine POV

Pumasok na kami sa Bahay at diretsyo sa Kwarto, nagpalit ng damit at nagchikahan.

"Bess! May hindi ata ako nalalaman?" Pagpaparinig ko sa kanya.

"Alin yun Bes?" Tanong nito sakin.

"Nililigawan ka na pala ni Jill! Di mo manlang sinabi sakin!:( Kung di pa sasabihin sakin ni Trick hindi ko malalaman:( nakakatampo ka Bes"

"Ee kasi naman Bes nahihiya ako sayo"

"Huwaat? Nahihiya ka pa sa lagay na yan? Ikaw? Bes? Nahiya? Aba First time yun"

"Loka ka talaga Haha" at sabay pa kaming tumawa.

Para talaga kaming ulaga. Nakakatuwa lang talaga kasi nagkaroon ako ng kaibigang katulad niya.

***

Kinaumagahan

"Bes gising ka na! may nag-aantay sayo sa labas" Hiyaw ng Bes.

*Yawn* "Hayyyyyy" Uh. Oh. Wait tama ba ang pagkakarinig ko? Hindi ako bingi? May nag-aantay sakin sa baba? Wait. Anong oras pa lang ba tumingin ako sa side table ko at tiningnan ang oras 6:05 palang. Ba't parang ang aga naman nung taong yun? Wait masilip nga.

Tumayo ako sa kama at sinilip sa bintana kung sino mang nilalang ang nag-aantay. O_O at nakita ko lang naman ang isang gwapong nilalang. Gwapong imahe ng Dada ko. Hahihihi Kinikikig tuloy ako.

Wait.. what to do? Ohmy. Dali-dali akong naligo,nagbihis at nag-ayos ng sarili. Di na ako kumain dahil baka inip na sa baba ang mokong na yun.

"Good Morning Ma" ngiting ngiting bati ni Dada.

Huwag kang ganyan Dada kinikilig ako.

"Good Morning Da" bati ko naman rito.

"Nakakin ka na ba?"

"Hindi pa eh. Ang Aga mo naman kasi. 7:30 pa naman pasok natin"

"Alright. We're going to the bo'ss. I dont want my Ma be Hungry"

"Aysus. Hahaha. Okay. Da"

"So, Lest go?" Inilahad niya ang kanyang kanang kamay para alalayan ako sa pagsakay.

"Come In" pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at pumasok na.

Naglakad siya sa harap ng kotse papunta sa driver seat.

Puro harutan at kulitan lang ang nangyari sa loob ng kotse habang kami'y bumabyahe.

As usaul andito kami sa bo'ss at chumichibog.

Syempre sa dala ng kagutuman limpak limpak na pagkain ang pina-order ko kay Da. Atsaka sayang din, libre pa naman.

Heto kami ngayon at kumakain.

Nagselfie at nagpalitan ng mga sweet words sa isat-isa. Para kaming lalanggamin sa sobrang ka tamisan ni Da.

*School*

Pagbaba namin ng kotse, ano pa bang bago? Edi syempre andyan ang maraming kababaihang nag-aabang parati.

Lumabas ng kotse si Dada at pinagbuksan ako ng pintuan. Bago kami maglakad ay nagsalita agad si Da.

"Kung sino man ang magtangkang kalabanin,ligawan, o awayin ang mahal ko alam niyo na ang mangyayari sa inyo. Yun lang"

At sabay kaming naglakad HHWW <3 Whaaaa. Kinilig ako dun Hihihi. Eh kasi naman si Dada babanat ng ganun.

"Da, Bat mo naman ginawa yun? Kinikilig tuloy ako Haha"

"Hahaha Baliw ka talaga Ma, Gusto ko lang siguraduhin na ayos ka at walang ibang dadapo kamay sayo kundi ako lang"

OverProtective naman ng Dada ko kaya naman mahal ko.

Naupo na kami sa upuan namin at wala pa naman yung aming teacher kaya nagsoundtrip nalang kami sa kanyang kaliwang tenga ang isang headset at sa kanan ko naman yung isa.

After Class, I decided to go to the ComfortRoom.

"Da, I'll go to CR muna" pagpapaalam ko sa kanya

"Sige."

NagJingle ako at nag-ayos ng sarili. Konting pulbo at lipgloss.

Lumabas na ako ng CR at dumaan muna sa Gym para tingnan kung nandoon si Dada pero wala naman kaya inikot ko ang Gym at sa isang room ay may napakinggan akong dalawang taong nag-uusap.

Namukhaan ko naman agad ang boses at napagkaalaman kong si Trick.

May konting kawang na bukas ang pinto kaya naman sinilip ko para makasigurado.

Nakita ko nga na si Dada at si Jack nag-uusap. Tatawagin ko sana si Dada kaso hindi ako nakaimik sa Napakinggan ko.

"Pare, Pano ba yan panalo ako sa ating pustahan. Sabi ko na nga ba mamahalin mo din si Kristine" aniya ni Jack.

"Pa-pa-anong nagawa niyo ito sa akin?" Nangangatal ngatal kong sabi. Nanlalambot ang tuhod ko at parang anytime ay babagsak ang luha ko.

"Ma,"

"PAANONG PINAGPUSTAHAN NIYO AKO!?" Gigil na tanong ko. At yung mga traydor kong luha ay nagsilabasan na.

"Ma, its not what you think."

"It's not what you think? Napakinggan ko kung anong sinabi ni Jack! Atsaka pamula ngayon wag mo na akong tawaging Ma! Kasi break na tayo!" At sabay ng pagkakasabi ko ay ang hagulhol ko.

Tumakbo ako na parang nang-iwan sa kasalan hindi ko alam kung san ako pupunta. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo sa lugar na iyon.

Hindi ko matanggap na pinagpustahan lang nila ako.

Nakakainis.

Ganito pala ang pag-ibig darating sa point na masasaktan ka.

Pumunta ako sa Secret Place at doon naglabas ng sama ng loob.

Ansakit. Ansakit isipin na pinagpustahan ako ng taong mahal ko.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mapagod na akong umiyak.

Hindi man lang niya ako hinabol at sinundan. Siguro nga hindi niya talaga ako mahal at siguro nga wala lang sa kanya lahat.

Pumasok ako ng bahay na parang zombie na mangangain.

Nakasalubong ko si Bes at nagtatakang tinanong kung anong nangyari sa akin.

Nagsimula na naman akong humagulhol ng iyak na siyang ipinagtaka lalo ng aking kaibigan.

"Teka, teka lang Bespren. Tara nga muna sa kwarto mo at doon kita tatanuningin kung ano ba talaga ang nangyari.

*Kwarto*

Ibinaba ko ang aking bag at naupo kami sa kama.

"Ano bang nangyari? Nagkagalit ba kayo ni Trick? May nantrip ba sayo? Ano?"

"Bespren ansakit palang isipin na pinagpustahan ka lang. Ansakit sakit."

"Bakit? Anong nangyari Bes naguguluhan ako"

Kinuwento ko sa kanya lahat lahat.Gigil na gigil siya sa nangyari at gusto niyang sugudin si Trick.

"Nako! Nako! nanggigigil ako. Bes matulog ka na muna nang makapagpahinga ka at makalimot panandali may gagawin lang ako. Huwag mong subukang mag magpakamatay"

Natawa nalang ako sa Bespren ko. Kahit na may problema at lungkot na lungkot ako palagi niya parin akong pinapatawa.

Gangster Fell Inlove To A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon