Kabanata 5
"Are you still mad?"
Hindi lumingon si Kali sa kanyang likuran nakatingin lang siya sa labas at sa mga taong nakapalibot sa buong bahay nila. Madami ang bantay tiyak na mahihirapan siyang makalabas. Hindi nakatiis ang Tito niya at tumabi na sakanya.
"Alam kong hindi mo gusto ang nakikita mo ngayon pero kasi yan ang sa tingin namin ng nakakabuti sa iyo. "
"That incident..." Nilingon niya ang Tito Robert niya pinatili niyang seryoso ang kanyang mukha.
"Was it connected to politics?"
He didn't respond and looked away. She took a deep breath. Silence means yes, all along tama talaga ang hinala niya. Nasa peligro ang buhay niya nang dahil lang sa walang kwentang politika. Naikuyom niya ang kanyang palad.
"Dad took everything from me at ngayon ang mamuhay ng tahimik at malayo sa peligro ay ipagkakait niya rin? Gusto kong mamuhay ng normal. Ayokong madamay sa gulo ng pamilyang ito, iyang politika na sinalihan ninyo wala naman akong interes diyan."
"I'm sorry, iha. I know that this has been really hard for you pero kasi kahit ilayo ka pa naming dito tiyak na mapapahamak ka pa lalo. Hindi namin hawak ang isip ng mga kalaban ng pamilya natin sa politika. Humingi na kami ng tulong sa pulis pero hindi iyon sapat dahil malalakas ang kalaban."
"This is Dad's fault. Kung hindi siya pumasok sa politika at inenganyo kayo. None of this would've happened."
"Wala na tayong magagawa."
"I can take care of myself. Malaki naman ang siyudad eh sisiguraduhin kong hindi nila ako matutunton--- "
"It's not that easy, iha."
"Hindi mo ba ako tutulungan? Since Mom died, you promised to help me with everything."
"But not this one. I'm so sorry, I can't help you." And with that, he left.
Argh. Napasigaw si Kali sa inis. Ginulo niya ang buhok niya at inisa isang binato ang mga halamang nasa gilid niya. Mababaliw na siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Akala niya ay sa mga pelikula lang ito nangyayari but here she is in the same situation of the movies she had watched. Damn this life.
Hinarang siya ng ilang armadong lalaki nang papalabas siya ng bahay. Pati rin ba ang paglanghap ng hangin sa hardin nila ay pinagbabawal? Anak ng! Pinalibutan siya ng mga ito at nagmumukha siyang duwende dahil sa katangkaran ng mga armadong lalaki. Singtangkad ni Ran na hindi niya maabot abot. Sinubukan niyang hawiin ang mga ito sa pagbabasakaling makakalabas siya pero bigo siya. Sa tingin niya ay isang bahay ang binubuhat ng mga ito sa laki at lapad ng pangangatawan.
Tinuro niya ang isang bagay na nasa labas at nang mabaling ang atensyon nito sa iba ay siya namang pagtakbo niya nang mabilis. Ngunit nawala ang kasiyahan niya sa pagtakas nang mabunggo naman siya sa malapad na dibdib ni Ran. Napaatras siya ng konti. Argh. Nakalimutan niya naririto nga pala ito sa bahay nila. Hindi ba't nasa kwarto ito ngayon at nagpapahinga?
"Pinagbawalan ka na hindi ba—"
"Hindi ako tatakas, okay? Lalanghap lang ako ng hangin sa hardin dahil ayokong lumanghap ng hangin dito sa loob ng bahay kasama ka. Pati kasi kasamaan mo naaamoy ko."
Hinintay niyang maiinis ito pero nanatili lang itong seryoso na para bang hindi man lang napipikon. Ayy mataas siguro ang---pasensya ng lalaking ito at hindi madaling pikonin at galitin.
"Palabasin niyo na muna at paigtinging maigi ang pagbabantay sa labas ng gate." Simpleng utos nito at naglakad papalayo.
Napatanga siya, parang may mali eh. Kung makaasta siya parang siya ang boss ng mga ito at hindi ang Daddy niya. Gayunpaman ay hindi na lamang niya ito pinag-tuunan pa ng pansin at nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...