Chapter 35: Forced Marriage
Written By BlackRavenInk16INAYOS nga ulit ng mga tauhan ng mga de Luca ang make up niya at narinig niya na may tumatawag na rin sa kanila sa labas para raw humarap na sa altar.
Sa tingin niya ay nasa malaking hotel sila ngayon sa ibang bansa dahil habang naglalakad sila papunta sa paggaganapan daw ng kasal ay iba't-ibang klase ng banyaga ang mga nakita niya na nagpapatunay na nasa ibang bansa nga sila.
May butler na naggiya sa kanila papunta sa isang malaking pinto ng hotel at halos masilaw siya sa liwanag sa loob ng malaki, matataas ang mga pader at malawak na kwarto na pinasukan nila!
Nanginig ang mga tuhod niya nang makita na marami ng tao roon. Puro mga banyaga ang karamihan ng naroon, iba-iba ang lahi pero karamihan ay mga amerikano, italyano at mga indiano.
Wala siyang kilala ni isa pero base sa magagarang suot ng mga ito, mukhang mga taong may matataas na status sa lipunan.
Ito ba ang sinasabi ng tatlo na secret wedding? Ang dami-daming witness sa magaganap na kasalan. Itutuloy pa ba niya ito?
E kung bigla kaya siyang mag eskandalo para hindi matuloy ang kasal?
Kahit tinatakot siya ni Leandro na hindi makakauwi ng Pilipinas ay magagawan naman siguro niya ng paraan kapag tumakas siya. Pero kapag natali siya sa kasalan na ito ay wala na siyang kawala. Pero saan siya huhugot ng lakas ng loob para gawin iyon? Masigawan nga lang ni Leandro ay takot na takot na siya, ang ipahiya pa kaya ito sa harap ng maraming tao?
Bumuntong-hininga siya. Kailangan niyang lakasan ang loob niya. Siguradong mabubuntis siya kapag kasal na sila at iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Hindi pa handa ang katawan at isip niya para maging nanay.
Bakit ba kasi nagmamadali ang tatlo? Kung nasa tamang edad na siguro siya o baka kung nagawa na niya ang lahat ng gusto niya sa kabataan niya ay sa tingin niya, hindi naman siya tututol sa kasalan na ito, e. Mahal din naman niya ang mga ito. Pero talagang hindi pa siya handa. Natatakot pa siya sa responsibility na pinagpipilitan na ng mga ito na harapin niya.
Natigil ang pag-iisip niya nang bigla siyang nilapitan ng ama ng tatlo para ihatid sa harap ng altar.
"D-Don Lucio? Bakit po kayo narito? Alam n'yo po ang relasyon ko sa mga anak ninyo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Stop asking silly questions, little girl. I wouldn't be here if not. We need to get there quickly. Everyone is staring at us," malamig na sabi nito.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang kumapit sa bisig ng magiging father in law niya at maglakad ng mabagal habang kinakabahan papalapit sa altar kung nasaan naroon na ang tatlong groom niya.
"Don't think that I like you for my sons. Ang lakas din ng loob mo na akitin silang lahat. Nagbunga ang kalandian mo to the point na kahit ako, wala ng magawa dahil sa kabaliwan nila sa 'yo. Kaya kahit labag sa loob ko ang kasalan na ito ay pahihintulutan ko ito. But don't even think to ruin our reputation by trying to stop the wedding because if you do that, I'm warning you, you will see another side of Leandro. He can even kill your parents if he want to. Hindi siya gano'n kabuting lalaki kagaya ng iniisip mo," mahinang sabi ni Don Lucio. Halos pabulong lang ang boses nito habang dahan-dahan silang naglalakad sa altar pero para iyong sumabog sa pandinig niya.
Kahit kailan, hindi niya naisip na mabuting tao si Leandro pero kaya ba talaga nitong pumatay? Alam niya na dati itong mafia at nagresearch na rin siya tungkol sa trabahong iyon.
Ang ibig sabihin niyon ay gumagawa ito ng mga ilegal business at hindi rin malabong nabahiran na ng dugo ang mga kamay nito.
Kung iisiping mabuti, nakakatakot nga naman pero kahit kailan, hindi niya nakita ang side na iyon ni Leandro. Masungit ito, palasigaw at bihirang ngumiti pero hanggang doon lang iyon. Pagdating sa kanya ay mabait naman ito noon. He even changed for her. Ito mismo ang nagsabi sa kanya, hininto na nito ang pagiging mafia at ang mga ilegal na negosyo nito.
BINABASA MO ANG
Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.
Romance3 brothers, fell in love with one innocent girl. Makakaya bang tanggapin ng pride nila na umibig sa isang katulong? At kalahati pa ng edad nila!