14: Coffee
Nang makabalik kami ng University at naghiwalay na ay parang dala-dala ko pa rin ang tawanan namin sa puso ko. Hanggang sa makapasok ako ng guidance office.
“Marami kang absences ah,” sabi ng counselor namin.
“Ah isang beses lang naman po,” sagot ko.
“Naku diyan nagsisimula.”
Kahit pinagalitan ako ay para pa rin akong lumulutang hanggang sa nakapwesto na ako sa front desk.
Hindi ko na siguro ‘to kaya. I really want to be with her. Paano ba ‘to? Inilibot ko na muna ang tingin ko sa paligid at kinuha ang phone ko.
Sarah: Casey?
sent.
Pumikit pa muna ako sandali bago ko i-send iyon. Kinakabahan ako baka seen lang o baka isipin niya na feeling close ko na.
It's just one lunch date.
Is it really considered a date? Char ako lang naman nag-iisip non.
Bumawi lang naman siya sa pag-alaga ko sa kanya.
Casey: hmm?
Nanlaki ang mga mata ko nang nag-reply siya.
Sarah: Ikaw si Casey diba?
Casey: 😂 ah yes? why?
Napasapo ako sa noo ko. Bakit ko naman tinanong ‘yon? Siya na nga diba. She just messaged you earlier to remind you about the lunch.
Huminga ako ng malalim at sinapo ang dibdib ko.
Sarah: wala lang hehe.
Casey liked your message.
Kinagat ko ang labi ko. Wala na tuloy reply. Gusto ko ng maiyak ulit.
Sarah: Casey?
Casey: oh?
Baka mainis ‘to mamaya sa akin o maturn off. Ano ba pwedeng maging topic namin?
Sarah: friends na ba tayo?
Casey: hindi 😂
Sarah: eh anong tawag satin?
Casey: Magkakilala.
Napanguso ako.
Sarah: eh nilibre mo ako ng lunch!
Casey: Cause you took care of me.
Sarah: hindi naman ako nagpapabayad 🥺
Casey: I know. I just want to show you how I appreciate what you did.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Kinikilig na talaga ako. Hindi na ‘to masaya. Pakiramdam ko maiiyak na ako dahil alam kong hindi naman niya magugustuhan.
Sarah: Ah hehe libre nalang rin kita!
Casey: wag na. magkakautang na naman ako.
Sarah: Oh see! wala ngang bayad yon!
Casey reacted laughing to your message.
End of convo agad? Wala na ba akong ibang pwedeng sabihin? Ah alam ko na!
Sarah: Thank you for the lunch.
Casey reacted love to your message.
Baka nakakaistorbo na ako. Ayaw ng mag-reply eh. Nasa react zone nalang ako. Pinapahiya ko lang sarili ko.
“Sarah?”
Agad kong pinatay ang phone ko at napalingon sa counselor namin.
“Magpapabili sana kami ng kape sa coffee shop,” sabi ni ma’am at agad naman akong tumayo.
“Sige po ma’am,” sagot ko. Sasakit na naman ang katawan ko nito. Hindi ako sanay na inuutusan pero ito na ang buhay ko bilang scholar dito.
Nagtratrabaho para sa tuition.
Tinanggap ko ang pera at lumabas na ako. Kailangan kong sumakay ng bus papunta doon. Malapit kasi siya sa mag main entrance. Sa lawak ng school namin nakakatamad maglakad.
Nakarating ako ng coffee shop at agad akong nag-order ng kape.
“Haha yeah right!”
Napalingon ako sa isang table na sobrang ingay. Natulala ako sandali dahil sila Casey ang nasa table.
“Ah!” sigaw ko nang hawakan ko agad ang cup.
“Sorry po mainit pa po,” sabi ng staff at ipinasok na ito sa plastic. Blonde Vanilla Latte ang order nila. Ewan ba ramdam ko ang init sa cup nila.
Nang maayos na ang lahat ay pagkaharap ko sa likuran ko ay nasa tapat ko na si Casey.
“You okay?” She asked.
“Ah oo,” sagot ko.
“Is that yours?”
“Kayna madam, sa guidance,” sagot ko.
“Wait, you're a working student?”
“Ah oo,” sagot ko. Slight ay nahiya ako. Ang yayaman kaya nila lahat dito. Halos lahat! Tapos apo pa siya ng president dito.
“Do you need help?”
“Ha? hindi! hindi nakakahiya sayo,” sabi ko.
“Nahihiya ka? nahihiya ka pa pala?” Natatawa niyang tanong. Nahiya ako sa sinabi niya ah! Nilingon ko ang mga kasama niya na umiwas ng tingin sa akin.
“Excuse me,” sabi ko tapos dahan-dahan siyang itinulak.
“I’m just kidding,” sabi niya at hinawakan niya ang braso ko. Parang nakuryente ako nang hawakan niya ako. OMG ayokong mahulog ngayon baka mabitawan ko ang mga kapeng hawak ko!
“Let me help you.”
“Hindi na okay lang,” sagot ko.
“Ayaw mo non? kasama mo ako pabalik?”
Umiling ako.
“Ah…ayaw mo.”
“Hindi! Ano gusto ko!”
Tinakpan ko ang bibig ko nang malakas na pala ang boses ko.
“Alright. Let's go.”
Tuluyan na akong nawala sa isipan nang kunin niya sa akin ang mga kape. Sumunod nalang ako sa kanya.
“Okay lang ba mga kaibigan mo?”
“Yeah. They're old already.”
“I love you.” Bulong ko. Hindi ko alam kung bakit binulong ko ‘yon. Confident naman akong hindi niya narinig.
–
