Chapter 10

88 3 0
                                    

PAGKATAPOS nilang mag-date ni Lime, sumama siya sa penthouse nito. Hindi niya alam kung bakit nag-desisyon siya ng ganoon lang. Hindi tanga si Amora para hindi malaman ang puwedeng mangyari sa kanila ng binata doon pero ayaw pa niyang umuwi. She still want to stay in this dream date. Susulitin na niya ang pagkakataon na ito dahil bukas nasa reyalidad na siya.

Kung pumayag siya kanina na ihatid na siya, makikita niya na naroon sa apartment niya ang reyalidad. Gusto niyang sabihin sa binata na may anak na siya pero hindi niya mabukas ang bibig para magsalita baka kasi mag-iba ang tingin nito sa kanya kapag nalaman na may anak na siya. At baka maranasan na naman nilang mag-ina ang maiwan sa iri.

Kaya naman nangako siyang hanggang ngayong gabi nalang siya makikipag-ugnayan kay Lime. Mas makakabuti nang hindi siya makipagkita rito kaysa naman malaman nito ang totoo at mag-iba ang pagtrato nito sa kanya tulad ng ginawa ni Jay at ng pamilya nito sa kanya at sa anak niya.

Alam niyang walang Lime, Siya at Asher sa future. There was only her and his son. Alam niyang hindi matatanggap ni Lime na may anak na siya sa ibang lalaki. Single ito at kayang humanap ng walang sabit tulad niya. Bakit naman nito pipiliin ang isang tulad niya na may sabit na at naangkin na ng hindi niya kilalang lalaki?

"Hayan ka na naman." Sabi ni Lime. "Malayo na naman ang isipan mo. Kasama nga kita pero parang ang layo-layo mo naman."

Napakurap-kurap siya at marahang tumingin rito. "Sorry. May naisip lang ako."

"Mind sharing what's on your mind?"

Pumintig ng mabilis ang puso niya. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman na may anak na siya. "Wala iyon."

Hindi na ito nagsalita habang nakasakay sila sa elevator at nang makarating sila sa floor kung saan ang penthouse ni Lime ay hinawakan nito ang kamay niya at iginaya siya papasok ng penthouse nito.

Nang makapasok sila, hinubad ni Lime ang suot nitong pulo at itinapon ito sa may sofa pagkatapos ay tumingin sa kanya.

"Do you want a drink? Water? Juice? Or Tea?"

"I'm not thirsty."tugon niya.

"Okay," sabi nito sabay hawak sa kamay niya at hinila siya nito patungo sa isang pinto. "Welcome to my room." Binuksan nito ang pinto at hinila siya papasok.

Umawang ang labi niya sa ganda at lawak ng kuwarto ni Lime. Mayroon itong king size bed na may kulay puti na bed cover sa gitna ng silid. Sa kanang bahagi ay naroon ang terrace, tapos may isang pinto na bahagyang nakaawang na alam niya na iyon ay banyo ng binata. Tapos sa kaliwa naman ay walk-in closet nito at halos malula na si Amora sa laki niyon. Ang closet nito ay parang ganoon kalaki sa apartment niya. At may maliit na refrigerator katabi nang mini bar counter na puno ng mamahaling alak.

Alam niya na mamahalin iyon dahil nakikita niya iyon sa bahay ng kuya Rayven niya kapag sinasama siya ng ina niya sa bahay ng mga ito.

Naglakad siya sa may sofa malapit sa mini bar nito at umupo.

"Ang laki naman ng kuwarto mo. Nakakalula naman, " kuminto niya.

He chuckled. "Why?"

Bago pa siya makasagot, pumasok na ito sa walk-in closet at nang lumabas ito, naka-boxer short nalang ang binata at hindi siya makatingin rito ng deretso dahil makikita nito sa mga mata niya ang pagnanasa niya sa matipuno nitong katawan.

Tumikhim siya. "Alam kong mayaman ka pero hindi ko akalain na ang inaasan kong mayaman ay naubusan na ng damit at short."

Tumabi ng upo sa kanya si Lime sa sofa at hinawakan ang kamay niya at nilaro-laro ang daliri niya. "Hindi ako mayaman. Ang mayaman ay ang mga magulang ko. Sila pa rin ang may-ari ng kompanya na pinapalago ko. Saka sanay na ako na ganito ang suot kapag dito ako sa penthouse"

OBS 3: Our Sweet And Sour LoveWhere stories live. Discover now