[Warning: This chapter may contains matured content. Read at your own risk!]
ATHALIA'S POV
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko o kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Nanginginig ako, nasusuka, naiiyak, nandidiri.
"Tangina niyong mga lalaki kayo!" sigaw ko sa kawalan, napaupo ako sa kinatatayuan ko at doon na nagsimulang magtuluan ang mga luha ko. "Manyak. Rapist. Putangina. Bakit hindi na lang kayo pinutok sa kumot ng mga magulang niyo?!"
Nang makaipon ako ng sapat na lakas para tumayo ay agad na akong nagsimulang mag-lakad. Baka naghihintay na sa akin si Nanay Pasita, ang sabi ko sa kanya saglit lang ako pero inabot na ata ako nang mahigit isang oras.
Mugtong-mugto ang mga mata ko, alam ko na 'yon hindi ko pa man din nakikita ang sarili ko sa salamin.
Nakatingin sa akin ang mga tao habang naglalakad ako, siguro napapaisip sila kung anong nangyari sa akin, bakit ganito na lang kamugto ang mga matang 'to? Tsh. Wala na akong pake sa kahit na anong isipin nila, kapag nagpaliwanag ba ako o kapag sinabi ko ba ang dahilan ng pagmugto ng mga mata ko, maiaalis ba nila sa isip ko ang mga nalaman ko... ang mga nakita ko?
Hindi.
Ilang minuto lang ay nakabalik na ako sa bahay ni Nanay Pasita, at nang matapat na ako sa pinto ng bahay ni Nanay ay agad kong pinihit ang door knob nito.
"Nandito na po ako, 'nay..." agad akong natigilan nang makitang hindi lang si Nanay Pasita ang naririto, nandito rin pala sila Ate Tina... at si Mama.
"Anong ginagawa n'yo rito?!" agad na tanong ko.
Napangisi si Mama. "Mali, anong ginagawa mo rito?!"
Hindi ako nag-salita.
"Bakit dito ka umuwi ha?! Wala kang bahay?!" tanong na naman ni Mama and this time nakatayo na siya sa harap ko.
Nanatili pa rin akong tahimik. Tangina, paano nila nalaman na nandito ako?!
"Paano niyo nalaman na nandito ako?" agad na tanong ko. Bumaling ako kay Nanay Pasita. "Nay, sinabi niyo ba?"
"Wala akong number nitong si Amanda 'nak. Tsaka alam mo namang hindi pa kami nagkakakilala at nagkikita nitong Mama mo, ni hindi ko nga alam na siya pala ang Mama mo eh kung hindi pa siya nagpakilala." paliwanag ni Nanay Pasita.
"Teka, 'wag mong iligaw ang usapan. Tinatanong kita Athalia, bakit ka nandito?!" galit na sabi ni Mama.
"Dahil gusto ko." matigas na sabi ko.
"Athalia..."
"Nak..."Napatingin na lang ako kila Ate Tina at Nanay na sumuway sa akin.
Napaawang ang bibig ni Mama. "Wow... So, ano? Umalis ka, dahil gusto mo lang?! Eh kung palayasin kaya kita, dahil gusto ko lang din?!"
Agad naman akong napangisi.
"Go on, tutal 'yon naman talaga ang gusto mong gawin dati pa 'di ba?" I said.
'Nang sa gayon masolo niyo ni Nelson 'yong bahay kasama ang bait-baitan nitong anak...'
Napapairap na lang ako habang pinipigilan ang sarili kong banggitin ang mga katagang 'yan, dahil ayoko rin namang masampal sa harapan ng ibang tao.
"Puta! Saan ba nanggagaling 'yang mga sinasabi mo, Athalia?" galit na sabi pa rin ni Mama.
"Ah, Tita..."
Napatigil si Mama nang bigla siyang lapitan ni Ate Tina at hawakan sa braso.
"Sorry to interrupt your discussion with Tata, but it's better if itutuloy niyo na lang po 'yan sa bahay ninyo." malumanay na sabi ni Ate Tina. "And I think we have to go na po, Tita? Nakakahiya na rin po kasi kila Aling Pasita."
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mistério / SuspenseMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...