PROLOGUE
[ Sean ]
Masokista siguro talaga ako? Kasi kung hindi ba naman ako saksakan ng gago at tanga, alam ko na ngang masasaktan ako ng todo pero ipinagpilitan ko pa rin sa aking sarili na saksihan ang pagpapakasal niya. . pagpapakasal ng babaeng pinangakuan ko ng habang buhay na pag ibig, ang babaeng kasama ko para buuin ang aking mga pangarap. Si Yanna o si Cess, marami man siyang pangalan..para sa akin.. siya pa rin ang Niña ng puso ko.. Nanghihinang napasandal ako sa punong aking pinagkukublihan.. Napaka unfair ng buhay.. alam akong nagkamali ako, nasaktan ko siya, nakagawa ako ng bagay na tuluyang sumira sa aming relasyon.. pero umasa ako na magkakaroon ako ng pangalawang pagkakataon para maitama ko ang lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya.. pero nagmahal siya ng iba.. napalitan ako sa puso niya.. ang mas masakit pa wala akong karapatang magalit sa kanya dahil ako may kasalanan ng lahat.. NAPAKAGAGO KO KASI.. nasa akin na nga.. pinakawalan ko pa..
Halos tumigil ang tibok ng aking puso ng marinig ko na ang wedding march.. mistula akong naestatwa, na glue sa aking kinatatayuan.. ni hindi ko makuhang lumingon o silipin ulit ang lugar kung saan nandoon silang lahat.. ang bigat bigat ng dibdib ko.. parang may nakadagan ng isang bagay doon hindi ko matanggal.. at kahit kailan hindi na matatanggal.. hindi ako makahinga, hindi ko maigalaw ang aking buong katawan.. Siya na iyon.. alam kong siya na iyon.. nakikita ko sa aking imahinasyon na naglalakad siya ng marahan ng marahan habang nasa kanyang magkabilang tabi ang kanyang mga tunay na magulang.. nakapaskil sa kanyang labi ang kasiyahan na kahit kailan hindi ko na mabibigay.. dahil iba na ang nagpapasaya sa kanya.. Ang sakit.. ang sakit sakit.. sobrang sakit.. ikinuyom ko ng pagkahigpit higpit ang aking mga kamao, gusto kong magwala, manakit at pumunta doon para pigilan ang kasal na mangyayari.. pero hindi ko magawa .. hindi ko kaya dahil sa tuwing susubukan kong humakbang ng isang beses o dalawa.. mukha ni Yanna ang aking nakikita.. ang mga luha at sakit na naidulot ko sa kanya.. hindi ko kayang sirain ulit ang kaligayahan niya.. dahil sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay.. sino ba naman ako para humadlang pa sa ikasisiya at ikaliligaya niya? at alam kong ang lalaking iyon ang makakapagbigay noon sa kanya.. si Khalil Mathew Fuentabella..
Ito na ang huling beses na makikita ko siya.. huling beses na masisilayan ko ang kanyang maamong mukha.. huling beses na makikita ko ang mga mata, labi, ilong, ang lahat lahat sa kanya.. kaya kahit masakit.. kailangan kong gawin at lunukin ang lahat ng takot, sakit na unti unting kumakain sa aking buong pagkatao.. Lumunok ako ng ilang beses at pinilit kong igalaw ang aking katawan, Sa nanginginig kong mga tuhod humarap ako kung nasaan silang lahat.. kaunti lang ang layo ko sa mga bisitang nakaupo sa mga upuan na nakapalibot sa make shift aisle na ginawa nila.. doon doon kitang kita ko siya.. gaya ng aking inaasahan.. napakaganda niya.. at napakaswerte ni Khal dahil napasakanya ang pinakaperpektong babae sa mundo para sa akin.. Ako dapat.. ako dapat yun.. yung lalaking nakawahawak sa kanyang dalawang kamay habang nakatingin sila sa isat isa.. ipinikit ko ang aking mga mata.. dahil hindi ko kayang tingnan ang pagmamahalan nilang dalawa ng kitang kita at ramdam na ramdam ko kahit pa nga ang layo ko na sa kanila.. ganoon katindi.. ang pag ibig nila sa isat isa..
"I belong in your arms ... I belong in your arms Finally, I have found a place Into which I fit Perfectly, Safely And securely with no doubts, No fears, No sadness, No tears. This place is filled with happiness and laughter Yet it is spacious enough, to allow me The freedom to move around, To live my life and be myself. This wonderful place, which I never believed really existed, I have found Finally Inside your arms, Inside your heart, inside your love, Mine.. Meeting and Seeing you the first time.. thats the most wonderful thing that happened in my life.. So I promised from this day forward.. na aalagaan kita... mamahalin at paglilingkuran kita habang ako ay nabubuhay.. dahil na mahal na mahal kita Lyka. "
Wedding Vows.. they're saying their wedding vows.. Ayokong marinig ang sasabihin niya.. ayokong marinig ang mga pangako niya na dapat ay sa akin.. sa akin lang.. tinakpan ko ang aking magkabilang tainga gamit ang aking dalawang kamay pero talagang nananadya sila.. dahil dinig na dinig ko pa rin iyon dahil sa gamit nilang mic..
" I love you. And when I say I love you, what I mean is... I am ready to all the trials that were going to face.. I will not back down from everything that will harm our marriage, I will be your shelter and shield from all the pains that will come to you.. From this day forward, mamahalin kita ng higit pa sa sarili ko Khal, pagsisilbihan ka hanggang sa makakaya ko, pasasayahin at paliligayahin kita sa abot ng aking makakaya.. and mostly.. hinding hindi kita iiwan.. never... because I love you very much Mr. Fuentabella.."
Parang libo libong kutsilyo ang tumutusok tusok sa aking puso.. this is the second time I heard her say those three words for him.. nanghihinang napaluhod ako mula sa aking kinatatayuan.. hindi ko na kaya.. hind-------------- naramdaman ko na lang na may pumapatak sa aking magkabilang pisngi .. umuulan siguro ng hindi ko nalalaman.. pero parang tanga lang .. bakit ako lang ang basa? bakit mukha ko lang ang nababasa? iyon pala.. iyon ay aking mga luha.. sa akin galing iyon..
" Ehem... by the power vested in me I now pronounce you husband and wife ..-----
Kill me now.. for heaven sake!! " Yanna, I love you!!! I looooooveeee youuuuuuu!!! Shiiiiitttt!! " sigaw ko ng malakas pero nilamon lang iyon malakas na palakpakan at hiyawan sa paligid..
------kiss the bride...
Hindi ko na kaya.. hindi na.. sobra na.. ang sakit sakit na.. Tumayo ako ng mabilis mula sa aking pagkakaluhod, kahit pa nga nanlalabo ang aking mga mata at hindi ko makita ang aking nilalakaran dahil sa aking mga luha.. kesohodang madapa ako.. hindi ko iyon ininda dahil ang utak at puso ko ay nagsasabing tapos na ang lahat... lahat lahat sa amin ni Yanna.. tapos na iyong mga masasayang alaala ng mga pinagsamahan namin.. yung mga away at tampuhan namin noon.. yung mga luha.. luha na nailabas niya sa tuwing masama ang loob niya sa akin at sa mga taong nanakit sa kanya noon.. at higit sa lahat.. tapos na ang yugto ng pag iibigan namin.. dahil.. pagmamay ari na siya ng iba..
"AND NOW I PRESENT TO YOU.. MR AND MRS. FUENTABELLA!!!"
Tumakbo ako.. tumakbo ako ng mabilis para makaalis sa lugar na iyon.. mabilis na mabilis..
natalo ako..
nasasaktan ako..
at naiwan akong mag isa....
habang siya ay maligaya...
BINABASA MO ANG
SOMEONE to OWN (on-hold )
General Fiction" Bakit hindi mo siya makalimutan? Bakit hanggang ngayon, siya pa rin? My goddd, asawa mo ako, pero hanggang ngayon, nasa kanya pa rin ang puso mo!! Pinagpalit ka na niya sa iba, hindi ba? Masaya na siya sa iba hindi ba?!! pero bakit hindi mo siya...