Kabanata 6
Napasalampak si Kali sa kanyang kama pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto niya. Ilang segundo siyang tumitig kisame bago naisipang kunin ang cellphone at sinubukang tawagan ang mga kaibigan niya isa isa. Gaya ng inaasahan hindi pa rin niya makontak ang mga ito. Umupo siya sabay hilig ng kanyang ulo sa kama at itinapon ang cellphone sa malayo. Gumawa pa ito ng malakas na tunog.
Dahil sa pagod at pananakit ng katawan ay kalaunan nakatulog siya nang di niya namamalayan. Saka lang siya nagising nang makarinig siya ng tahol ng aso sa labas. Agad siyang napabangon at napangiti nang malapad nang maalala niya ang aso niyang si Rocky sabay silip sa labas ngunit napawi rin ang ngiting yon nang tuluyan siyang makadungaw sa balkonahe. Nakalimutan niya na wala nga pala ang aso niya dito. Yung tahol ay nagmumula pala ito sa sa aso ni Ran na kasalukuyang nilalaro nito sa may garden nila.
Namiss niya bigla ang anak niyang nasa siyudad. Haynako kung puwede lang sana na walang nakabantay tiyak na naroon na siguro siya sa bahay niya at nilalambing na rin sa aso niya. Imbes na ipatuloy ang naudlot niyang tulog ay bumaba na lamang siya. Tahimik ang bahay nila dahil umalis ang ilan sa mga kasamahan nila lalong lalo na ang Daddy niya na abalang abala sa nalalapit na eleksyon. Samakatuwid, sila lang dalawa ang naiwan except nalang siguro sa mga nagbabantay sa labas ng gate.
Matapos makuha ang librong babasahin niya ay umupo siya sa upuang kahoy sa labas at sa harap niya ay si Ran at ang aso nito. Pinag-ekis pa niya ang mga paa niya.
"I thought you left."
Ibinababa niya ang librong hawak. "Sa tingin mo makakatakas ako?"
"No."
"Yun naman pala—"
"Because I'm here, and I won't let you escape."
"Huwag mo akong hinahamon."
"I'm not."
"Whatever," ibinalik niyang muli ang atensyon sa libro.
"Are you--?"
This time, she cut him off. "Obvious ba?"
"Really? You do it for fun?" He chuckled and then carried the dog. "Hindi ko alam na nakahiligan mo pala ang magbasa ng men's magazine na napupuno ng mga larawan ng mga lalaking halos hubo't hubad na."
"What?"
"Wild ka pala, Miss Rosales."
Muntik na niya mamura ang sarili niya nang mapagtantong men's magazine pala ang nabitbit niya at hindi libro. Namula ang pisngi niya sa katangahang nagawa at agad itong itinago sa kanyang likuran.
"H-hindi ko alam---ah basta! I was supposed to read REAL books, and not this one."
Kumaripas siya ng takbo pabalik sa loob at hindi na nagtangkang lumabas pa. Iniisip niya palang kung anong tingin ni Ran sakanya nung nakita nito ang men's magazine ay gusto na niyang lamunin ng lupa.
"Wala ka na bang balak kitain kami?" madramang wika ni Eleven kay Ran, isa ito sa mga kaibigan niya na nagmamay-ari ng napakasikat na restaurant sa siyudad, ang MF. Tumawag ito bago pa man makasunod si Ran papasok sa loob ng bahay. Ibinaba niya muna ang aso niyang si Hiro at tumakbo naman ito sa loob.
"Nagpapagaling pa ako."
"Hm..All of our friends are here. Say hello to Ran, guys! Saka niyo muna kainin ang mga babae ay este pagkain." Narinig niya mula sa kabilang linya ang hiyawan ng kanyang mga kaibigan. Paniguradong kakagaling lang ito ng gym at nag-iinom na naman.
"Yeah, fuck you too, Fin" ganti niya nang makarinig siyang minura siya ng kaibigang si Fin.
"I heard you got shot, bro. Iniligtas mo raw iyong masungit na anak ni Rosales. Hindi mo naman sinabi sa amin na may iba ka palang sideline bukod sa pagiging bodyguard ng Tito at Daddy niya."
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...