C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 19

167 6 0
                                    

WOI! API NEW YIR! SALAMAT SA PAGBABASA. NAWA'Y DUMAMI PA TAYO. ♡

WARNING: SPG! : >

_________________________________________________

Dark Cloud

Pag-baba sa jetski ay mabilis kong dinampot ang bathrobe, sinuot ko 'yon habang kumakaripas ng takbo pabalik sa mansyon. Malapit na ako sa entrada nang bigla akong harangan ng bodyguard ni Cloud.

"San si Boss?" Tanong niya. Kinagat ko ang labi ko sa hiya nang mapagtanto ang ginawa ko.

"N-Nasa gitna ng dagat. . ." Mahina kong sinabi. Kulang nalang ay makarinig kami ng uwak dahil natigilan din siya.

"Ano?"

"Naiwan ko siya sa gitna ng dagat."

Napakamot sa ulo ang lalaki at umiling bago humakbang paalis. Nakita kong inalerto niya ang dalawang tauhan. Ang isa'y sumama sa kanya sa dalampasigan habang ang isa'y tumingin sakin. Hindi ko nalang 'yon pinansin at dumiretcho pa rin ako sa aking kwarto. Ang importante ay makalayo ako kay Cloud.

Hingal na hingal ako nang makapasok sa banyo ng kwartong iyon. Basa na ang wig kaya tinanggal ko muna ito at nilapag sa lababo.

Marahas ang pag-hinga ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Ano bang nangyayari sa'yo Umi??? Nandito ka para mangalap ng impormasyon! Hindi para mag-bakasyon!

Inis na inis ako sa sarili ko habang tinitingnan ang mga kamay kong nanginginig pa.

"You're breaking your own rules for me. . ."

Umalingawngaw sa isip ko ang boses ni Cloud. Napapikit ako ng mariin pero nakita ko lang ang ngiting tagumpay niya. Ugh!

Humakbang ako palapit sa shower at binuksan iyon. Hinayaan kong anurin ng malamig na tubig ang laman ng isip ko pero habang hinawakan ko ang katawan ko ay bumabalik lang lahat ng mainit na pakiramdam na naramdaman ko kanina.

At naiinis ako dahil kahit hindi ko aminin ay alam kong nagugustuhan ng katawan ko ang ginagawa niya sakin.

Natatakot akong sa susunod ay huli na ang lahat bago ako matauhan. Na baka susunod ay tuluyan na siyang mag-hari at tuluyan na akong sumuko dahil lang sa mga halik at haplos niya.

Uminit ang gilid ng aking mga mata dahil sa nag-babadyang luha. Ganito ba ako kawalang kwentang ate? Kaya ba nawala sakin si Yuki dahil mas inuuna ko ang sarili ko? Na nagawa ko pang mag-padala sa init ng katawa at makalimutan ang  kailangan?

Sinagot ko ang sarili kong mga tanong.

Oo, Kasumi.

Kapag hindi ka tumigil sa kahibangan mo ay talagang wala kang kwentang ate! Kaya hindi na dapat iyon maulit pa. Hindi na.

Nang matapos maligo ay pinatuyo ko ang wig gamit ang blower. Sinuot ko iyon pag-katapos. Sinuot ko rin ang dark blue na silky night dress at ang kapareho nitong roba bago pumunta sa balkonahe para mag-palipas ng oras.

Saktong Alas Dos ng madaling araw ay kumilos na ako. Nakayapak akong lumabas ng kwarto para libutin ang mansyon.

Pigil ang pag-hinga ko sa bawat hakbang, tahimik at maingat. Ang unang kwartong nabuksan ko ay guest room. Malinis at handa na gamitin ngunit wala akong napala doon. Ganoon din ang sunod kong nabuksan ngunit ang pangatlong kwarto ay medyo maliit at may ilang gamit sa loob.

Mas hinalughog ko iyon kumpara sa dalawang kwartong nauna.

May mga make-up at kung anu-anong produktong pambabae. Nang tingnan ko pa ang drawer ay may mga lingerie at mga damit na tulad ng sinusuot ng mga babae sa Manila Girl Club. Tingin ko ang kwartong ito ay para talaga sa mga babaeng handang mag-bigay aliw sa lalaking 'yon.

Played to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon