-
"Anong balak natin? Birthday ni Brix." Sabi ko.
"Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre.." Si Sy.
"Matulog." Humalakhak siya.
"Puro ka tulog kaya walang napupuntang tangkad saakin! Nasa'yo lahat!" Angal naman ni Ky.
"Venue Pene." Tumingin ako sakanya at tumango naman siya.
"Decorations Klay." She gave me thumbs up.
"Pagkain Sy at Ky, gets ba?" Tanong ko sakanila and they nodded.
"Ikaw?" Napangisi ako.
"Ako na bahala sa lahat na kulang, chill." Pag mamayabang ko pa.
Saglit lang kaming nag meet up at mga nag paalam na sa isa't isa, pinuntahan si Tito para sabihin ko ang plano sa birthday party na sinet ko para kay Brix. Sumang-ayon siya kaagad kaya nagpaalam na agad ako at pinuntahan naman si Tita, umuwi ako ng good mood.
"Good mood huh? What's up?" Tanong ni Trev, napatingin ako sakanya at ngumiti.
"Birthday ni Brix, We are planning a birthday party para sakanya." I stated.
He licked his lips and smile tilting his head a bit.
"Can I help you?" Napakurap ako ng ilang beses at sumagot.
"Sure." Tumalikod na ako at tinuloy ang ginagawa.
Three days passed everything is going good, nakahanap na sila ng venue, at sa makalawa na rin sisimulan ang pag dedeco doon. Ayos na rin ang pagkain at pupuntahan namin mamaya, saakin nalang ang kulang.
"Trev let's go!" I knocked on his door.
"Yes! Yes!" I heard a loud thud making me chuckle. Nasa baba na kasi sila Sy at inaya ko siyang sumama saamin.
"I'm sorry." Binalot ng shampoo at perfume niya ang ilong ko kaya napatingin ako sakanya, he's wearing a white shirt with a minimal design on it pairing it with black shorts and a white sneakers. Naka wax din ang buhok niya palikod kaya kitang kita ko ang suot niyang specs kahit pa may ilang strand ng buhok na nahuhulog sa noo niya.
Tumango lang ako at inaya na siya para bumaba, nakita ko sila agad doon na mga nag-uusap at nagtatawanan. Si Klay agad ang unang nakakita saamin kaya kita ko ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya at ngumiti pero iba ang sinasabi ng mata niya.
"Tayo na hoy! Tara na!" Sabi ko sakanila at nagpunta na agad sa Van.
"Ikaw mag drive, Sy." Hinagis ko ang susi sakanya at agad namang pumasok sa driver seat.
Nauna na kaming pumasok dahil inunahan ko sila sa dulo sumunod naman si Trev at sunod na nakita ko ang mukha ni Ky kaya nagtama ang paningin namin, nanlaki ang mata niya at narealize ko agad ang iniisip niya.
As if.
Pumasok na silang lahat at agad na pinaandar ni Sy ang van, nakatulog ako dahil sa sobrang tahimik kaya ginising na lang ako ni Trev at sinabing andito na kami. Inantay ko silang makababa lahat dahil nasa likura nga kami.
"Tara." Hinigit ko si Trev at sabay na kaming pumasok sa venue. May dance floor! Napapaligiran siya ng mga table at napa tingin ako sa gilid at nakitang may kung ano doon, a grin escape on my lips when I saw what that is. Yung sa mga Dj!
"Hoy dito kayong dalawa! Tikman niyo 'to!" Napatingin ako kay Sy na mayroong hawak na kutsara, hinigit ko ulit si Trev papunta doon.
"Antamis." Narinig kong sabi ni Ky kaya napatingin ako sakanya.
"Matamis? Eh may ampalaya yang kinakain mo?" Sabi ni Pene, na-wiwirduhan.
"Hush!" Hindi ko nalang sila pinansin at nagstart sa dulo, kumuha si Trev ng dalawang kutsara at ibinigay saakin ang isa.
YOU ARE READING
Passenger Prince (Cousin Series #1)
RomansaThwyane Zia Fracktumos. The girl who's been out for fun and was always a reckless girl ever since she had rest before she achieve her dream, finally met her match. But who could it be among the four? Pick your fighter.