Tagpo

21 0 0
                                    

"Jenny, anong ideal na scenario ang gusto mo kapag makikilala mo na yung susunod na bibihag ng puso mo?" tanong sakin ni Greg.

Nablanko ako panandalian, tapos hinampas ko siya sa braso sabay sabi, "Ang random mo na naman, Greg! Hahaha! Next topic, please!" Pero ang kulit, pinagpipilitan pa rin niya! E di ako na ang nag-change topic, magaling ako e. Hahaha. Hanggang sa hindi na niya naalala na hindi ko sinagot yung tinanong niya. Queen yata ako pagdating sa pagche-change topic! Pero napaisip din ako e, ano nga bang nababagay na tagpo?

Yung tagpong nasa loob ako ng isang Coffee Shop, nagbabasa ng libro, biglang makiki-share siya ng table, and then guguluhin niya 'ko, magkakakulitan kasi pilit niyang i-i-s-spoil sakin yung mga nangyari sa libro, maiinis ako sandali at titingnan siya, tapos boom, sparks na agad?

Yung tagpong nasa loob ako ng Mcdo, naiyak dahil sa mga problema ko, bigla siyang uupo sa harap ko na may dalang ice cream, at sasabihing, "Miss, tahan ka na. Eto ice cream oh, wag ka na umiyak." with matching pagpunas niya ng mga luha ko, tapos boom, sparks na agad?

Yung tagpong nagmamadali ako kasi malelate na, hindi natingin sa daan, makakabungguan ko siya, mahuhulog lahat ng dala ko, tutulungan niya 'kong kuhanin lahat ng 'yon habang sa loob ng isip ko minumura ko na siya, e biglang magkakahawakan kami ng kamay, tapos boom, sparks na agad?

Yung tagpong nakaupo ako sa field, nagta-type ng kung ano man, biglang tatamaan ako ng mga naglalaro ng Frisbee, mahihilong konti, dadating siya at tutulungan ako, mumurahin ko na sana, kaso nagkatitigan kami, tapos boom, sparks na agad?

Hindi ko talaga alam kung yung tagpo ba yung importante, kasi sa lahat ng tagpong naisip ko? Iisa lang naman yung bidang lalaki e. Iba-iba man ng tagpo, iisa namang lalaki ang siyang naiisip kong kasama ko sa mga naturang tagpong yun. Sino pa ba? E di si Ethan.

Si Ethan yung bigla-bigla na lang nakikishare ng table habang tahimik akong nagbabasa. Ang hilig pang mang-spoil, palibhasa siya lahat nag-suggest ng mga librong binabasa ko!

Si Ethan yung nasa Mcdo ako, umiiyak kasi break na kami ng ex ko, e binilhan ako ng ice cream, sabay pahid ng luha ko. Kaya ang gaan ng loob ko sa kanya e.

Si Ethan yung habang nagmamadali ako, e nakabungguan ko. Promise, puro mura na isip ko nun! Kung hindi lang siya yung nakabunggo sakin, nakapag mura na 'ko ng wala sa oras!

Si Ethan yung tumulong sakin makatayo noong natamaan niya 'ko sa ulo habang naglalaro sila ng Frisbee. Muntikan ko na naman murahin yung kumag na 'yon e!

Si Ethan yung....lagi kong naiisip kapag "pag-ibig" na ang topic. Kaso hindi na pwede e, hindi na kami pwede.

Muli lang akong nabalik sa realidad ng biglang bumukas yung pinto, at nilingon namin ang dalawang taong pumasok. Isang babae at isang lalaki.

"Oh, Jenny! Una na pala 'ko ha! Andiyan na ang aking bebe-loves." Hay nako 'to si Greg, buti pa siya may love life, hahaha. "Landi mo, Greg. Hahahaha. Siya, sige na." sabi ko, at binalingan naman si Frances para magpa-alam din.

"Sige na, ingat kayo Frances. Sabihan mo lang ako pag kailangan ng dispatyahin ang lalaking 'to, ha? Hahaha." Ngiti lamang ang sinagot ni Frances, habang nag kamayan naman sina Greg at Luke.

"Hoy, Greg! Sasapakin talaga kita pag hindi mo iningatan 'yang si Frances!! Hahaha. Ingat kayong dalawa!" Magsasalita pa sana si Frances, pero bigla na lamang siya hinatak ni Greg. Bastos talaga nito, hindi man lang hinintay na mag-hi si Frances sakin!

"Jenn.... Binisita mo na ba si Ethan? Kakabisita ko lang sa kanya kanina, dinalhan ko ng bulaklak tsaka ng kandila." Katahimikan. Napaka-sensitive na topic samin nito e.

"By, miss ko na siya." Umiyak lang si Luke, habang yakap ako. "Luke, miss ko na din naman si Ethan e. Kaso, wala na siya e. Hindi na siya babalik. Wag kang mag-alala, hinding hindi kita iiwan, baby. Andito lang ako palagi para sa'yo baby, I love you. Tahan ka na."

Hindi na babalik si Ethan, kasi wala na siya. Hindi ko na maibabalik yung sana kaming dalawa, pero pinairal ko yung pride ko kaya hindi naging kami. Kung sana, hindi ko pinairal yung pride noon...

E di sana, kami ngayon ni Ethan.
E di sana, buhay siya ngayon.
E di sana, hindi nawalan ng kapatid si Luke.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TagpoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon