⚜️Keelan⚜️
I focus my eyescope sa ulo niya. Paglabas niya sa mga dahon. Agad kong nakita ng mas malinaw ang mukha niya.
Isang binatilyong Lalaki, nasa mga 12 or 13 years old. Agad siyang nag'linga.linga sa paligid, ng masigurado niyang tahimik at ligtas saka siya tuluyan lumabas at naglakad paalis.
Napakahawak ako ng mahigpit sa riffle ko. Anong ginagawa ng isang batang kagaya niya sa lugar na to sa ganitong oras.
Agad akong bumababa sa puno at ma-ingat na sinundan ang batang lalaki. Mga isang oras din kaming naglakad sa loob ng masukal na kagubatan ng Gubatnon.
Tapos nakita ko siyang huminto sa tapat ng makakapal na talahib sa gilid ng malaking Bato.
Nagpalinga-linga ulit siya sa paligid bago hinawi ang mga damo.Minanmanan ko lang siya sa di kalayuan nagtatago ako sa ligod ng puno.
Maya maya pa may kinuha siyang kung ano dun sa damo at nagsimulang maghukay.
Anong ginagawa niya.
Ilang minuto din siyang naghukay sa lupa tapos dun may kinuha siyang parang isang malaking balde.
Anong laman niyan?.
Baril?
Granada?
o materials na naman para gumawa ng improvise bomb.
Dahan dahan akong lumapit sa Bata at tinutukan siya ng baril sa batok.
" Wag kang kikilos ng masama (-__-)"
Kid or not hindi ako magdadalawang isip na barilin siya kapag nanlaban.
Agad siyang natakot at nag taas ng kamay sa ere.
" Wa-g ni-yo po a-kong pa-ta-yin. Inu-tusan lang po ako " takot na takot niyang sagot sakin.
Lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa baril ko. Kahit mga bata sa rebelde kayang pumatay ng tao. Ayokong maulit muli ang pagkakamali namin sa basilan. Naawa kami sa mga bata hindi namin alam na suicide bomber pala ang isa sa kanila.
Kaya marami sa kasamahan ko ang napatay. Dahil sa akala namin hindi kayang gumawa ng kasamaan ang mga bata.
" Ano yang hinuhukay mo at saan mo yan dadalhin? " seryosong tanong ko sa kanya.
" Pag-kain Sir para sa ila-lim " agad kong chineck ang mga malalaking balde meron din mga container.
Sa loob ng balde mga basic food essentials,sa container namin mga bigas.
" Nasa ilalim ba si Cobra? "
" O-ho sir " maikling sagot niya.
Makikita mo talaga sa kanya na natatakot siya sakin.
" Bakit ikaw ang pinapakuha nito at hindi yung mga tauhan niya " tanong ko ulit sa kanya.
" Nag-papagaling pa po ang marami sa kanila,yun i'ba nagtatago sa ibang sitio. "
" Marami ba siyang kasama sa ilalim? "
" Marami po, m-ga bata at kababaihan."
" Mga rebelde? "
" Nasa ha-los trenta po pero yung iba sugatan "
Para sa isang bata na namulat dito madaling kausap ang isang to at mukha siyang nagsasabi ng Totoo.
" Bakit mo sinasagot ang mga tanong ko? "
" Hin-di po kami masamang ta-o Sir. Wala lang ka-ming magawa. Papatayin nila kami pag hindi kami sumunod "
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST
Storie d'amorePROLOUGE: Do you know what the most terrifying aspect of life is? Ito yun katotohan sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat. Pwedeng masaya ka ngayon pero bukas hindi na. Pwede din buhay ka ngayon pero bukas pinaglalamayan kana. What are you scare...