This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.
PLAGIARISM is a CRIME.
A.N. Hey there, reader! I wrote this one shot back in March 17, 2021 and I decided to post it here in Wattpad. Follow, votes and comments are highly appreciated. But if you're a silent reader, I'm already thankful you'll give this a try. Hope you'll enjoy reading! 💙
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
“Na sa dalawang daang individual na ang unang nabakunahan ng nabiling sampung milyong COVID-19 vaccine mula pa sa bansang Amporta. Masasabing naging matagumpay ang pagbabakuna sa mga ito kaninang umaga at mamayang hapon nga ay inaasahang daragsa na ang mga taong gusto na ring magpabakuna.”
Nakaupo ako ngayon sa bangko sa tapat ng mesa habang sumasagot ng modules. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako maka-focus dahil sa ingay ng pinanonood ni mamang balita. Masyado kasing malakas, alas dose y medya na rin ng hapon ngayon.
“Isang taon na rin ang lumipas mula nang lumaganap ang sakit na COVID-19 na nagpadapa sa maraming hanapbuhay ng karamihan sa atin. Ngayong mayroon na ngang bakuna sa naturang sakit, inaasahang unti-unti na ring makakabangon ang ating bansa mula sa pandemya.”
Imbis na essay tungkol sa kahalagahan ng isip at kilos-loob sa subject na ESP, hindi ko namamalayang tungkol na pala sa COVID-19 vaccine ang aking nasusulat.
Nakangiting binasa ko ito at nang may mapagtanto ay yamot kong nalukot ang papel.
“Ma, p'wede po bang hinaan niyo po ang volume ng TV? Nagmomodules po ako, hindi ako makapag-focus,” magalang na usal ko kay mama na tutok na tutok sa telebisyon. Nakaupo rin ito sa isang bangko na ilang metro ang layo sa 'kin.
“Aba'y, anak, alam mo namang mahina na ang pandinig ng mama mo. Bakit naman kasi gabi ka nagsasagot ng modules, nak?” sagot nito habang sa telebisyon pa rin ang tingin kaya bahagya akong napanguso.
Hindi ko talaga alam kung bakit lagi na lang siyang nanonood ng balita.
Ano bang mayro'n sa balita? Mabuti sana kung k-drama, tsk.
“Eh kasi, Mama, ang dami po ng kailangang sagutan bawat subject. Hindi ko rin naman po agad maiintindihan ang mga lessons sa isang basahan lang,” paliwanag ko naman dito sabay tiklop ng ESP module.
Siguro ay mamayang gabi na lang ako magsasagot. Alam kong pakatapos ng balita ay manonood pa si mama ng paborito niyang mga palabas sa hapon. Pero mamayang gabi ay paniguradong tulog na si Mama kaya mas payapa akong makapagmo-module.
Sa ngayon ay matutulog na lang muna ako at gigising na lang mamaya.
Mabilis kong inayos ang aking magulong mga gamit sa mesa, tapos na rin kaming mananghalian kanina pa.
“Ma, tulog na lang po ako,” paalam ko rito ngunit hindi naman ako nito sinagot kaya dumiretso na lang ako sa kuwarto.
Mabilis akong nag-set ng alarm sa aking telepono upang magising ako mamaya. Ipinatong ko lang ang telepono sa gilid ng kama bago tuluyang mahiga. Siguro dahil na rin sa pagod kaka-module kanina pang umaga, mabilis akong dinalaw ng antok at tuluyang nakatulog.
BINABASA MO ANG
Hedoix (One shot story)
Science FictionSi Jaya ay isang estudyanteng nag-aaral ng modular sa gitna ng pandemya. Ngunit dahil sa isang trahedya, siya ang napili ng binatang si Moxx na tumulong sa kaniyang misyon. Misyon na maayos ang dulot ng pagkakamaling nagawa ng isang kasamahan nito...