Chapter theme: Knocking on My Door - Golden Child
Ilang linggo pa ang mabilis na lumipas at parehas kaming naging abala ni Gabriel. Sa tulong ng mga kaibigan namin, inasikaso ni Gabriel ang lahat ng mga kakailanganin sa kasal at halos wala na siyang pahinga dahil nais niyang maikasal kami kaagad. On my part, I continued with another round of chemotherapy at nagtriple ang pag-iingat ko upang maibalik agad ang dating lakas ng katawan ko. Gusto ko na sa pagdating ng araw ng kasal, masiglang-masigla na ang pangangatawan ko.
Ang sarap din sa pakiramdam na buo ang suporta ng pamilya at ng mga kaibigan namin ni Gabriel. Sa katunayan nga ay nadagdagan pa ang mga taong nagmamahal sa akin, kasama na ro’n ang magulang ni Gabriel at si Stella na walang sawang magpadala sa akin ng sulat at postcards. Feeling grateful for her efforts, gumawa ako ng bagong private account para mapadali ang communication namin.
Returning to social media seemed to be a good decision as it became an outlet during my battle. Para ko na rin itong naging journal dahil doon ko pino-post ang mga pictures na kuha ko gamit ang polaroid camera na regalo sa akin ni Gabriel. I've even joined groups and organizations ng mga kagaya kong lumalaban sa sakit na leukemia upang may makausap ako na mas makakaintindi sa pinagdaraanan ko. Nakatagpo ako ng isa pang malakas na support system sa katauhan ng mga bago kong kakilala.
Tila inulan pa kami ng maraming blessings dahil nakalabas na nang tuluyan ang papa ni Gabriel sa ospital. At nang makabalik ang lakas nito ay sumasama na rin ito sa akin upang magpakita ng suporta sa tuwing magpapa-chemo ako.
Ngayon naman ay kasama ko ulit ang magulang ng fiancé ko dahil tutulungan daw nila ‘kong maghanap ng wedding dress. We went to their favorite boutique, where they usually have formal attire made for special occasions. Despite Gabriel insisting on joining us, we left him behind to have some quality time.
"Maganda po ba, Tita?” tanong ko nang makalabas sa fitting room.
I was wearing a plain white ruffle sleeve dress. Bahagya akong napalunok nang masilayan ko ang pag-arko ng isang kilay ng mama ni Gab kapagkuwa'y agad din namang umaliwalas ang mukha nito.
"How many times do I have to tell you not to call me, tita? Mama or mommy would be fine, whichever you're comfortable with. You're about to marry my son, so you better get used to it. Or, maybe you don't want me to be your mother-in-law, that’s why you still prefer tita?"
"Hala, hindi po sa gano'n. Nahihiya lang po ‘ko."
Tumayo ang mommy ni Gab mula sa pagkakaupo sa sofa at tinawid ang maliit na distansya sa pagitan namin. “Huwag ka nang mahiya sa ‘kin. Come on, call me mama.”
"M-m...Mama," bulong ko.
"There you go! That sounds much better!”
BINABASA MO ANG
Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]
Romance"He was once my sun. I always yearn for his light. But now, I didn't know. I think he's still a sun. But his light is too much for me, my eyes burn when I look at him." In a city where their love once blossomed, Kelly Romualdez faces the haunting ec...