Prologue

6 0 0
                                    

Nash Esquivelle. Isang probinsyanang tomboy. Maangas at parang lalaki kung kumilos at magsalita. Walang kinakatakutan maliban sa lola niya. Palaging nasasangkot sa gulo lalo na sa school na pinapasukan niya at dahil dito pinadala siya nito sa tita niyang nasa maynila bilang parusa.

Pinasok siya ng tita niya sa isang prestihiyosong paaralan kung saan makikilala niya ang babaeng unang kita pa lang ay nabihag na nito ang puso niya. Dito niya rin makikilala ang grupo na kung tawagin ay Royalties na siyang kinabibilangan ni Jocelyn—ang babaeng gusto niya. Makikilala niya ang ilan sa mga ito na magiging karibal niya sa puso nito.

Mula sa pakikipag-deal at pakikipagkumpetensiya sa mga ito para makuha ang puso ni Jocylen mapupunta sila sa sitwasyong hindi nila aakalaing pwedeng mangyari.

Halina't tunghayan natin ang kwento ng pakikipagsapalaran ni Nash kasama ang mga taong papasok sa kanyang buhay.

++++

Hi! This is my first story so expect wrong typos and grammatical errors.
Hindi ko pa masyadong gamay ang pagsusulat ng mga ganito so I hope you understand if may mga maling words akong naisulat.

This story is just pure fiction and came from my imagination. Ang mga tao, lugar, mga pangyayari at iba pa ay sadyang galing lamang sa aking malikot na isipan. So kung may pagkakatulad man ito sa ibang istorya ay maaaring nagkataon lamang. O maaaring ginamit kong inspirasyon sa pagsusulat nito.

Sana'y magustuhan niyo ang istoryang ito. 😄

And remember:

Plagiarism is a crime!!

My Tombits GirlWhere stories live. Discover now