Chapter 3

358 20 3
                                    

thank you to the loyal readers of this series! 😘
_

FAUNA had been calling her brother for the tenth time now. Nagsisimula na ang recognition of honors. Nangako ang kanyang Kuya na ito ang dadalo sa kanya para kumuha ng award sa stage gaya ng parati nitong ginagawa.

Though, malayo pa naman dahil nasa Grade 8 achievers pa ang tinatawag.

Her school traditionally conduct recognition rites every quarter for their students the next Monday after Friday's report card distributions. Pwede namang walang magsasabit sa kanya kaso halos iyong mga kaklase niya ay nandito ang mga guardians, parents, or yayas to walk them on stage. Tsaka, nasanay siyang nandito ang kanyang Kuya. It made her feel proud of herself even more.

Another missed call to another missed call. Ilang minuto pa ay biglang may natanggap siyang text.

Kuyaaa Fabfab 😏💙: I'm so sorry, pangga. I can't attend your rites today. May appointment ako kay Dr. Salazar at minsan lang ako makakuha ng appointments sa kanya dahil international iyong work niya. I missed your calls because I airplane mode my phone. Was in my class. However, Dash would be there! Lovelove ka kay kuya.

Fauna: You forgot my rites?

Hindi sa kanilang bahay tumitira ang kanyang Kuya dahil may condo unit ito na malapit sa kanilang hospital. Ino-oversee din kasi nito ang kanilang hospital. Her brother was dedicated and she had known his dream to be a doctor. Pero bakit kaya minsan ay na-fe-feel ng mga magulang niya na ayaw ng kanyang Kuya na mamahala ng kompanya?

Because it didn't seem like that.

Mayamaya pa ay tumawag ito na agad niyang sinagot.

"Yes, I'm so sorry, Fau," parang tumatakbo nitong sagot. "Marami akong iniisip lately. Work, studies, and others. You reminded me Sunday morning, but your Kuya Levi is here in Manila. Lumabas kami kasama ang mga kaibigan nang gumabi. Totally forgot it. I'm so sorry. Pupunta si Dash riyan or si Emerald. I don't know who. Nangako lang siya na may dadalo sa'yo."

"Okay lang, Kuya," she would just accept that she would be alone on stage. Mas matatanggap niya iyon kaysa si Dash or si Emerald ang dadalo. "Sabihin mo na lang kay Dash na ayos lang kung ako mag-isa. Hindi naman required, kaso nasanay lang akong nandito ka."

"Oww," he softly said then chuckled. "Ipapasyal na lang kita sa Hacienda Alegre this weekend. You will like it there. Babawi ako. Pangako 'yan. Bye for now. Hahabulin ko pa iyong oras para makaabot kay Dr. Salazar."

"Okay, Kuya. Take care. Love you, too." She tried to be alive.

"Love you too since you were fetus," tawa nito saka ito na ang nagbaba ng tawag.

Huminga siya nang malalim at bumalik agad ang katotohan sa kanyang isipan na si Dash o si Emerald ang dadalo para sa kanya. Napapikit siya dahil anong naisip ng Kuya niya na si Dash pa talaga ang kanyang tinawagan. Pwede namang si Manong Vier or si Nanang Marcie.

Saka paano dadalo ang Dash na 'yon? Eh mas busy 'yon kaysa sa Kuya niya.

Pagkatapos matawag ng mga Grade 9 honors, timing ring may natanggap na naman siyang message galing sa kanyang kapatid.

Kuyaaa Fabfab 😏💙: Dash said, he's already there in the auditorium. Hanapin mo siya, sister. Bakit ba dito siya na-te-text eh may communication kayo, 'di ba? Text mo nga, Fau.

Fauna: Pinilit mo pa kasi Kuya eh!!! Napilitan 'yan! Nakakahiya ka sa mga Saravia!

Kuyaaa Fabfab 😏💙: Sos. Anong nakakahiya 'don? We're family.

Fauna: Arrgghh ka kuya!

Kuyaaa Fabfab 😏💙: He said, what's his cue to come to you?

Carved Fantasy (Hacienda Alegre Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon