Chapter theme: Compass - Golden ChildPagmulat ko pa lang ng mga mata nang umagang ‘yon ay paghapdi na ng sikmura ang siyang sumalubong sa akin. May nalalasahan pa akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon sa higaan at tumakbo papunta sa banyo ng kwarto naming mag-asawa. Gaya nitong mga nagdaang araw, panay lang ang pagsusuka ko sa tuwing umaga. Wala pa nga akong kinakain pero halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko.
"Ayos ka lang, mahal?" alalang tanong ni Gabriel. Naaalarmang dinaluhan niya ako nang matagpuan niya akong nakasalampak sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl.
"I'm fine, mahal. Don't worry. Masama lang ang gising ko," nanghihinang tugon ko.
Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at marahang binasa niya ang mukha ko para mahimasmasan ako kahit paano."Let's go and see your doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted, but I only gave him a weak shake of my head.
"Side effects lang 'to ng mga iniinom kong gamot, ngayon lang nag-appear."
"Mas mabuti na 'yong makasiguro tayo. Masyado ka ring napagod nitong mga nakaraang linggo dahil sa pagta-travel natin. Mamaya napwersa na pala ang katawan mo o kaya ay may nasagap ka na palang ibang sakit. Mahina pa naman ang resistensya mo," pangungumbinsi nito habang hagod ang likod ko. "Please, Kelly? Huwag na sanang matigas ang ulo mo. Mapapanatag lang ako kung magpapa-check up ka ngayon."
Gustuhin ko mang makipagtalo pa sa kanya ay wala na akong lakas. Sa huli ay mabagal akong nag-angat ng tingin kay Gab at tumango.
Nababasa ko ang labis na takot sa mga mata niya nang sandaling iyon kaya maging ako ay bahagyang nangamba rin. Nagiging maayos na ang kalagayan ko, siniguro iyon ng papa ni Brix at sobrang naging maingat naman ako sa mga kinakain ko. Pero ang sabi nga nila, traydor ang sakit na ito. Hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo't ilang araw nang masama ang pakiramdam ko, hindi lang ako nagsasabi.
🌻🌻🌻🌻🌻
Labis ang pagkabog ng dibdib ko habang nakaupo kami sa loob ng consultant's room, kaharap na naman ang papa ni Brix. Maraming beses na lamang akong napalunok kasabay ng paghawak ko sa kamay ni Gabriel nang napakahigpit. Naramdaman niya siguro ang pagiging tensyonado ko kaya binigyan niya ito ng magaan na pisil.
Ngunit kahit pa mukhang kalmado ang asawa ko ay pinagpapawisan naman ang noo niya. He was just putting on a cool facade, afraid that showing his weakness to me might shatter me if I witnessed it.
Tinipon ko na ang lahat ng tapang na meron ako ngayong araw at hinanda ko na ang sarili ko sa masamang balita na maaaring matanggap namin. Pero mukhang hindi pa rin sapat ang tapang na meron ako dahil abot langit ang kabang nararamdaman ko. Para bang anong oras nga ay sasabog na ang puso ko.
Kapag nagtagal pa itong nakaka-tense na katahimikan sa pagitan namin, baka himatayin na ‘ko. Ibang-iba itong pangambang nararamdaman ko kung ikukumpara sa araw na unang beses akong ma-diagnose ng sakit ko.
BINABASA MO ANG
Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]
Любовные романы"He was once my sun. I always yearn for his light. But now, I didn't know. I think he's still a sun. But his light is too much for me, my eyes burn when I look at him." In a city where their love once blossomed, Kelly Romualdez faces the haunting ec...