Pablo's Pov:
Sobrang tahimik ng paligid tanging pag hampas lang ng tubig sa dagat ang aming naririnig. Naubos nadin namin ang isang bote ng wine, kaya heto kaming dalawa naka higa habang pinag mamasdan ang langit.
"Stell, salamat ulit." Kinuha ko ang kamay nya para hawakan, naramdaman ko naman ang paghigpit nito.
"Kanina kapa nag thathank you sakin, siguro mga 100x na." Natawang sabi pa nito.
"Sobrang saya ko lang kasi talaga, alam mo yung feeling na sasabog na yung puso ko sa saya." Inilapit ko pa ang mga kamay namin sa dibdib ko para maramdaman niya ang mabilis na pag tibok ng puso ko.
"Masaya din naman ako sobra sobra, hindi ko nga inexpect na magkakagusto ka sakin." Humarap ito sakin at kitang kita sa mga mata nito na para bang gusto ng maiyak.
Stell, kung alam mo lang hindi ko lubos maisip na aabot tayo sa ganito. Kung nuon ko pa sana mas napatunayan sa sarili ko na gusto kita, sana pala hindi kita iniwan at hindi mo naranasan malungkot mag isa.
"Hmm.. Stell?"
"Bakit? Mag thathank you ka nanaman?" Napanguso pa ito, sobrang cute ang pogi talaga ng boyfriend ko. Sobrang swerte ko talaga.
Teka pwede ko bang ikiss yang lips mo? Bakit naman kasi naka nguso ka nakakatemp tuloy.
Kalma Pablo, kakasimula niyo palang baka sabihan kang manyak, hiwalayan ka pa.
"Hindi pero, tignan mo yung mga stars sa langit." Tinuro ko pa ito gamit ang isa kong kamay.
"Oo kanina ko pa pinag mamasdan, sobrang ganda, sobrang liwanag nakaka relax sabay mo pa yung tunog ng agos ng dagat." Nakangiti nitong sabi.
Stell's POV:
"Diba sobrang ganda? Try mo bilangin lahat ng stars ngayon." Seryosong sabi ni Pablo. Hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi niya. Ano ako Alien para mabilang lahat ng stars sa langit.
"Joker kaba? Pano ko mabibilangin yan?" Tinaasan ko pa ito ng kilay.
"Subukan mo lang kasi." Lakas talaga ng trip nito, teka pinag tritripan ba ako nito?
Bahala na nga, para matahimik siya.
"One Two Three... Pablo naman eh ano bang trip to?" Natawa ako hindi dahil sa hindi ko mabilang, kundi sa pagiging seryoso ko magbilang kahit alam ko namang napaka imposible.
"Diba hindi mo kayang bilangin?" Seryosong sabi nito.
Bakit naman seryoso, akala ko joke time tayo dito pablo, yan ba epekto sayo ng wine?
"Sempre! Kahit sino naman hindi kayang bilangin yan, parang one thousand ay hindi million pa nga ata." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"See, hindi mo talaga kayang bilangin,
that is my love, you will never know how much i love you at hindi pa sapat ang mga stars na yan para matumbasan kung gaano ako kasaya ngayong gabi na ito." Sabi nito sabay ngiti ng napaka tamis.Hindi ko napigilang mapangiti, sobrang kinilig ako sa sinabi niya.
Ramdam na ramdam ko tuloy ang pag init ng buong muka ko.
"Ikaw talaga Pablo, sobrang smooth talker mo talaga. Kaya madaming fans na nababaliw sayo eh."
"Never akong naging ganito sa mga fans ko, alam mo naman yan. Sayo lang ako ganito kasi seryoso ako sa pagmamahal ko sayo."
Mas lalong uminit ang muka ko hanggang sa tenga ko, kahit hindi ko nakikita ang muka ko alam kong namumula na ako sa sobrang kilig dito.
"Hay nako ewan ko sayo, teka nga kuha pa ako ng wine sa loob." Hindi ko na kaya, kaya tumayo na ako para pumasok sa loob.
Ayokong makita niyang namumula ako, baka sabihin niyang sobrang rupok ko. Well totoo naman pero kasi nakakahiya.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
FanficIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?