chapter x v i i : sinful kiss (part two)

42 1 0
                                    


"Dalawa nga pong kwek-kwek, at saka.."

"..Yurii, anong inumin mo partner ng kwek-kwek?"

Tinapik ni Vaughnn ang braso ko. Dito lang ako nagising mula sa mga isipin ko.

Nasa canteen nga pala kami ngayon, pumipila para makabili ng pagkain.

"Yurii . . huyy, okay ka lang?"

"Mhmm? Ahh . . a- anong inumin?" Tanong ko, kunwaring nakikinig sa kaniya.

"Para saan 'yung inumin? Ikaw na bahala. Kung anong gusto mo . . 'yun na lang bilhin mo.."

Inilayo ko agad ang paningin ko sa kaniya.

Parang hindi ako mapakali. Kanina pa lang pagpasok namin ni Vaughnn sa classroom, hindi na ako mapanatag.

Recess na namin ngayon, pero 'yung utak ko, gulong-gulo pa rin. Para akong natatakot. Gusto kong tuluyang lumayo kay Xeno, pero lapit siya nang lapit sa akin kanina sa classroom.

Ano bang gagawin ko? Bakit ako kinakabahan? May nakakita kayang iba noong nangyari sa amin ni Xeno noong hapong 'yun? Sasabihin ko na ba kay Vaughnn 'yung totoo?

"Something's wrong. You have something you want to let go off your mind?"

Muling nanumbalik ang paningin ko sa kaniya. Obvious na bang masyado na marami nang umiikot sa utak ko ngayon? Napatingin na lang ako sa dalawa kong kamay na may hawak-hawak nang kwek-kwek at iced tea.

"Wrong? What do you mean . . wrong?" Mahina kong sagot.

Nakatabi lang ako kay Vaughnn mula nang pumasok at magkabati kami kanina. I just feel safe around him. Pakiramdam ko, hindi ako kayang lapitan ni Xeno kapag katabi ko siya.

"I know you. Something's bothering you."

"Kanina pa lang nang makapasok tayo ng classroom, tulala ka na. May problema ba?" Malambot nitong pagkakatanong.

Naupo kami ni Vaughnn sa isa sa mga vacant na gazebo near school grounds. Nasa harapan ko siya nakaupo, nag-aalala ang mga tingin niya. Kahit 'yung kwek-kwek at iced tea niya, nakapatong lang din sa lamesa. Hindi niya man lang ginagalaw.

"Yurii, I'm deeply concerned."

"You don't look so good. Tell me . . is everything alright?"

That feeling of guilt grew even larger within me nang hawakan at haplusin ni Vaughnn ang mga kamay at pisngi ko. Hinawi niya pa ang buhok paalis nang mukha ko. I felt tears forming in my eyes as I stare back at him.

Bakit ganito? Bakit ba ako natatakot magsalita?

"I'm here naman always, hindi ba?"

"Tell me, what's bothering my princess? Bukas ang tenga ko sa lahat ng pagkakataon para pakinggan ka, hindi ba?"

I felt my tears fighting even harder, huwag lang tumulo mula sa mga mata ko tuluyan. Should I already tell him the truth? Why do I feel so bad? Hindi ko naman kasalanan lahat ng 'to in the first place, mali ba?

Umaasa [FIRST DRAFT]Where stories live. Discover now