Macho Dancer

35.1K 254 18
                                    

Mula sa isang dinner, hanggang pagpapamasahe na walang extra service, lagpas ala una na ng madaling araw mula Cubao, nagdesisyon kami ng balikbayan na kaibigan na pumunta ng gay bar sa Pasay.

Matagal ko ng naririnig ang pangalan ng gay bar na yun. Wala lang pagkakataon na makapunta. Pero dahil biglaan nga, nagawa ko rin itong mabisita.

Naroon ang pamilyar na itsura ng isang gay bar. May mga customer na grupo grupo. May solo. May mga babae at lalake na magkakaiba ang edad at pustura.

Naroon na din sa stage ang mga paisa isang lalake na todo pa impress sa pag giling at pagsayaw nila sa harap ng mga customers.

Mabilis na kumuha ng ka table ang balikbayan kong kaibigan.

Pamilyar sa akin ang mukha nung macho dancer. Pinaalala sa akin ng balikbayan na kaibigan, na na-feature na ito sa isang blog.

Naging abala na ang balik bayan kong kaibigan sa ka table niya. Ako naman ay naging abala sa panonood sa mga macho dancers na todo giling pa rin.

May mga lumalapit na nag show ng kanilang mga pribadong parte ng katawan para makahingi ng tip.

Wala ka naman maitatapon sa itsura at ganda ng mga katawan ng mga macho dancer. Yun ang puhunan nila.

Yung ka-table nga ng balikbayan kong kaibigan, nang sumayaw na ito sa stage, totoo naman na talagang nakaka pang laway ang itsura nito. Makinis pa.

Base sa pinag usapan nila, may anak ito. Pero hindi suportado dahil magkalayo sila.

Bago matapos ang dilim, may naka table ako.

Gwapo. 28 year old. Makinis din. Taga Davao daw siya. Bihira siya pumasok sa gay bar. May anak din siya.

Natanong niya kung ano ang ginagawa ko lugar na yun. Sinabi ko na nagkayayaan kami ng balikbayan na kaibigan. Saka, sinabi kong bakla ako.

Marami pa kaming napag usapan sa maikling panahon na magkasama at magkatabi kami.

Maluwag ang mahabang upuan, pero magkalapit kami. Nagkikiskisan ang mga tuhod at binti namin. Nariyan yung pasimpleng hawak sa tuhod ko. Simpleng pag akbay.

Nang sumayaw na siya sa stage, nakita ko ang kabuuhan ng katawan niya.

Masarap!

Pero dahil iwas sa gastos at wala sa budget yun, hindi ko ipipilit ang kagustuhan ng katawan ko sa mga oras na yun.

Muli siyang bumalik sa tabi ko.
Nang makuwento ko na galing kami ng kasama ko sa isang massage spa, sabi niya kung nagpapa extra service ako. Aminado naman ako.

Nag alok pa nga siya, kung gusto ko magpamasahe sa kanya. Tawa nalang ang sagot ko.

Pauwi na kami ng balikbayan kong kaibigan na mukhang nag enjoy. Ako din naman.

Bonus na yung pareho kong makadaupang pisnge ang dalawang macho dancer bago tuluyang lisanin ang lugar na yun na tirik na ang araw.

--end--

Please vote or add my story.
Please follow my account.
Salamat ka bromance.

Macho DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon