"Ano na girl? Magsisimula na yung game oh, wag mo sabihing on the water ka pa?" Naiinip ng sabi ni Kyrie mula sa kabilang linya.
"Bakla, eto na nga diba? Malapit na 'ko chill ka lng"
"Hoy chantel saan na ba yang malapit mo at kanina mo pa yan sinasabi" singit ni Isolde sa kabilang linya.
"Papasok na leche!"
"Okay! Dumiretso ka na lng dito sa--" naputol ang boses ni Kyrie kaya tinignan ko ang telepono, pero hindi pa naman namamatay ang tawag.
"Ano? Saan?" tanong ko rito. Pinasok ko ang bitbit kong payong sa bag nang makapasok sa loob ng basketball court.
"N-nasaan ka na ngayon?" tanong ni Kyrie na para bang may kung ano sa boses.
"Nasa loob na, te. Bilis asan na ba kayo?" Naiinip ko ng tanong sakanya. Kung kanina ako yung pinapamadali nila, sila naman ngayon ang parang nawalan na ng karapatan na magsalita. Jusko heaven!
"Alam mo umuwi ka na lng muna. Nagkamali kami, tapos na pala yung game" sagot nito sa 'kin. Nagtaka ako kaya naglakad ako papunta sa harapan para tignan kung tapos na nga ba talaga ang game. Pero nang tignan ko ang mga players ay nag wawarm up pa lng ang iba sakanila. Sinungaling talaga 'tong baklang to!
"Nasaan ka? Ako na ang pupunta sayo"
"Dito sa--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang namatay ang tawag.
Kunot noo kong dinial ulit ang number niya habang naglalakad. Paano niya 'ko pupuntahan kung hindi niya alam kung nasaan ako? Jusko sa lahat ng utak, Kyrie, bakit ganyang utak pa naibigay sayo!
Busy akong nag didial ng number ni Kyrie ng may bigla akong narinig na sumisigaw. Tumingala ako at tinignan ang grupo ng mga kababaihan na sinisigaw ang pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, sumasakit pa rin ang dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya.
"BRENT DAWNSOOOON!" halos mapaos na sigaw ng babae na nasa likuran ko dahilan para tumingin siya roon habang nakangiti. Ang saya ng mga ngiti niya, na para bang wala lng sakanya ang mga nangyari.
Na para bang hindi niya ako sinaktan.
Na para bang hindi niya ako iniwan.
Na para bang... hindi nila ako pinag-pustahan.
BINABASA MO ANG
The Bet that Altered Everything
RomanceSa isang nakakatakot na kwento ng pag-ibig at swerte, may apat na lalaki ang kilala sa isang unibersidad ngunit iisang lalaki lamang ang matapang na sumubok pahulugin ang isang babae. Ang isang pustahan na nag bago sa buong kwento.