“UHAAA! UHAAA!”
“Salamat, Diyos ko,” mahinang naisatinig ni Anna nang marinig niya ang malakas na pag-iyak ng kanilang anak ni Jax.
Halos walong oras ding nag-labor si Anna bago niya mailuwal ang kanilang anak ni Jax na siyang pumuno nang sunod-sunod na pag-iyak sa apat na sulok ng k’warto.
“It’s a girl,” wika ni Dr. Kith na may ngiti sa kanyang labi.
Nang marinig ni Anna ang sinabi ng doctor ay gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi habang nangingilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
“Baby ko…” mahina niyang sambit nang naluluha.
Maingat namang ipinatong ni Dr. Kith ang bata sa dibdib ni Anna para makita at mayakap nito ang anak
Patuloy sa pagluha si Anna nang sandaling iyon, hindi niya maunawaan ang sarili. Halo-halong emosyon ang bumalot sa kanya habang pinagmamasdan ang kanyang anak na tahimik na nakadapa sa kanyang dibdib. Tuwa na may kasamang kirot sa dibdib ang kanyang naramdaman. Nanirawa sa kanyang alaala ang mga masalimoot at masasakit na nakaraan na kanyang pinagdaanan ng mga panahong pinagbubuntis niya ang kanilang anak ni Jax.
“Thank you, baby at hindi ka bumitaw,” maluha-luha nitong saad saka maingat na hinaplos ang malambot na pisngi ng kanyang anak. “Tapos na ang paghihirap natin.” Matapos sabihin iyon ni Anna ay nakaramdam ito nang panghihina na mabilis na napansin ni Jax.
“Anna, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Jax.
Ibinaling ni Anna ang kanyang tingin kay Jax. “I—”
Hindi nagawang maituloy ni Anna ang kanyang sasabihin nang maramdaman niya ang unti-unting panlabo ng kanyang mga mata.
“Anna, what’s happening?” natatarantang tanong ni Jax nang mas mapansin nito ang panlalata ng dalaga.
Gusto ni Anna magsalita nang sandaling iyon ngunit wala siyang sapat na lakas para gawin iyon.
“Anna! Anna!”
Rinig ng dalaga ang paulit-ulit na pagtawag ni Jax sa kanyang pangalan.
Jax…
Gusto sambitin ni Anna ang pangalan ng binata. Gusto niyang pawiin ang pag-aalalang gumuhit sa mukha nang sandaling iyon ngunit hindi niya magawa.
Jax…
Mas lalong nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan ng pumikit ang kanyang mga mata. Ang tinig ng binata at mga taong naroon na tila nagkakagulo ay unti-unting naglaho sa kanyang pandinig hanggang sa tuluyan na wala na itong narinig.
“Doc! Anong nangyayari sa kanya?” sigaw na tanong ni Jax na labis naguguluhan at walang alam sa kung anong nangyayari kay Anna.
“Lena, take care of the baby,” saad ni Dr. Kith kay Lena na mabilis na inabot dito ang sanggol nina Jax at Anna.
“Kith, anong nangyayari?” nag-aalala at naguguluhang tanong ni Lena na maingat tinanggap ang sanggol sa kanyang mga bisig.
“Lena, let me handle this. All of you please step outside,” marahan ngunit may diing saad ni Dr. Kith.
“What do you mean, doc? Is there something wrong with my wife?” naguguluhan, natataranta at natatakot na tanong ni Jax. Halo-halong emosyon ang lumalamon sa kanya nang sandaling iyon lalo na sa kakaibang tono ng pananalita nito.
Ibinaling ni Dr. Kith ang kanyang tingin kay Lena. “Lena…”
Hindi na nagawang umangal ni Lena nang sandaling iyon lalo na’t nakita niya ang seryosong mukha ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)
Romance(This story contains an obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Anna Quinn is an adventurer who loves to travel to new places not only for the sake of adventure, but also to gather information for her novel. Her passion for literat...