Kabanata 13
Kali was all dressed up when she walked down the stairs, all eyes were on her as she removed her sunglasses. Dire-diretso siyang naglakad palabas habang nakasunod sa kanyang ama at sa mga kasamahan nito patungo sa kotse.
Napag-desisyunan niya na isama ang sarili sa lakad ng mga ito kaysa naman magmukmok sa bahay na para bang isang prinsesa at naghihintay na mamamatay habang hinihintay naman ang kanyang prinsipe. She's not a princess but an evil witch. At isa pa hindi niya hahayaan na magsaya ang mag-iina habang siya ay nasa bahay lang mas makakampante siya kapag naroon siya sa lakad ng mga ito para sirain ang araw nila.
"Oh, why did you stop?" inosenteng tanong niya nang mapansin na natigil ang lahat sa paglalakad nang mapansin siya ng kanyang ama. Nakakunot ang noo nito at nag-isang linya ang kilay habang pinasadahan siya ng tingin ganun rin ang ginawa ng Tita Roselle niya ngunit pinili nalang na tumahimik.
She was wearing a dress, maiksi lang at sa likod nito ay kitang kita naman ang buong likuran niya. She flipped her hair in annoyance. She hates how they look at her na para bang hindi tama ang suot niya. What would they be expecting her to wear? A pajama? A jacket and a long skirt?
"What? Are we not leaving?" maarte at iritado niyang muling tanong sa mga ito.
"You can't come with us." Simple at iritadong sagot sa kanya ni Ran habang pinaglalaruan nito ang susi sa daliri.
"I'm not talking to you, idiot."
"Ano na naman ang plano mo?"
"Dad, plano? What are you talking about? Gusto ko lang sumama, that's it. Masama ba?"
"With those clothes on? You can't come with us, and besides, it's too dangerous. Naaalala mo naman siguro hindi ba ang nangyari nung lumabas ka—I mean nung tumakas ka."
"Excuse, Mr. Aronzado wala ka nang pakialam kung ano man ang suotin ko at isa pa, what do you mean that I can't come? A child can come but a woman in her twenties cannot?" hindi makapaniwala niyang sambit at binalingan ang inosenteng si Lily.
Bumuntong hininga ang kanyang ama na para bang sumusuko na sa katigasan ng kanyang ulo.
"You two, stop bickering. Hayaan nalang natin siyang sumama,iho. Ayokong malate nang dahil lang sa simpleng bagay na ito." Her Dad pointed his finger in her direction. "You will behave, Ran will be your bodyguard for the day."
"What?! No!"
"You heard me. Let's go."
"Argh.."
Yakap yakap ni Kali ang sarili habang tinatahak nila ang matarik na daan papunta sa Barangay Malaga. Ayon sa nalaman ni Kali ay nasunugan ang mga ito nitong nakaraang mga araw at plano naman ng pamilya niya na magbigay ng tulong sa mga ito. Hindi niya mapigilang mainis, talagang kinuha pa talaga ang pagkakataong ito para mangampanya hindi na naawa sa mga tao. Sabagay, ganun naman talaga lahat ng mga politiko kanya kanyang pagpapabango ng pangalan nasa tao nalang kung maniniwala ba sila sa ipinapakita at ipinapangako nito.
Hindi na siya nakisali sa pagpupulong na naganap bagkus ay nilibot niya ang buong lugar. Umagaw agad sa kanyang pansin ang mga sira-sirang mga bahay at madumi nitong kapaligiran. Napangiwi siya nang makita ang isang aso na punong puno ng kuto at payat na payat. Nakakadiri, lalong lalo na iyong sapa sa gilid na ang baho baho kaya naman ay nagsuot na siya ng face mask. At nang hindi na niya nakayanan ay bumalik siya sa lumang gym ng Barangay saka naman reklamo nang reklamo kay Melissa.
"Could you please get me some rubbing alcohol? My skin is feeling itchy. Tinadtad na ako ng kagat ng mga lamok!" himutok niya at akmang uupo na sana sa isang monoblock chair nang mapansin niya ang dumi dumi nito at may alikabok pa.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomansaMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...