After I graduated in senior high sa international school and became a freshmen sa Shang Kai Chek College, I took a course of business administration. Lolo gave me a position for branch manager to his company. For me it's a big responsibility even though I'm still studying, mahirap kayang pagsabayin ang work at pag-aaral pero my lolo had his support. Second year na sa first semester si Gaille nang siya'y mabuntis. Nabuntis ito ng boyfriend niyang kaklase and at that time galit na galit si lolo, pinalayas siya sa kanilang bahay, walang nagawa si Kurt or should I say he doesn't care. Naglayas nga si Gaille sa kanilang bahay at sumama sa boyfriend niya, naglive-in sila then tumigil sa pag-aaral.
Ngayon 3 months old na ang baby nila ng live-in partner niya, tamang-tama at malapit na rin akong magsecond year, sayang talaga ang pinsan ko pero wala na eh andyan na. When I was in my office biglang tumawag ang isang office staff ko, pagpindot ko sa touch screen pad ay natigilan ako sa aking ginagawa, si Gaille na pinsan ko ay pumunta mag-isa sa building kasama ang 3 months old niyang anak.
"Patuluyin mo sila," sagot ko sa kabilang linya.
Napa-isip ako kung bakit naman pupunta ang pinsan ko sa opisina at time of my busy hours. Pagpasok niya karga ng isang baby carrier ang napakacute niyang lalaking anak. Agad ko siyang pina-upo sa harap ng aking desk,
"Oh Gaille naparito ka sa office ko may problema ba? Baka makita ka ni lolo..." Paunlak ko sa kanya.
"Wala lang gusto ko lang dumalaw, ano naman ang masama kung makita ako ni lolo wala naman akong pakialam sa kanya," sambit niya.
"Kamusta kayo ng boyfriend mo, saan ka na pala ngayon nakatira?"
"Doon sa lumang apartment ni Kurt, hindi alam ni lolo na doon kami nakatira ng tatay ni Justin," sagot niya.
Justin ang pangalan ng 3 months old baby boy. Ericson naman ang pangalan ng live-in partner niya. Napakisig ng babg niya kaya sinubukan kong kargahin siya, ang lambot ng katawan pag baby pa.
"Ang cute naman ni baby Ericson... ay hala tumatawa siya oh..." Maingat kong itinangan sa bisig si baby boy, ang cute talaga niya.
Tuwang-tuwa si Gaille at ako naman ay gigil na gigil sa super cute ni baby. Ibinalik ko sa pinsan ko si babay Justin. Ang harot niya, ang sayang tingnan. Saglit lamang kaming nag-usap ng pinsan ko pero sa huling tanong ko bago siya umalis,
"Paano niyo natutustusan panggatas ni baby?"
"Nakahanap si Ericson ng trabaho sa fast food chain, magwoworking student siya ayaw niyang huminto sa pag-aaral, freeze lahat ni lolo ang bank accounts ko. Buti na lang may na withdraw akong pera tsaka may naitabi naman akong pera." Malungkot niyang pagkakasabi.
"Sayang dalawang taon na lang sa college makakagraduate ka na..."
Kinuha ko ang cheque slip ko sa lamesa at sinulat ang small amount ng pera, inabot ko sa kanya pero hindi iyon tinanggap ni Gaille.
"Naku hindi ko matatanggap 'yan..." Aniya na ibinalik sa akin ang tseke.
"Sige na kunin mo na, para sa cute na baby na 'yan..." Sabay pisil sa ilong ni baby Justin, nakakagigil talaga ang ngiti niya.
"Salamat pinsan ha... hayaan mo kapag nakahanap ako ng trabaho tsaka pag malaki na si baby babayaran kita..."
"Naku hindi na kailangan, para talaga kay baby 'to ibili mo ng mga personal needs ni Justin," ani ko na ibinigay ulit ang tseke sa kanya.
Kahit papaano ay tinanggap ni Gaille ang tseke, nahihiya talaga siyang kuhanin iyon. Hanggang sa nagpaalam na sila ni baby, "Ba-bye na kay tito Dominic... ba-bye..." sabay inangat ni Gaille ang kanang kamay ni Justin para kumaway.
BINABASA MO ANG
Fly High Dominic
ParanormalThis is the story about the life of a wealthy bachelor, on his past haunted him by the young boy who is the second brother. He had a complicated family life, ang ghost ng kanyang yumaong kapatid ay kasa-kasama niya until he came an adult and achieve...