BIGLA akong na-excite nang malaman na pinakinggan ni Sir U ang suggestion ko. It's layk giving wifey and hubby vibes. Ehe~
5:15 nag-start ang party. May baby pink na wingback chair silang nilagay sa stage para do'n umupo si Tita Leah.
Kakatapos lang ng prayer nang dumating si Tito Gab. Naka-suot siya ng baby pink suit and tie.
Natatawa ako sa isip ko. Feeling ko mismatched ang suot at personality ni Tito Gab. Ang seryoso niyang tao pero very girlypop coded ng suot niya ngayon.
Sinimulan nila ang party sa Hep Hep Hooray game. Siyempre hindi nagpatalo ang frenny kong si Brent at nagprisinta na maging isa sa mga contestants.
Tawang-tawa kami sa pagiging competitive ng mga players. Lahat matindi ang concentration para 'di malito. Ngayon ko lang ulit nakita si Brent na seryoso ang pagmumukha.
Isa-isa na silang natatanggal. No'ng tatlo na lang ang matirang contestant, pinalitan na nila ng Hooray Hep Hep. Mas lalong sumeryoso ang awrahan ni Brent. Ayaw talagang magpatalo.
Dalawa na lang silang natira. Si frenny Brent at 'yong middle aged man na business partner din siguro ni Tito Gab. Parehas silang game face on.
"HOORAY!" sigaw no'ng isa.
"HEP HEP!" sigaw ni Brent.
"HOORAY!" palakas na sigaw no'ng isa.
Nag-loading si Brent kaya natawa kaming lahat. Sa sobrang seryoso niya sa game, nawala na siya sa wisyo.
Obvious na 'yong middle aged man ang nanalo. Naka-pout na bumaba ng stage si Brent.
"Iyak ka na niyan?" tanong ko pagkaupo niya.
"Hindi ah! Marami pang games. Lahat sasalihan ko. Sayang 'yong cash prize."
Sunod na game ang walang kamatayang Bring Me. Buwis buhay na namang sumali si Brent. Matindi yata pangangailangan neto.
Habang aliw at busy ang lahat sa paglalaro, pansin kong may sini-set up silang piano sa gilid. 'Eto na kaya ang hinandang performance ni Sir U?
Hanggang tenga ang ngiti ni Brent nang bumalik sa upuan niya.
"Ano, boundary na ba?" pang-aasar ko.
"1K?" Pinakita niya sa'kin ang dalawang yellow bills. "Not bad."
Nabaling ulit ang atensyon namin sa stage nang tawagin ng host si Sir U. May spotlight na nilagay sa pwesto niya. Tama nga ako ng hinala, magpi-play ng piano si Sir U.
"Good evening everybody," sabi niya habang nakaupo na sa piano. Nagsalita pa lang siya pero kinikilig na buong pagkatao ko. Pa'no ba naman, ang gwapo niya sa suot na baby pink suit. May nakalagay ding baby pink rose sa may bulsa ng suit niya.
"I am grateful that you're all here to celebrate my mom's birthday. And Ma," tumingin siya kay Tita Leah na kanina pa nakaupo sa trono niya sa stage. "I hope you'll like my performance tonight."
Pumalakpak lahat. "Ngayon ko lang makikita si Uriel na kumanta," bulong sa'kin ni ate Marian.
"Same here," excited na sabi ko.
Nagsimula na si Sir U na tumipa ng mga keys sa piano. Intro ng Out of My League ni Stephen Speaks ang tinutugtog niya.
🎶It's her hair and her eyes today
That just simply take me away🎶Nanginginig pa 'yong boses ni Sir U. Kinakabahan pa siguro. In fairness, nasa tono at malamig ang boses niya.
Tiningnan ko ang reaction ni Tito Gab. Hindi man siya nakangiti pero ang aliwalas ng mukha niya. Siguro deep inside proud siya kay Sir U.
BINABASA MO ANG
Ang Pangarap Kong Love Life
RomanceWhat if... ...isang araw pag-uwi mo, nalaman mo na iniwan ka na ng boyfriend mo para sa ibang babae? Ang masama pa, tinangay nilang lahat ang naipundar niyo! ...nalaman mo ang deepest darkest secret ng anak ng boss mo? ...'etong anak ng boss mo na...