18

521 21 0
                                        

18: Hang out

Nauna akong nagising sa kanya at naabutan ko pang nagpaalam si Max na aalis na siya. Pumikit ako ng mariin at ginulo ang buhok ko. We kissed. Yes we did! I still feel her lips on mine. I faced her and she's sleeping soundly.

We kissed and what now?

Parang hindi ko yatang kayang harapin siya ngayon. Hinintay ko lang naman siya kagabi tapos nangyari nalang ang halik na 'yon. Lasing siya nong umuwi paano kung nakalimutan na niya? Dahan-dahan akong bumaba at hinanda na ang mga gamit ko.

Mamayang tanghali pa naman ang pasok ko pero gusto ko ng umalis. Nang matapos ako ay agad akong pumasok ng banyo. I took off my clothes and wrapped myself with a towel. I was ready to take a shower when I forgot to lock the doors.

Bago ko pa ma-lock ay may bumakas bigla ng pinto. Napatili pa ako dahil sa gulat.

"Casey?"

Gising na siya? Napayakap tuloy ako sa sarili ko ng mahigpit.

"Can I get inside?"

"Ha? Bakit?"

"Please?"

I gulped. What is she going to do inside? No! HIndi pwede! Oo crush ko siya pero hindi 'to pwede.

"Ah ano–maliligo kasi ako," sagot ko.

"Just a second," sabi niya.

"Naiihi ka ba? Kasi lalabas lang muna ako, sandali lang," sabi ko.

"I'm not."

Napabuntong hininga ako. "Oh sige, pumasok ka na," sabi ko. Pumasok siya at agad niyang hinawi ang buhok ko na nakaharang sa balikat ko.

"Anong hahanapin mo?" tanong ko.

I saw her grinned and nodded.

"Don't tell anyone about that love bite."

I halted at what she said. Love bite? Anong love bite?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Hindi ko nga mgakita sa mukha niya kung naalala ba niya ang ginawa namin kagabi? She's just smiling.

She bent down and whispered to my ears.

"It will be just our secret."

I was about to answer her when she quickly went outside. Napabuntong hininga ako at napatingin sa salamin. Nakita kong may pasa ako sa leeg ko! Ito bang sinasabi niya? OMG! Paano ko 'to tatanggalin?

Hindi naman siguro 'to mahahalata kung hindi ko lang tataliin ang buhok ko.

Huminga ako ng malalim. Hindi ba ako nag-iisip?

Why would a straight woman kiss me? How did my crush get an interest to kiss me?

Kung...straight nga ba siya. Pakiramdam ko tuloy ang ganda ko! Umiling-iling ako at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at sinadyang hindi itali ang buhok ko para matakpan ang markang nasa leeg ko.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatakot.

Kinikilig dahil kay Casey, natatakot rin dahil baka pinaglalaruan ako ni Casey.

Anong tawag sa amin kung naghalikan na kami?

"Are you...going to school already?" tanong niya habang nagsusuklay ako. Nagmamadali nga ako eh dahil kinakabahan at nahihiya ako sa kanya.

"Ah oo! May gagawin pa kasi kami ng mga kaibigan ko."

"Okay."

"May problema ba?" tanong ko sa kanya dahil kanina pa siya nakatitig sa akin. Umiling naman siya bilang sagot. She has nothing to worry about because I don't kiss and tell.

"Okay, alis na ako," sagot ko.

"Wait...Sarah."

"Hmm?"

Natigilan ako sandali. Palabas na sana ako dahil gusto ko na ngang umalis.

"I would like to ask you...if you want to hang out with me later?"

Natigilan ako sandali. Niyaya niya ako? Si Casey pa ba 'tong kausap ko? 'Yong crush ko na todo papansin kami ng mga kaibigan ko. 'Yong crush ko na halos hindi ko nga makausap at para lang akong hangin na dumadaan sa kanya?

"Ak–ako?"

"Yeah. Dalawa lang naman tayo dito. Let's meet at 7 pm at the school's parking area."

Teka.

"Ah..sige," sagot ko at agad na akong lumabas.

Pagkalabas ko ay agad akong napasapo sa dibdib ko at pinilit na pakalmahin ang sarili ko. Grabe na 'tong nararamdaman ko hindi ko na kaya.

Captured by the beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon