“Ang Antukin Na Si Roberto”
Noong unang panahon, may isang binata na kung ito'y tawaging antukin, siya'y nagbibigay galit sa kanyang ama, maliban na lamang sa kanyang maalaga't mapagmahal na ina. Sapagkat siya lamang ang nag-iisang anak ng dalawang mag-asawa sa bukid.
Zzzz… Zzzz… Zzzz
Tunog ng kanyang bibig habang ang kanyang kaisipan ay nasa loob ng kanyang panaginip.
“Roberto, ika'y bumangon na ryan sa kinahihigaan mo't pumunta na rito sa silid-kainan” Tawag ng kanyang maganda at maalagang ina, na siyang nagpapakahirap para lamang mapakain ang isang tulad nyang walang ginawa kundi matulog lamang.
“Nandyan na ho, inay” sagot nyang hindi matatag sapagkat siya'y inaantok pa.
“Hay nako, Roberto. Ano'ng oras na oh, alas singko na ng gabi. At Wala ka man lang ginawa kundi matulog, maliwanag sa dilim mga mata mo ay nakapatay. Ganyan ka na ba katamad at hindi mo maigalaw mga katawan mong walang gana? Umayos ka, Roberto” biglang sabi ng kanyang ama nang siya'y naka-upo na.
“Ano ba iyang pinagsasabi mo kay Roberto, ano ba ang masama sa kanyang ginagawa?” sagot naman ng kanyang ina.
“Kaya hindi iyan nagbabago eh, kung anu-ano mga pinagsasabi mo sakanya”
Masakit na sabi ng kanyang ama, habang ito'y kumakain.
Dahil sa mga narinig ni Roberto, siya'y biglang lumabas ng bahay nang nagmamadali at walang paalam.
“Roberto, saan ka pupunta? ” tanong ng kanyang ina nang makita nyang palabas na ito. Ngunit hindi ito pinansin ni Roberto sapagkat hindi maiwasan ng kanyang puso na masaktan.
Hindi na siya pinansin ng kanyang galit na ama, nagpatuloy na lang itong kumain.
“Oy, Roberto! Ngayon ka lang ba nagising ulit? Halika may usapan kami dito” Sabi naman ng kanyang kaibigang lalaki sa daan, habang sila'y nag-uusap usap.
“Oy, Pedro ikaw pala yan…Oo eh” Sagot naman ni Roberto sabay kalmot sa kanyang ulo.
“Alam n'yo ba? May mga kwento saakin si lola nitong nakaraang araw” sabi ng isa sa mga kaibigan nyang nakatambay sa daan.
Pedro: “Ano ba iyon, Onawi, i-kwento mo na din sa amin”
Onawi: “ Ang sabi sa akin ni Lola, may mga engkanto at kapreng pumapaligid sa gubat kapag hating gabi”
Bago pa magsalita si Onawi, bigla na lang
Nakaramdam ng gutom si Roberto, at naisipan nyang maghanap na lamang ng prutas sa likod ng bayan. Hindi na siyang nagtangkang umuwi, sapagkat siya'y natatakot na baka sa kaling marinig na naman ang masasakit na salita galing sa kanyang ama.
Dali-dali siyang nagpunta sa lawa, kung saan may maraming saging na maaari nyang kainin para magkaroon na ng lakas ang kanyang katawan, hindi pa naman ito madilim kaya't nakikita pa nya kung alin ba ang hinog at makakain.
Habang siya'y naka-upo sa ibaba ng punong saging at kumakain, bigla nyang naisipang matulog na muna.
‘Inaantok na ako, matutulog na lang ako ng mabilis’ bulong nito sa kanyang isipan.
Hindi na ito nagising hanggang sa dumilim na ang paligid. Alas dose na ng gabi, siya'y natutulog pa din ng mahimbing.
nang siya'y nakahiga at matutulog pa lamang sa madamo at madilim na paligid nang biglang marinig ng kanyang dalawang pandinig ang marikit at mahalimuyak na tinig ng isang babae, ito'y maningning at dakila, sapagkat ang bawat tono nito'y nagbibigay liwanag sa madilim at patlang na katanungan sa iyong kaisipan nang sino mang tao ang maka rinig nito.
‘Hmm… sino kaya itong umaawit na may magandang tinig, anong oras na ba? ’tanong nito sa kanyang sarili
Labis na nakakahumaling, nagbibigay liwanag sa kanyang dalawang pandinig. Ito ang naging sanhi ng kanyang pagbukas sa kanyang dalawang mata.
Nang kanyang buksan mga mata nyang inaantok pa, bigla nyang namasid ang magandang diwata sa lawa, makinis ang balat at may magandang tinig. Siya'y kumakanta habang naka-upo sa ibabaw ng isang malaking bato at minamasdan ang ganda ng kalikasan. Ito'y may maputi at manipis na damit na para bang isang anghel.
Ang lawa ay kumikinang, nagbibigay liwanag sa lahat, habang ang mga isda ay tumatalon sa tubig at ang liwanag ng bituin kasama ang inang bituin ng madilim na langit, na siyang nagbibigay liwanag sa lawa.
Siya'y bigla na lang napaibig sa magandang diwata ng lawa, habang siya'y nagmamasid at nakasilip sa matataas na damo.
“Sino ka?! Ano'ng ginagawa mo dito? ”tanong ng isang babae nang bigla nya itong ginulat si Roberto. Puti ang kanyang damit at may maitim itong buhok
Bago pa nya ito mapansin, mga balahibo nya ay tumayo at bigla na lang nakaramdam ng lamig.
Hindi na siya nagdalawang isip na tumakbo na lang at Hindi sinagot ang katanungan ng isang babae.
“Ahh!!! Tulong!!! May multo! ”
Sigaw nyang malakas habang binibigkas ang salitang maputing babae.
“Alena, ano'ng ginagawa mo ryan?! Sino iyon, bakit parang may narinig akong sumigaw?” Biglang tanong ng magandang diwata sa lawa.
“Wala iyon, Liwanag may isang taong nakamasid habang ika'y umaawit” Sagot ni Alena kay Liwanag
Dali-dali nang umuwi si Roberto, kahit ito'y madilim na. Ang lawa lamang ang may iisang liwanag, habang ang daan ay madilim at makulimlim. Ngunit sa sobrang takot nito, kahit ito'y madilim na, tumatakbo siya ng mabilis hanggang sa hindi nya namalayang napunta na siya sa kagubatan.
Ito'y napakadilim at tahimik. Subalit ang mga ibon at insekto sa kapaligiran ay siyang pumutol sa katahimikan nito. Mga sigaw ng mga hindi gaanong naririnig sa kapaligiran ay siyang naririnig nito. Lubos ang kaba nya, puso nyang hindi mapigilan sa pagtibok.
Nanginginig na siya sa takot habang ang kanyang nga kamay ay nakapatong sa kanyang katawan. Ngunit sa kasamaang palad, siya'y naligaw na lamang.
Ilang oras na ang lumipas at ang araw ay malapit nang lumabas at magbigay liwanag sa kapaligiran, pagod na pagod na ang kanyang dalawang paa upang hanapin ang kanilang bahay. Hindi nagtagal ay siya ring namasid ang kanilang lugar at luha ay biglang nahulog nagmumula sa kanyang mga mata. Siya'y sabik nang makita ang kanyang pamilya at nagsisi na gawin ulit ang mga bagay na hindi magandang gawain…
Simula noon, si Roberto ay nagbago. Natutulog na siya at gumigising sa tamang oras. Subalit hindi alam ng kanyang pamilya ang nangyari kung bakit ba nagbago si Roberto.
Dyan nagtatapos ang kwento ng ANTUKIN NA SI ROBERTO
YOU ARE READING
Ang Antukin Na Si Roberto
Short StoryIto'y pawang kathang-isip lamang. si Roberto, ang antuking bata na napadpad sa gupat matapos malaman ang kinakatakutan ng mga tao sa lawa