Chapter 30: Double Date

314 11 8
                                    

Dedicated to sugarbabyloveMD
Salamat sa walang sawang pag-vote at comment sa story ko. Labyu! ❤️

PAGKATAPOS naming individually na mag-shower, kanya-kanya na kaming higa ni Sir U sa pwesto namin sa kama. Nakapikit na 'ko nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Jackie, are you still awake?"

"Hm?" sagot ko nang hindi nag-iiba ng pwesto.

"I forgot to give you something."

Umupo ako sa kama at humarap sa kanya. "Ano 'yon?"

May kinuha siya sa drawer ng bedside table niya. Box na kasinlaki ng palad ko.

"I really appreciate your suggestion on what gift I should give my mom. She looks so happy earlier."

"'Nu ka ba, Sir U! You're always welcome. If you need me, just call my name and I'll be there."

Ngumiti siya at binuksan ang box. Iba't-ibang klase ng hikaw ang bumungad sa'kin. May pearl, stud, at dalawang klase ng dangling earrings.

"I hope you like these."

"Thank you, Sir U! Nag-abala ka pa talaga." Kinuha ko 'yong box at triny agad ang stud earrings. "Maganda ba?"

Tumango siya. Tinitigan ko ng mabuti 'yong ibang pairs ng hikaw na nasa set. Nakakatuwa naman! Hindi lang pala acts of service ang love language ni Sir U. Pati na rin giving gifts.

"Salamat talaga, Sir U." Lumapit ako sa kanya ng konti at kiniss siya sa cheeks.

Napatulala siya habang nakahawak sa pisngi niya na hinalikan ko. Tiningnan ko kung namumula ang tenga niya - positive.

"I think we should sleep na," sabi niya sabay higa. Aba, ang loko tinalikuran ang beauty ko!

Pinatong ko sa maliit na table sa side ko ang regalo niya.

"Sir U," tawag ko sa kanya. Hindi siya kumibo. "Alam kong gising ka pa. May itatanong lang ako."

"What is it?" Sagot niya na hindi pa rin humaharap sa'kin.

"Dapat sagutin mo 'to ng totoo ha. Harap ka sa'kin, Sir U." Inabot ko ang braso niya at giniya kong humarap sa'kin. Hindi naman siya nagmatigas.

"What's your question?" Tanong niya habang nakayakap sa extra niyang unan.

"Mag-promise ka muna sa'kin na sasagutin mo 'to ng totoo."

"Okay, I promise."

"Pasensiya na kung itatanong ko 'to ha pero naku-curious talaga ako eh." Umupo ako ng maayos. "Virgin ka pa ba, Sir U?"

Hindi siya nakasagot agad. "Y'know what? I think we really need to sleep now." For the second time, tinalikuran na naman niya ako.

"Uy, Sir! Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko. Nangako ka, sabi mo sasagutin mo nang honest!"

Hindi pa rin siya kumikibo. Dahan-dahan akong lumapit at nag-attempt na kilitiin siya sa tagiliran. Wala. No reaction. Sinubukan ko sa talampakan. Wala rin. Sa kili-kili, waley din.

"I don't have kiliti on those parts."

Hindi pa rin ako sumusuko. Kiniliti ko siya sa tiyan. Wala rin. Sa dibdib, wala!

Sinubukan ko sa leeg. Boom! Nag-react.

"Akala mo ha? Ano nang sagot mo sa tanong ko?"

"Why do you need to know?" Nahihirapan niyang sabi kasi kinikiliti ko ang leeg niya.

"May gusto lang akong i-confirm!"

Umupo na rin siya kaya natigil ako sa pagkiliti ng leeg niya. "Yeah, I never did the deed."

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon