Summer In Disguise

5 1 0
                                    

It's Summer again pinaka favorite kong season. Naka silip ako sa bintana namin sa may sala habang nagkakape.

Hi, My name is Annika Winterson pero "Anni"tawag nila saakin.

I am a Senior High School and honor student in Westfield University. I am also the classroom Vice President.

Since mahirap lang kami need ko mag working student. Papasukan ko kahit ano trabaho pa yan basta marangal. Kailangan ko ng pera para sa college at makatulong sa tita ko. Wala na akong Parents yan ang pagkakaalam ko. Di naman issue yun since si tita Mira na tumayong magulong ko simula bata pa ako.

"Anniiiiiiiiiii" Sigaw mula sa likod ko.

"Hulaan mo kung sino to" sabi niya sabay takip sa aking mga mata.

"Sus, naman Sheina sigaw mo pa lang alam ko na kung sino ka" Sabi ko sabay alis ng mga kamay niya sa mata ko tska ako humarap.

"Hehe Ito naman di mabiro"

Siya si Sheina ang aking bff since elementary magkakilala at magkaibigan na kami.
Super bait niyan at maasahan kaso sobrang ingay nga lang.

"Anni, may good news ako sayo diba kailangan mo ng extra Part time? "

"Oo, Bakit may maganda ka ba nahanap? " Tanong ko sa kanya sabay straight up nung kapeng iniinom ko.

"Nako!  Hindi lang basta maganda pang susyalin at mataas ang bayad" saad nito na may malaking ngiti sa kanyang labi.

"Ano ba yun? At magkano naman?" Habang naglalakad pa puntang kusina.

"Edi Model " sabay posing pa nito na parang ewan

"Hindi makakapunta yung model kasi may sakit naghahanap sila ng kapalit, kasi hindi na icancel yung shoot."
Pa tuloy pa din itong pose ng pose ng kung anu-ano

"Ay, model bakit ako? Matangkad lang ako pero di naman pang model ang itsura ko" saad ko sabay taas ng kilay

"Anni naman yan ang ayaw ko sayo dinadown mo ang sarili mo, ang ganda ganda mo kaya. Matangkad ka super! plus points pa yung natural mong kilay at mahabang eyelashes

Napa kamot na lang ako ng ulo ko

"Pati straight hair mo natural din walang chemical" sabay haplos nito saakin buhok

"Dami mo naman sinasabi wag mo akong bolahin!"

"Kainis ka Bff" sabay hampas niya sa braso ko

"Sige na kasi sure ball malaki pa sahod nila tska once lang naman yun" pa ngungumbinsi nito

"Magkano TF? "

"15K lang naman" saad nito sabay ngiti ng malaki

Ako'y nasamid kahit walang iniinom

"15 Thousand?  Yung 15 at may tatlong zero??! " gulat na tanong ko

"Oo, kasi ang imomodel mo ay isa sa sikat na perfume, kaya sure na mahal ang bayad." May nilabas siya na magazine sa bag niya

"Hala! Sheina, Sunset in Paris yan ah"

Sunset in Paris ay isa sa pinaka sikat na brand sa buong Asia. Napaka luxury ng brand na iyon.

"So ano Anni deal na ah bukas na yan. 9am ang start so dapat maaga ka bago mag start"

"Ok Deal magreready ako"

Sure grab na talaga kasi malaki ang sahod tska gusto ko ang brand na yun. Kahit ayaw ko humarap sa camera at di naman tagala ako nag momodel. Mahirap talaga pag pinanganak kang mahirap kailangan ng pera.

Summer In DisguiseWhere stories live. Discover now