Chapter 1

2.1K 25 1
                                    

Violet’s Pov

NAGISING ako ng 6PM para pumasok ng trabaho. Kung sa iba ay sa umaga sila pumapasok ng trabaho, ako naman ay sa gabi pumapasok. Hindi call center pero isang waitress sa isang bar dito sa probinsya kung saan ako naninirahan mag isa.

Ang totoo niyang ay taga Manila talaga ako ngunit nag bukas ng bar ang boss ko sa probinsya ng Bicol at isa ako sa napili niya na ilipat dito. Wala naman akong magawa dahil gusto ko ang trabaho ko na waitress. Dito kasi talaga ako nag tagal kahit pa nga lagi akong puyat nong una. Pero nasanay naman na ako at masaya ako habang nag tra-trabaho. 

Saktuhan lang naman ang sahod ko pero sa tip ako bumabawi. Sa bar na pinapasukan ko ay uso ang magpa renta ng katawan. Yung iba kong mga kasama na waitress ay yun ang ginagawa pero depende parin naman samin kung gusto namin gawin ang bagay na yun. 

Ang iba ay nagbebenta ng katawan habang ako naman ay hindi. Ayaw ko talaga sa mga bagay na ganun kahit nga minsan ay napagkakamalan ako na bayaran na babae. Kahit nga hawakan ako ay nandidiri na ako paano pa kaya kung halikan at pumatong sa ibabaw ko. Baka tadyakan ko pa mukha ng lalaking mag tatangka sa 'kin.

Wala naman akong paki sa mga iniisip ng ibang tao. Pagod akong e-explain ang buhay ko kaya kung anong alam nila tungkol sa ‘kin o iniisip nila sa ‘kin ay yun na yun. Kahit masama yun ay wala akong pakialam. Ang mahalaga ay kumikita ako ng pera at may ipon ako. Wala akong paki sa ibang tao na puro satsat lang naman pero wala namang makain. 

Isang taon na din ako dito sa Bicol at nasanay na din ako na dito ako nakatira. Wala naman akong pamilya dahil lumaki ako sa bahay ampunan. Iniwan lang kasi ako ng nanay ko sa lansangan kaya naging palaboy ako bago ako napunta sa bahay ampunan.  Matagal din ako naging palaboy sa kalsada at nakaka survive lang ako sa napupulot kong pagkain sa basurahan. 

May nakakita lang sa 'kin na taga bahay ampunan kaya dinala ako na agad ko naman ikinapayag dahil pagod na pagod na din ako maging palaboy. Wala din kasi akong matulugan at pinapapaalis ng mga batang matatapang sa kalsada kapag humiga ako ay sasabihin nila na territoryo daw nila.

Hindi naman ako makapalag lalo na’t bata pa lang ako at bagong salta lang ako sa kalsada. Naiinis ako sa nanay ko dahil sa ginawa niya. Ginawa lang niya akong pusa na iniligaw nalang sa ibang lugar para hindi makauwi sa bahay. 

Nag tagal ako sa bahay ampunan ng tatlong buwan hanggang sa may umampon sa ‘kin na mag-asawa na walang anak kaya ako nakalabas sa ampunan. Ngunit hindi pa lang ako nagtatagal sa bahay na yun ay lagi kong naririnig na nag aaway ang mag asawa. Minsan naman ay nasasaktan ako ng lalaki kapag nalasing siya kaya napag pasyahan ko na tumakas sakanila. Mas gusto ko pa kasing mamuhay mag isa sa lansangan kaysa naman ampunin ako pero lagi naman nag aaway at nagmumurahan. Ayaw ko kasi ng ganun, ayaw ko ng maingay at lalong lalo na ang sinasaktan ako.

Kaya balik palaboy ako sa kalsada hanggang sa nag nine years old ako. Sinubukan kong pumasok sa mga maliliit na tindahan para maglinis. Kahit 10 pesos lang ang suhol sa ‘kin ay ayos lang basta may pangbili ako ng tinapay. Hanggang nga sa lumaki ako ay natuto akong mag banat ng buto para sa sarili ko. Wala naman kasi akong aasahan kundi ang sarili ko. 

Hanggang sa may nakilala ako na mag asawa sa simbahan. Wala din silang anak kaya inalok nila ako mag aral dahil naawa sila sa 'kin. Laking tuwa ko no’n dahil makakapag aral na ako. Ngunit hanggang high school lang ang tinapos ko dahil sa biglaang pagkamatay ng mag asawa. Na aksidente kasi ang mga ito sa kotse kaya talagang umiyak ako dahil silang dalawa lang ang itinuring akong pamilya tapos nawala pa.

Nakapagtapos ako ng high school at hindi ko na sinubukan pa mag aral ng college dahil alam kong wala akong perang pang suporta sa sarili ko. Kung ano-ano ang pinasukan kung trabaho para lang magkaroon ako ng pera. Hanggang sa nag apply ako bilang waitress sa boss ko. Dalawang taon din ako do'n sa bar niya sa Manila bago niya ako inilipat sa Bicol. 

Wild Addiction Series 1: Diego Sanderson (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon