Introduction

8 0 0
                                    

[Voughn's POV]

"Oh, Pare ikaw pala yan" sabi ni Luke. Isa sa mga kaibigan ko.

"Oo, wag ka ngang maingay" suway ko sa kanya. Agad kong binalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.

"Pre, ano ba yang ginagawa mo?" tanong niya.

"Wag ka na lang maingay, sasabihin ko sayo mamaya" sabi ko.

'Ang ganda talaga ng babaeng to. Ano kaya ang pangalan niya?' sabi ko sa sarili ko.

"Kaya pala pre ah" ani ni Luke ng matignan niya kung ano ang ginagawa ko. "Bakit kasi hindi ka na lang lumapit?" tanong niya.

"Wag ka ngang magulo" suway ko sa kanya. "Baka mamaya mahalata niya tayo" dagdag ko.

Binalik ko na agad ang atensyon ko kay ate. Saan kaya nakatira to? Bakit ba kasi takot ako sa mga babae?

Lagi na lang akong nauunahan ng torpe at hiya pagdating sa babae pero kapag sa tropa ko naman ako ang pinakablack sheep.

Maya-maya pa ay nakita ko na naglalakad na siya papalayo.

"Teka ate" sigaw ni Luke. Ano nanaman kaya ang gagawin ng lokong to. Pag ako nabisto may suntok to sakin. "Wag ka munang umalis. May gustong makipagkilala sayo" ani niya. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya.

Nakita ko na huminto sa paglalakad yung babae. Agad naman akong hinatak ni Luke palabas ng pinagtataguan ko.

Naglalakad kami papalapit sa babae. Hila-hila ako ni Luke. Makakatikim talaga sakin tong si Luke mamaya.

"Hello po ate" bati ni Luke sa babae. "Ano pong pangalan mo?"

"Hello" bati din sa kanya nung babae. "Angel, Angel de Guzman ang pangalan ko" ani niya. "Ikaw?" sabay turo ng babae kay Luke.

Mabuti pa si Luke pinapansin ni ate samantalang ako hindi. What a world nga naman.

"Luke, Luke Sanchez" pakilala ni Luke sa sarili niya. "Siya naman si Voughn, Voughn Ong" pakilala niya sa akin.

"Ah. Nice meeting you two" sabi ni Angel sabay lahad ng kamay.

Unang hinawakan ni Luke ang kamay ni Angel. "Nice meeting you Angel" ani nito.

Sunod na nilahad ni Angel ang kamay niya sa tapat ko. Makikipag shake hands pa ba ako? Nahihiya akong hawakan ang kamay niya.

Ningitian niya ako. Nakakaakit ang ngiti niya. Yung ngiting parang ayaw mo ng mawala sa mukha niya.

Agad kong inabot ang kamay niya. "Nice to meet you Angel" sabi ko.

"Ni to meet you too Voughn" ani niya. "Guys, I'm gonna go na. May pupunta pa kasi ako" dagdag niyo.

"Oh sige. Mag-iingat ka Angel ah" ani ni Luke.

"Ingat" sabi ko. At tuluyan na siyang nawala sa paningin namin ni Luke.

"Pre. G*go ka talaga" ani ko kay Luke. "Wala ka na bang nahihiyang kahihiyan sa katawan mo?"

"Meron pa" sagot niya. "Pero para sa akin lang at hindi para sayo" ani nito. Sinuntok ko nga ng isang beses sa braso.

"T*rantado ka talaga pre" sabi ko at nag-umpisa ng maglakad papalayo sa lalaking pahamak at walang hiya.

"Saglit lang pre" ani niya at humabol sa akin. "Saan ka ba pupunta?" tanong niya.

"Papalamig sa mall. Nakakapang-init ka ng ulo ko eh"

"Sama ako pare" sabi niya.

"Wag na. Baka mas masira pa lalo ang araw ko" ani ko sa kanya. "Baka mapatay na kita sa sobrang inis ko"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Piano In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon