3

412 18 0
                                    

Jessy Joyce Qeinz POV

She's here...and as usual, nagagalit na naman dahil na-inlove na naman daw ako.

I don't understand her. Ang gulo niya kasi e? Man-hater pero playgirl naman siya. Basta ayaw lang daw niyang ma-inlove at magpaka-gaga ng dahil lang sa lalake.

And I don't know all the reasons behind why is she like that. Close friend lang daw ako at hindi lahat-lahat ay dapat na malaman ko. Iba daw kasi sakanya ang bestfriend sa close friend. She's unpredictable. For me? Kahit na close friend na ako, she's still a mysterious girl. Madami siyang itinatago sa akin. Madalang lang din siya magkwento about sa past niya.

But she's one of a kind. Ayaw niyang nasasaktan kaming mga kaibigan niya at ayaw niyang nagpapaka-tanga kami sa lalake. Dahil once na sinuway mo ang utos niyang yon ay magagalit talaga sayo at hindi ka titigilan sa kakasermon at kakamura sayo.

She's being unfair to us. Hindi naman kasalanan ang umibig. Hindi ba? But sometimes, she has the point. Tama mga paalala niya at mga utos niya dahil ilang beses na akong nasaktan.

It's just that...I don't want to give up. I know, may nakatadhana para sa akin at alam kong ganun din kay Chy. Sana lang ay makaharap na niya ang taong magpapaniwala sakanyang hindi lahat ng lalake ay pare-pareho.

"What!? Why are you staring me like that!?" Nagulat naman ako sa boses niya. Ang sungit talaga. Tssss!

"Nothing.." walang ganang sagot ko at hindi nakatingin sakanya. "Hindi ka pa ba nagkaka-boyfriend ng seryosohan eversince?" Dagdag ko habang tinutusok-tusok ko ang pagkain ko.

"Eto na naman ba tayo? About na naman ba dyan?" Naiiritang tanong niya."sinabi ko na sayo dati pa na wala akong panahon na pumasok sa relasyon na seryosohan! And you should be like me if you don't want to get hurt!" Dagdag pa niya sa galit na tono.

See? Her reactions are different. Para bang sobrang saklap ang nangyari sa past relationship niya kaya siya ganyan.

Nakakatuwa ngang isipin e. Kasi kung bumabalik yung panahon kung paano kami nagkakilala.

We met on a bar. And again, broken hearted ako that night dahil niloko na naman ako ng lalake. Bigla niya akong inabutan ng isang shot. At dahil masamang masama ang loob ko, kinuha ko iyon and say thank you to her.

Hinayaan lang niya akong uminom ng uminom. At hanggang sa nalasing ako. Umiyak ako sakanya. Then bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko. Hindi naman nakakagulat ang boses niya pero yung mismong sinabi niya sa akin. The fact na kakakilala palang namin. What I mean, first time lang magtagpo ang landas namin.

"E kung hindi ka ba naman kasi gaga at tanga. Bakit mo hinayaan ang sarili mong mahulog sakanya? O ano ka ngayon? E di iniwanan ka paring gaga at tanga. Tsk! If I were you? Never trust any guy again. They will just leave you behind and boom! Wala na silang pakialam sayo kahit pa umiyak ka ng dugo at kahit pa magpakamatay ka."

That's what she told me exactly. Sobrang galit na galit siya noon habang sinasabi sakin ang mga salitang yan.

"Hey! Ano ba?! Para ka ng tanga dyan e! Tinext ko nga pala yung dalawang bruha at papunta na sila dito." Agaw pansin niya sakin kaya naman bumalik ang isipan ko sa realidad. She's referring to our friends. Sila Joy at Shana.

Shana is Chy's cousin while Joy is girlfriend of Chy's cousin. Magulo ba? Basahin niyo nalang ng paulit-ulit.

Amo lang ang naidagdag sa grupo nila. Dahil silang tatlo ay dati ng magkakasama.

Sa aming tatlo, ako lang ang tinatawag niyang close friend. Dahil ang dalawa daw ay they are just her friends.

Ang dami niyang alam diba?

Para kasi sakin ay iisa lang ang ibig sabihin ng friend. A friend is a friend sa akin. Pantay-pantay lang.

________________
"Holy shet! Ang init sa labas! Itong si Shana kasi e! Ang tagal-tagal pa maglakad sa labas!" Kakapasok palang niya ay siya na naman ang naririnig.

She's Joy. The most talkative of the group and siya din pinaka-palaban. Kung sasabihin niyang makikipagsuntukan siya ay makikipagsuntukan talaga siya.

"Asa! E bakit hindi ka nalang nauna? Sinisi mo pa ako! Itong condi ni Jessy ang sisihin mo kasi hindi siya along the high-way!" Irap naman ni Shana habang paupo sa sofa.

"Tsk! Kairita kayo kahit kelan. Ano? Nagdala ba kayo ng makakain natin?" Si Chy.

"Of course yes! Oh bruh? What happened to you? Sinong lalaki na naman ba yan!?" Si Joy.

"Hindi niyo kilala e. Pero okay na ako. Chy was right. Hindi na dapat ako magpapaloko ulit sa mga lalake." Malungkot na saad ko dahil naaawa ako sa sarili kong lagi nalang niloloko.

"Tssss. She's controlling your life again." Pagpaparinig ni Shana.

"What did you say!? Me? Controlling Jessy's life?! How come!? Ha!?" Sigaw na turo ni Chy kay Shana.

"Hindi lang si Jessy kung hindi kaming tatlo. Lagi kang nakikialam sa relasyon nila Joy at kuya Liam! At ako? Pinipaligawan mo sa barkada mo? And now? Jessy...pinipigilan mong mainlove!?" Ganting sigaw naman ni Shana. Kaya naman napatayo kami ni Joy para awatin silang dalawa. They are cousins pero kung mag-away sila ay parang hindi nila kilala ang isa't-isa.

"Oh? Ganyan ba ang dating sayo ng mga ginagawa ko? All this time kayo lang ang iniisip ko pero ganyan pala kasama mga pinaggagawa ko sainyo!? Well sorry sainyo! From now on...hindi na and I'm sorry. I have to go." Walk-out ni Chy sabay balibag sa pintuan ng makalabas na siya.

Arrrrgh! Bakit ba sumasabay lahat ng problema!? Kainis naman.

"Hey...bruh calm down. Hindi tayo magkakaintindihan niyan kung mga galit ang paiiralin natin." Ako.

"Punung-puno na ako sa lagi niyang pagmamagaling eh!" Si Shana na pabagsak na umupo sa couch.

"Yeah...lagi nalang." Sang-ayon naman ni Joy.

"So? Galit talaga kayo sakanya?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanila.

"At ikaw hindi!? Ghad! Hinahayaan mo kasing ikontrol niya yang buhay mo! Pakialam ba niya kung mainlove at masaktan ka!? Parte lahat yon ng buhay natin. She's very bossy! Kung ano ang gusto niya,yon na dapat ang masunod." Ewan ko pero ang tingin ko sa dalawang ito ay parang kontrabida na. Hindi ko lubos maisip na nakakapagsalita sila ng ganyan kay Chylie.


Hindi nila naiintindihan ang punto ni Chylie. I understand naman kasi, she care for us. She's just concern to us. Palagi lang kasi siyang advise doon advise dyan. At palagi siyang nagdidikta ng akala niyang mas makakabuti sa amin. Noon oo, naiirita din ako sa pangingialam niya sa buhay ko. But then I realized,para din naman yon lahat sa ikakabuti ko. Lahat ng advise niya pinapakinggan ko and ginagawa ko lahat yon na basis sa lahat ng ginagawa kong decisions. Pero sadyang matigas lang kasi talaga minsan ang ulo ko kaya lagi akong nasasaktan in the end.

"Bakit kayo ganyan? See? Tingin niyo masama siya kasi pinapakialaman niya buhay niyo. Pero naisip niyo rin ba na kahit masama tingin niyo sakanya, ang ikabubuti niyo parin ang iniisip niya. Naisip niyo ba kung paano niya tayo pinapahalagahan at kung gaano tayo kaimportante sakanya bat niya nagagawa ang mga iniisip niyong mali na ginagawa niya!? Shit mga bruh! Kung nagagalit at nasasaktan kayo sa mga gingawa niya para sainyo, siya ba hindi nasasaktan? Nasasaktan nga siya para sa atin eh? Ikaw Shana. Nung walang-wala ka? Kanino ka tumakbo? Sakanya diba? At ikaw Joy, kapag nag-aaway kayo ni Kuya Liam, kanino ka nagkukwento,kanino ka nagsusumbong sakanya diba?? Ghad! Sa buong buhay niya tayo lang ang iniisip niya pero kayo, puro kasamaan pala niya ang tinitignan niyo. Where's the friendship in there!?" Hindi na ako nakapagpigil at naisumbat ko lahat yon sakanila.



Hindi na sila nakaimik pa.


Does FOREVER Exist? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon